His Virgin 13

5.1K 161 0
                                    

Hawak ang isang maliit na box na naglalaman ng mamahaling kwintas na kabibili lang ni Isiaah, ilang beses itong nagpabaling-baling ng tingin sa sariling relo. Ilang minuto na ang nakararaan simula nang huling makapagtext si Maeluthe sakanya.

Nang mai-park ang sasakyan, mabilis siyang nagtungo sa gate nang mismong eskwelahan ng babae. Nagtungo ito sa lugar kung saan madalas silang nagkikita ng babae pero wala ni anino nito siyang nakita.

Nakapagtataka, sambit ni Isiaah sa isip. Hindi kasi ugali ni Maeluthe ang maglibot-libot pa lalo na kung nagpag-usapan na nilang magkita. 

Nag-aalala man, minabuti nitong manatili lang muna sa lugar, umaasang pagkatapos ng ilang minuto ay babalik din ang babae.

Ang isang minuto ay naging isang oras. Paulit-ulit nitong tinatawagan ang babae pero nakapatay na ang cellphone nito. Nasubukan na rin nitong magtanong sa mga kaibigan kung nakita ba nila si Maleuthe. Nagawa na rin nitong tumawag sa restaurant pero wala at hindi lang ang nasasagot ng mga ito.

Dali-dali na siyang bumalik at sumakay sa sasakyan. Akmang paaandarin niya pa lang ito nang marinig ang pagtunog ng cellphone.

It was a call from an unknown number at mas lalong wala itong oras para sagutin pa ang kahit anong tawag na hindi konektado sa kasintahan pero mabilis niya pa rin iyong ini-slide at sinagot.

“Hello, Isiaah Jacinto speaking. Who's–” Awtomatiko siyang napatigil nang marinig ang isang pamilyar na paghangos.

“Isiaah. . . Isiaah, help me.”

Maeluthe.

Halos mabingi ang lalaki sa malakas na pagkabog ng dibdib. Ito ang unang beses na naramdaman niya ang kabang katulad nito. For the first time, he was scared. Sa unang pagkakataon, hindi nito maiayos ang mga naiisip.

“M-Maeluthe? Where are you?”

Ilang minutong walang sumagot sakanya. Tanging naririnig lang nito ay iyong mga kaluskos at sigawan ng mga taong hindi niya naman kilala.

“Maeluthe! Anong nangyayari?”

Sinumulan nito ang pagmamaneho kahit pa hindi naman tiyak kung saan ito patungo. Nanginginig man ang mga kamay, wala na siyang ibang iniisip kundi ang girlfriend.

“H-Hello?” He was startled with a woman’s voice. “The. . . the woman. Isinugod siya sa Grand Valley Medical Center.”

Hindi na nagawang magpasalamat ni Isiaah sa kung sino man ang nakausap. Basta niya na lang ibinaba ang tawag at kumaripas papunta sa masabing lugar.

Tumagal ng halos isang oras ang byahe. Halos mamanhid naman ang mga kamay ni Isiaah dah sa tuloy-tuloy na panginginig. Takot na takot ang lalaki. Nagsisimula pa lang siyang muli, bago pa lang ang lahat sakanya. Naibalik pa lang ang sayang hinahanap ko pero mukhang babawiin na naman agad.

Nanghihina man ang tuhod, hindi na siya nagsayang ng panahon. Nang makuha kung nasaang kwarto si Maeluthe ay kaagad na siyang nagpunta.

To his surprise, kung sino pa ang pinakahuli-hulihang taong gustong makita sa ospital na iyon, ito pa ang bumungad sa lalaki.

Nasa labas pa ang dalawa ng emergency roon at parehang hindi mapakali.

“Ma?” hindi makapaniwalang sambit nito. Kapagkuwan ay hinarap din si Cyra na kanina pa namumutla, paminsan-minsa‘y natatakot dahil sa ginawa. “Cyra, anong ginagawa niyo rito?”

“Sai, that woman–”

“Don’t call her that way!” singhal niya sa dalaga. “What’s going on, Ma?”

Tuluyan nang tumahimik si Cyra at bumaling sa ina ni Isiaah. Kapwa inaantay ng dalawa na ito na ang magpaliwanag sa lahat ng nangyari.

“We met her–”

“You what?!” Ipinangako sana ni Isiaah na ititikom niya muna ang bibig para makinig sa ina pero sa unang salita pa lang ay hindi na nito mapigilang magimbal. Ano naman ang dahilan para magkita ang dalawa? Kahit kailan naman ay hindi pinakealamanan ng ina niya ang tungkol sa mga babaeng nagugustuhan niya.

Tila ba nasagot ang lahat ng tanong sa sistema niya nang ibaling nito ang tingin sa babaeng tahimik na sa gilid, natataranta.

“Pwede ba makinig ka muna sa akin, Isai?!” sigaw pa ng ina nito. Walang nagawa ang lalaki kundi ang makinig.

“Yes, nakipagkita kami. I didn’t know, okay? Alam mo namang wala akong problema sa mga babaeng nakakasama mo noon pa man. But then, this shameless woman!” Dinuro-duro nito si Cyra.

“Tita naman!”

“Bakit hindi mo sinabing niloko ka ng babaeng ito? I trusted her! Alam mo kung gaano ako ka-pabor sakanya. That’s why. . .”

“Ano, Ma?”

Palinga-linga lang si Isiaah, naghahanap ng pupwedeng mapagtanungan. Pero dahil nga nasa ER pa ang babae, siguradong wala pang ibang nakakaalam ng kahit ano patungkol dito.

“I threatened her!”

“Mama naman!”

Nagsimula nang magkaroon ng tensyon sa pagitan ng mga ito. “But it wasn’t my fault. Tinigilan ko na siya. Si Cyra ang nakipaghilaan ng buhok kay Maeluthe kaya–”

Inihilamos ni Isiaah ang palad sa mukha, dismayado. Sa sitwasyong katulad nito, hindi niya alam kung anong gagawin sa punong-puno ng timba ng galit.

Ilang beses itong bumuntong-hininga. Natahimik na rin ang dalawa pa nitong kasama.

“Anong nangyari kay Maeluthe?” pigil ang galit nitong sabi.

Nagtitigan ang dalawang babae na parang nag-aantayan pa sa pagsasalita. Sa huli, tumango si Iya saka hinarap nang mabuti ang anak.

“Kahit kami nagulat, Isai. Blood rushed mula sa pagitan ng hita niya. Nagpanic na kami pagkatapos. She was screaming in pain. Hindi pa namin alam kung ano talaga ang dahilan no’n pero she must be–” pregnant. Iyon sana ang planong sabihin ni Iya sa anak kaya lang natigil iyon nang biglaang bumukas ang pinto ng ER.

Dali-dali namang sinalubong ni Isiaah ang doctor, hindi pa rin nawawala ang takot. “Doc, what happened? Boyfriend ako ng pasyente!”

Huminto sa tapat ng lalaki ang doktor saka ngumiti, dahilan para mabawasan ang bigat ng pakiramdam ni Isiaah. “She’s fine now. Mabuti’t nadala agad sa ospital. You don't need to worry about the baby, she’s safe too.”

Ang malaking ngiti na sana ni Isiaah ay agad ding napawi nang marinig ang sinabing iyon ng doktor. Baby? What baby?

“Baby?”

Tumango ang doktor sa sinabi niya, nanatiling nakangiti. “I guess, you didn’t know. Miss Legson is six weeks pregnant. Congratulations.”

Napapalakpak ang ina niya sa biglaang nalaman pero nagsimula namang napako si Isiaah sa kinatatayuan. This can’t be happening. Hindi ito totoo, napasabi na lang siya sa sarili.

Hindi maaaring anim na linggong buntis si Maeluthe dahil wala pa halos isang buwan simula noong naging makakilala sila ng babae.

His VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon