His Virgin 23

5.6K 158 4
                                    

    Malalakas ang hampas ng alon sa gabing iyon. Nanunuot sa balat ni Maeluthe ang malamig na simoy ng hangin kahit pa napakakapal na nang suot nitong jacket.

    Pilit niya lang iyong iniinda, tinutuloy ang paglakad sa tabing-dagat habang nasa kanan si Isiaah.

    Tahimik lang ang lalaki. Napagkasunduan na ng mga itong mag-usap pero ilang minuto na rin ang nagdaan ay hindi niya pa magawang ibuka ang bibig kahit pa alam nitong napakarami nilang kailangang pag-usapan at linawin sa isa’t-isa.

    “Isiaah–”

    “Maeluthe.”

    Bahagya nilang ikinabigla ang pagkakasabay pero mas tinatagan na ni Isiaah ang loob.

    Tumigil ito sa paglalakad at hinarap ang kasama. Marahan niya pa itong hinawakan sa magkabilang balikat bago magsalita, “We. . . We really need to be honest about what we feel. Iyon ‘yung natutunan ko the past few days, I started to regret what I did. Pinagsisisihan ko ‘yun kasi hindi ko sinabi kung ano talaga ‘yung nararamdaman ko. I never wanted you to leave. I shoudn’t say things that I don’t mean. Dapat hindi ko sinabi, dapat mas naging tapat ako sa sarili lalong-lalo na sa’yo. I asked you to leave but it means you must stay, ipaliwanag mo sa akin ang lahat. And it was so stupid of me to think na hindi kita nasaktan sa bagay na ‘yun. Sana mas naging honest ako.”

    Bumagsak ang mga kamay ng lalaki at nanatili sa kaniyang gilid, nakararamdam ng hiya, pinag-iisipan nang mabuti ang sasabihin. He doesn‘t want to make mistakes again. Para rito, sapat na ang mga pagkakamaling nagawa niya.

    Isa pa, hindi rin makakabuti sa magiging anak at kay Maeluthe kung magtatagal pa ang sitwasyon.

    “I’m sorry, Mae. I really wanted to visit you at the hospital. Gusto kong alagaan ka, manatili sa tabi mo sa mga panahong iyon. I. . . I didn’t know, but I am not going to make that as an excuse. Pasensya na kung hindi ako nakinig, ha? Dapat mas pinakinggan kita, dapat mas sa’yo ako naniwala.

    “Pero pagkatapos kong malaman iyon sa doktor mismo, naisip ko agad na baka sinadya mong huwag sabihin dahil hindi naman talaga ako. That it wasn't really mine to begin with. I got scared. Natakot ako nang sobra, Mae. God knows how happy I am to be with you kaya gano’n na lang din ang takot kong mawala ka kaagad. But you know, I can’t keep you. . . Hindi ko pa kayang tanggapin na you’ll start living with someone na–”

    Napahinto ang lalaki nang maramdaman ang mahihinang paghaplos ni Maeluthe sa mukha niya.

    “I was a jerk for making you leave. Pinagsisisihan ko ‘yung lahat pero huli ko nang na-realize. I tried to find you, pero hindi pa rin naging enough ‘yun para mahanap kita. . .” Nagpabaling-baling ang tingin ni Isiaah kay Mae pati na sa tiyan nito,  hindi mapakali at may gustong makumpirma.

    “I should’ve at least prepare something before I say this pero gustong-gusto ko nang sabihin. . . wala ng worries o pag-aalangan this time,” gagad ni Isiaah habang isa-isang hinahawi ang buhok na nakatabing na sa mukha ni Maeluthe. “I love you.”

    Nagpipigil ng ngiti, labis ang nararamdamang pagkabog ng dibdib ni Maeluthe. Malinaw at alam niya kung ano ang isasagot sa pag-amin iyon pero nagkandabuhol-buhol na ang mga salita sa likod ng isip niya.

    Samantala, minabuti ni Isiaah na huwag nang mag-antay sa sasabihin ng babae. Isa pa, hindi naman ito nagmamadali at talagang nakakuha na ng atensyon niya ang maliit pang umbok sa tiyan ni Mae.

    Parang may humahaplos-haplos sa puso ng lalaki. Bahagya niyang inilebel ang mukha sa tiyan ng babae at ingat na ingat na hinawakan iyon.

    “A-Ako ba talaga ang. . .” Ni hindi niya magawang masabi ang salitang ‘ama’. Hindi niya naman kasi talaga inasahan. Things became out of his hand lalo na’t nagkataong lasing pa ang lalaki noong gabing iyon. I’ll never regret that night, he said to himself. I’m going to be a dad!
   
    “Ang totoo, hindi ko inasahang magkikita pa tayo ulit, Isiaah. I am willingly to take good care of our child–”

    “Our child. . .”

    “It’s yours,” pinal na sabi ng babae na naghatid ng mga luha kay Isiaah. Sa sumunod na segundo ay hindi na niya napigil ang nararamdaman and he bursted into tears.

    Isiaah is a soft guy. Kahit sino makakapagpatunay noon pero hindi inasahan ni Maeluthe ang magiging reaksyon nito sa tapat mismo ng tyan niya. It wasn’t an unexpected revelation pero heto siya ngayon at akala mo’y nanalo sa lotto.

    “Plano ko lang sanang sunduin ang kaibigan ko sa bar na ‘yun when I bumped into you. Sinubukan kong hanapin ang mga kasama mo pero sa sobrang dami ng tao roon ay wala na akong nagawa. Bagsak na rin ‘yung katawan mo kaya inisip ko na lang na dalhin ka sa pinakamalapit na hotel at ganoon na nga ‘yung nangyari–”

    “That’s right. . . you will be mine. You’ll be my virgin,” nangingising sambit ni Isiaah, ginaya ang mga salitang sinabi niya noong gabing iyon na hinding-hindi makakalimutan nu Maeluthe.

    Wala namang ibang nagawa ang babae kundi tumawa. “Naaalala mo?”

    “Huli ko nang naalala. . .” gagad ni Isiaah saka dinampi ang labi sa labi ng babae. “I’m sorry, Mae.”

    Maeluthe became so speechless. Dahil na rin sa sobrang kagalakan at excitement sa magiging buhay niya ngayong kasama na si Isiaah.

    Bumalik ang lalaki sa pwesto sa tapat ng tyan ni Maeluthe. Malawak ang ngiti nitong nagsalita, “Hi there. . .”

    Kahit siya, hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala.

    Nang makita niya ang lalaki isang gabi, walang pagdadalawang-isip niya itong tinulungan, binihisan at inalagaan dahil sa labis na pagkalasing. Hindi niya inasahan ang lalaking iyon pa ang magiging ama ng anak niya. . . ang lalaking masayang-masaya sa harap nito ngayon dahil sa isang supling.

    “I am your father. . .” pagtutuloy-tuloy nito, maya’t maya ang pagpipigil sa mga luha. “Pasensya ka na sa pagiging late ni daddy, okay? You should promise me that you’ll remain healthy at promise ko rin sa’yo na aalagaan ni daddy si mommy, kayong dalawa. I’ll protect you both from everything. Naririnig mo ba si Daddy?”

    Nakailang punas si Maeluthe sa mga luhang tuloy-tuloy na dumadaan sa pisngi. She doesn’t seem to mind other people na kanina pa kumukuha ng larawan, kinikilig at naiinggit sa dalawa.

    “Why are you crying?” ngumingising sambit ni Isiaah noong makatayo nang maayos. “Are you touched?”

    “Never!” ganti naman ng babae.

    Mayamaya ay sabay itong natahimik at inubos ang mga sumunod na segundo sa pagtitig sa bilog na buwang naroon.

    “I like the half moon better,” ani Isiaah dahilan para mapukaw ang atensyon ni Mae. Bahagya niya pang nilapit ang sarili sa babae’t inakbayan. Hinahayaan ng dalawang salubungin ng mga paa nila ang mga alon.

    “Why?”
   
    “The other half is not visible, pero hindi ibig sabihing wala siya. You are the other half, iyong palaging nakikita, iyong maliwanag at tinitingala ng lahat. . . and I am the other half, minsan nandyan, minsan hindi nakikita, minsan nasa dilim lang but that doesn’t mean na wala ako sa tabi mo. Hindi ibig sabihin noon na hindi kita nakikita o hindi ako nakaalalay. I. . . I will always be right by your side, nakikita man o hindi, hindi ako aalis sa tabi mo.
   
    “Noong naghiwalay tayo, it became half. Hindi mo ako nakikita, but I am glad na nagpatuloy ka sa buhay mo, you remain glowing. . . I knew all that because I was there. Wala ka pero paulit-ulit kitang hinahanap.”

    Humigpit lang ang pagkakakapit ni Maeluthe sa mga kamay ng lalaki, nangingiti, pinipigil ang labis na pagwawala ng sistema. “I love you, Mae. I want to make things clear for you. I want to spend the rest of my life with you, hindi dahil I feel responsible for the child and I want the baby to have a complete family. It is because I love you. . . a love that can’t be shattered. Iyong hindi mahihinto, ‘yung hindi aalis at hindi na muling magpapaalis.”

    Mabilis na hinarap ni Maeluthe si Isiaah at tatlong beses na dinampian ng halik sa labi. “Alam mo na ibig sabihin no’n,” pilyang sabi ni Maeluthe.
   
    Umarteng nag-iisip si Isiaah kaya naman nagkusa na ang babae sa pagsasalita, “I love you.”

    “Let's have sex–” Kaagad na tinakpan ni Isiaah ang bibig dahilan para bumungkaras ng tawa si Maeluthe.

    Mayamaya ay hinila na siya nito palayo sa dagat. “Where are we going?” kaagad na tanong ni Isiaah.

    Hinarap lang siya ni Mae saka kinindatan. “To do the latter.”

His VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon