His Virgin 12

5.2K 173 5
                                    

Inuulan ng magagandang pisikal na katangian ang ina ni Isiaah. Kung pagbubuntungan nang kahit kaonting atensyon, mabilis na mabibigay ng pagkakaugnay ang mag-ina. Their personalities speak fame, money and intelligence. Iya Jacinto seems that she’s on her 20s.

Hindi maatim na makatigin ni Maeluthe sa babae lalo pa’t matalim na ang titig nito sakanya.

Ano nga bang ginagawa niya sa lugar na ito? That Cyra Genesis. . . talagang pinapahamak ako ng babaeng ito.

“I can see that both Isiaah and Cyra, her fiancée, are much interested in you, Maeluthe Legson.”

Her fiancée.

What is this? Malinaw na ipinaliwanag ni Isiaah sakanya ang nangyari. Alam niya ang totong kulay ng babaeng nasa haap, sa kung paano niya nagawang lokohin si Isiaah at paasahin si Baste. They’re just putting in a show.

“Of course, Ma’am. I am Isiaah’s girlfriend,” matapang na sabi ni Maeluthe kahit pa may kung anong nagkakarera sa loob niya. Hindi siya iyong tipo ng taong magpapatalo na lang bigla lalo na’t alam niyang wala naman itong ginagawang masama.

Patagal nang patagal, mas tumitindi ang pananakit ng tyan niya. Kailangan na niyang umalis, kailangan niyang tawagan ang kasintahan. Bwisit na cellphone at ngayon pa na-lowbatt.

“Isai’s girlfriend?” hindi makapaniwalang sambitng ginang. “Who?”

Mala-kontrabidang biglang humalakhak si Cyra bago nagsalita, “Pabayaan mo na, Tita. Nasanay na rin ako kay Isai. He used to do that a lot, you know, play girls.”

“Thank you for understanding, Cyra.”

Gustong masuka ni Maeluthe sa pinag-uusapan ng dalawa. Pansalamantalang hindi ito nakasunod, hindi niya masundan ang kung ano man ang binibigkas ng kanilang mga bibig. Paano nasasabi ni Cyra ang mga bagay na iyon gayong labis na dinamdam ni Isiaah ang panloloko niya noon?

Nanggagalaiti na siya sa babae pero pilit nitong kinokontrol ang sarili. Pakiramdam niya, mas lalong lumalala ang pananakit ng tyan niya. Maski ata ang anak ay naiinis din sa mga kaharap niya ngayon.

“Pwede na po ba akong umalis?” walang takot niyang gagad. She really needs to get out of here. Hindi na makakabuti kung titiisin lang nito ang sakit mula sa tyan at ang pagkainis sa mga kasama. She needs to calm down at malabong mangyari iyon kapag nagtagal pa siya. “Wala ho akong kinalaman sa kung ano man ang pinag-uusapan ninyo kaya mauuna na—”

“Tatlong milyon. . .” Parang punyal na lumabas iyon sa bibig ng ginang, dumerekta sa dibdib ni Maeluthe. “’Wag na ‘wag ka nang lalapit sa anak ko.”

Kung kanina ay may katiting pa siyang paghanga sa ginang, tuluyan na iyong natunaw ngayon. Nagmistulang malakas na sampal ang mga salitang iyon kay Maeluthe. Tatlong milyon. . . pera kapalit ng sakit, pera para iwan ang lalaking mahal at ang ama ng bata sa sinapupunan niya.

Leaving Isiaah will be the last thing she would do at hinding-hindi iyon para lang sa pera.

“Leave my child alone, Miss Legson. Do that. . . habang maayos pa akong nakikipag-usap sa’yo.”

Nagtiim ng bagang ang babae, dumaloy ang sobrang pagsakit ng ulo pati na ng tyan. Gusto na nitong makaalis, gusto na nitong tawagan si Isiaah.

“Mawalang-galang na po sainyo, Mrs. Jacinto. Nakikita ko naman po na nasa wastong gulang na si Isiaah para magdesisyon sa sarili niya. Afterall, he has every right to do so. Naiintindihan ko po kung. . .”

Napahinto siya nang maramdaman na ang nakasusulasok na pagsakit ng tyan. Takot ito. Natatakot ito lalong-lalo na sa batang na nasa sinapupunan. “Naiintindihan ko po kung gusto niyo protektahan ang anak ninyo. But please, don’t let him be with a woman na ginagawa siyang basura, na niloko’t tinatarantado na siya ng ilang beses. Hindi ko po makuha kung bakit nasa side kayo ng babaeng niloko ang anak niyo kaysa kay Isiaah–”

Hindi na natuloy ni Maeluthe ang sinasabi. Walang sabi-sabi kasing hinila ni Cyra ang buhok niya dahilan para mas mamilipit ito sa sakit.

Ang pagkainis na iyon ay onti-unting naging luha. Iniyak na lang nito ang lahat ng takot hindi para sa nangyayari kundi para sa anak.

Nagkagulo ang lugar, mayroong mga taong nagpasya nang pigilan ang komusyon. Ang iba ay nakahawak na rin kay Maeluthe na ngayo’y wala nang kalaban-laban. Hindi na halos niya magalaw ang mga kamay.

“Teka, dinudugo iyong babae!”

Kung hindi pa maririnig ni Maeluthe ang mga salitang iyon, hindi niya pa mararamdaman ang  mainit pang dugong lumalabas sa pagitan ng mga hita niya. Nagsigawan ang mga tao. Hindi na rin halos maipinta ang gulat sa mukha ni Cyra at ina ni Isiaah.

Nanginginig ang mga kamay na nilapitan ni Maeluthe ang pinakamalapit na babae sakanya. “P-Pwede bang makitawag?”

Hindi na nagdalawang-isip ang babaeng iyon, kahit siya ay nag-aalala rin. Kahit pa mayroon na ring tumawag ng ambulansya, hindi pa rin magkamaway ang ibang tao pang naroon.

Mabilis na inabot ni Maeluthe ang cellphone. Tuluyan na siyang namanhid sa nararamdamang sakit bago pa may nagpresintang isang lalaki para buhatin siya’t isakay sa sasakyan ng isang nars na naroon dahil hindi na raw nito maaaring antayin pa ang ambulansya.

“Hello, Isiaah Jacinto speaking. Who's–”

“Isiaah. . . Isiaah, help me.”

Nakabibinging ingay na lang ang naririnig niya mula sa paligid. Gustuhin pa mang magsalita ng babae, kusa nang bumagsak ang sistema nito kasabay ng pagbagsak ng mga talukap ng mga mata at tuluyang nawalan ng malay.

His VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon