His Virgin 28

6.5K 154 5
                                    

    Most of the people in the world are blessed of having a family. A family, with whom you can share all your joys and sorrows, who is there to guide you through your growing years, who stands by you in the toughest situations. Wala na akong mas isuswerte.

    Maaaring masyadong naging mabilis ang lahat para sa amin ni Maeluthe. We unexpectedly met, naging magkasangga, nagtulungan at ngayon, may sarili nang pamilyang kailangang protektahan at mahalin habangbuhay.

    I can’t imagine living life without my family. Kung wala ang mga magulang at kapatid pati na ang mga kaibigan at lalong-lalo na kung wala si Maeluthe at Isi, ang aking anak. My family is very important and precious to me and something that should not be taken lightly. Kung wala ito, para ko na ring tinapon ang buhay, ang sarili kung saan.

     In this world of doubt, uncertainty, and fear, my family has always been there for me, holding me in arms with love. Wala na akong ibang mahihilkng pa.

    They will be there for me through ups and downs and love me no matter what.

    “Then, you may kiss the bride.”

    Humigpit naman ang pagkakakapit ko sa kamay ni Maeluthe kasabay nang malakas na palakpakan ng mga tao. Katulad namin, sobrang saya nila sa nangyayari. Pagkatapos noong mga napagdaanan ni Eilythia at Kairus ay naririto sila sa harap namin at labis na ipinagyayabang ang isa’t isa sa isang sagradong kasal.

    Wala rin akong mas ikasasaya pa para sa kaibigan.

    Naroon ako sa tabi niya, ilang beses man siyang magpakalunod sa alak, umiyak nang umiyak at magwala. I've seen all his struggles and pain—he’s very deserving sa milyon-milyong kasiyahan.

    Pilit kong inaalalayan si Maeluthe na ilang buwan pa lang matapos manganak ay nagpumilit nang puntahan ang kasal ng kaibigan. Ikinunsulta naman na namin iyon sa doktor at nagkaroon na rin kami ng go signal. Hindi lang dapat mawala sa paningin ko ang babae.

    “Are you really okay with this, Mae?” tanong ko nang makarating sa reception pagkatapos na pagkatapos ng kasal.

    Hindi ko pa nagagawang lapitan ang bagong mag-asawa dahil sa dami ng mga bisitang kailangan nilang asikasuhin.

    “I am fine. Nagugutom na ako.”

    Dahan-dahan ko itong inalalayan para makaupo sa mesa kung nasaan na sila Andrei, Jecenth, at Rodan. Pinakiusapan ko itong tingnan-tingnan si Mae habang kumukuha ng pagkain.

    Iniwan namin si Isi sa aking mga magulang. Ipinanalangin ko na lang ding hindi sana gaanong maging lamog ang anak dahil sa labis na panggigigil nila mommy.

    “This song is for our dearest queen. . . Eilythia.” Naghiyawan ang lahat ng tao sa reception dahil sa sinabi ni Baste. Lahat sila aliw na aliw sa boses nito kaya bentang-benta ang lalaki ngayon.
   
    Pangisi-ngisi itong tumingin kay Eilythia saka kinindatan dahilan para magmistulang baril ang kamay ni Kairus at ibinaril-baril iyon sa kaibigan.

    Kahit kailan, hindi pa rin talaga nagbabago ang Sebastian na ‘yan. Nahuhuli na siya. Kailangan na rin ata ng magpapatino.

    Nagsialisan na ang mga bigating bisita kaya malaya ang mga ito magkulitan. Para bang naging reunion ng magkakaibigan ang reception na iyon. Naroon ang lahat ng kaibigan namin nila Sebastian simula pagkabata, mga kaibigan ni Kairus, mga katrabaho ni Andrei, pati na ang kapatid ko at mga kasama sa kompanya.

    Ngayong nakikita ko ang mga ito, I’ve realized that I’ve really been inattentive sa kanila. No wonder na parang binomba ang inbox ko ng mga pang-aasar ng mga kaibigang nagpatali na raw ako. Mga baliw.

His VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon