Wala na sa restaurant si Maeluthe noong nakabalik si Isiaah. Ang totoo, hindi naman talaga ito papasok. Talagang mas pinili lang nitong puntahan ang lalaki para sana sabay makauwi.
Hindi na nagdalawang-isip si Isai na kaagad umalis. Alam nito ang problema, hindi nito dapat sinabi ang mga salitang iyon sa mismong harapan pa mismo ni Cyra.
She's not just his employee. With Maeluthe, he’s happy. . . he's starting to live again. Hindi nito hahayaang basta na lang masayang ang mga iyon dahil sa maling tabas ng dila niya.
Isa lang ang maaaring puntahan ni Maeluthe at sigurado siyang nasa bahay niya lang ito. Ilang minuto lang ang binilang noong makarating siya sa lugar.
Hinanda na niya ang sarili, pero nangunguna ang kaba. Kahit pa nga ata sa mga investors ay hindi siya kinabahan nang ganito. Ngayon lang.
Sa iisang babae lang.
Nang pihitin nito ang doorknob, naulunigan agad nito ang ragasnas ng tubig sa banyo. Ngayon ay bahagya na itong kumalma lalo na noong makita niyang nakaayos na ang mesa para sa hapunan.
She’s not mad at me, bulong pa niya sa sarili. Kahit papaano ay napanatag si Isiaah. Hihingi siya ng tawad sa dalaga, mas magiging magaan lang iyon kung hindi siya galit.
Isa pa, he can clearly observe na mahaba ang pasensya ng babae. Labis niya iyong pinagpapasalamat.
Ilang sandali pa, lumabas na ang babae sa banyo. Pilit siyang nginitian ni Maeluthe kahit pa napakarami pa ring bagay ang bumabagabag sa isipan ng dalaga. Sino ba ito para maramdaman iyon?
Employee lang naman talaga ako at siya ang boss ko, pilit pa nito sa sarili.
“Nakapagluto na po ako ng hapunan, Sir. Mas masarap po iyan kapag mainit.”
Nagkamali si Isiaah. Sa unang mga salita pa lang ni Maeluthe ay alam na nitong labis na naapektuhan ang babae sa nangyari sa parking lot.
Dali-dali niya itong nilapitan, niyakap mula sa likuran pero hindi katulad nang nakasananayan ng dalawa, Maeluthe remained stiff.
Marahang hinaplos-haplos ni Isiaah ang balikat nito, maya't mayang hinahalik-halikan pero tahimik lang ang babae sa kinatatayuan na para bang hindi iniinda ang ginagawa ng lalaki sakanya.
She’s just his employee, paulit-ulit na pumapasok ang mga salitang iyon sa utak ni Maeluthe. Mas magandang sa maagang panahon pa lang ay maging malinaw na ito sakanya.
She won’t let her guard down. Hindi na nito muli pang ipapahamak ang sarili dahil sa pag-ibig.
“Are you okay?” panimulang tanong ni Isiaah. Alam nitong walang magiging kwenta ang tanong nito pero minabuti niyang matantsa muna ang babae.
Nagtagal ang pag-iisip, inabot din ng minuto bago ito nakasagot. “I am.”
She’s not, tuwirang pahayag ni Isiaah sa sarili. He needs to do something. Katulad ng sinabi sakanya ng ina noon, higit sa kahit ano pa mang mga bahay, mas kailangan naming intindihin ang mga babae. Women are the most precious gems in the world. We must value them.
Dahan-dahang umupo si Isiaah sa upuang katapat ng mesa, bago kinalong si Maeluthe na nananatiling tahimik hanggang ngayon.
She doesn’t want to speak. Hindi siya iyong tipong kayang pigilin ang mga naiisip—isa sa mga rason kung bakit siya pumasok sa law school at pinangarao maging abogado.
Ayaw niyang magsabi ng mga bagay na alam nitong pagsisisihan niya kinalaunan.
“Are you mad at me?” panimulang tanong ni Isaah, inuunti-onti ang babae.
Mabilis lang na umilig si Maeluthe sa tanong kahit hindi pa nito nagagawang pag-isipan. “Hindi–”
Tinigil na ni Isiaah ang pagsasalita ng babae, kahit papaano ay nakaramdam ito ng kaluwalhatian dahil sa sagot nito. “Cyra is my ex-girlfriend. Hindi ko pa maintindihan sa ngayon kung bakit bumalik siya pero hindi iyon ang iniintindi ko. . .”
He’s really anxious about what Maeluthe thinks. Habang tumagal ang pananahimik nito, napakaraming spekulasyon ang pumapasok sa utak niya.
Malakas ang naging pagkalabog ng puso niyang parang isang leon na sandali na lang ay lalabas na sa sarili nitong hawla. Kinatatakot nito na baka maudlot pa ang relasyong hindi pa nasisimulan.
Masyado pang maaga para ituring, alam ni Isiaah iyon. But there is something about this girl na mas paulit-ulit niyang ginugusto. Walang malinaw na eksplinasypn ang lahat pero siguradong-sigurado ito sa nararamdaman.
“You aren’t just my employee, Mae. Pasensya na kung–”
“You don’t have to be sorry for that, Sir.” Kinagulat ni Isiaah ang mga salitang iyon mula sa babae. Sumabay pa ang biglaan nitong pagtayo mula sa mga hita ng binata. “We just have to get the things straight.”
“Let’s get the things straight. Please, don’t call me Sir.”
“Bakit hindi? I should pay my respect. Ikaw ang boss ko at ako naman ang empleyado mo–”
“This is bullshit!” Sabay na ikinagulat ng dalawa sa malakas na sigaw na iyon ni Isiaah. For Maeluthe, hindi niya inaasahan ang ginawa nito. For her, Isiaah seems so calm and collected. May talento itong pakalmahin ang sarili sa lahat ng pagkakataon—mahirap man o madaling pangyayari.
Pero hindi na natinag doon ang lalaki. Hindi katulad ng mga naiisip ng ibang tao tungkol sakanya, he has this anger management issues. Mas mahirap ang mga bagay, mas lalo itong nawawala sa sarili. He can’t seem to get use to this.
Napasapo si Maeluthe sa biglaang pagkirot ng tiyan niya. Naisip tuloy nito ang anak, kung naririnig kaya nito ang pagsasagutan ng sarili niyang mga magulang. Pero dahil nga ilang buwan pa lang ito ay halos tawanan nito ang sarili.
“Mae, hindi kita empleyado. Kahit kailan, hindi naman kitang talaga itinuring na empleyado. You are more than that. You are special for–”
“Isiaah, let’s get this over with. Imposible ang sinasabi mo. Pwede kang ma-confuse sa mga bagay, pwede mong ma-misinterpret ang lahat ng nangyayari kaya ngayon pa lang, we should fix this. Malinaw ang naging usapan natin na. . .” Napawi ang mga salita ni Maeluthe nang titigan nito ang nakapikit ng si Isiaah.
He swears to every gods and goddesses, pinapakalma nito ang sarili. Gusto niyang makontrol ang nga naiisip pati na ang sasabihin.
“. . .You’ll let me stay here for work. Hindi ako pwedeng umalis kapag nagkaproblema dahil ito lang ang pinakainaasahan ko ngayon–”
Sa sunod na pagbukas ng bibig, labi na ni Isiaah ang sumalubong dito. Mapupusok ang mga halik na pinagsaluhan ng dalawa, agresibo, mabilis na para bang hindi na handang ipagpabukas ang lahat.
Hindi na nakontrol ni Maeluthe ang maglabas ng mahinang ungol nang biglang tumigil ang lalaki sa biglaang panghahalik.
Habol-habol ang hininga at mistulang malakas na tinatambol ang mga puso ng dalawa. Hindi man alam ang susunod na hakbang, iisa lang ang gusto nilang kahantungan.
“Maeluthe, gusto kita.” Sapat na ang mga salitang iyon para tuloy-tuloy na magwala ang puso ni Maeluthe sa kagalakan.
Kung panaginip man iyon, sana ay magtagal. . . sana ay hindi mawala.
“At mas gusto kong mahalin ka, kaya please, don’t end this here. Marami akong gustong maranasan kasama ka. In fact, you really are a good person. You have a soft heart, you listen, you are here with me,” pagpapatuloy nito habang mariing nakatitig sa mga mata ng dalaga. “I am really nervous, right now. Ngayon lang ako nawalan ng sasabihin. I just like you—so much, that I keep on falling and falling for you everyday. I hope you’ll give me a chan–”
Nag-aalab na mga halik ang isinagot ng babae kay Isiaah. Everything turned out really, really fine. Hindi na nito kailangan pang magsalita, hahayaan na lang nitong ang puso ng isa ang magdalaga ng mensahe sa isa at ang mga labing hindi na halos maipaghiwalay ang magiging daan para roon.
You have a million of chances, Isiaah. ‘Wag na ‘wag mo kaming sasaktan ng magiging anak natin.
BINABASA MO ANG
His Virgin
RomanceIsang gabi lang ang makapagbabago ng takbo ng buhay ni Maeluthe. Sa isang iglap, wala na ang 'isang kahig, isang tukang buhay'. Sa isang gabi, nawakasan na ang nakapapasong init ng kanyang nakaraan nang makilala nito ang lalaking handang ibigay saka...