Chapter 50: too much love

3.4K 42 4
                                    

Chapter 50: too much love

--

Ernest's POV

Luke's calling...

Medyo kinabahan ako nang makita ko ang name nya na umappear sa phone ko. Pero ayokong umiwas, he's been a good friend to me. Walang dahilan para iwasan ko sya.

I answered it.

"Hello?"

"Ernest can we talk?"

Ramdam ko sa boses nya yung emosyon. Sobrang lungkot lang, hindi ako sanay kasi hindi naman sya ganito pero dahil sakin nagkaganito sya. Ako ba talaga ang dapat sisihin?

"Sige."

"Thanks."

Pumunta ako sa lugar kung san nya kami gustong magusap. Hindi ako nagpaalam kasi alam kong hindi papayag si Chance dahil gabi na. Tsaka nalang ako magpapaliwanag pag nakauwi nako.

Umupo ako dun sa artificial bridge kung san kami unang nagkwentuhan nun habang nakalublob ang mga paa namen sa tubig. It's 8:00pm already.

Maya maya pa may tumabi na sakin. Same face but different personality. Yung Luke na kilala ko dati masiyahin at pala ngiti, pero yung Luke na katabi ko ngaun, walang emosyon at hindi na kailan man ngumiti.

"Luke.."

"Kamusta?" He said.

Di ko alam kung ano isasagot ko sakanya. Sasabihin ko ba 'i'm happy kasi going strong kami' o 'i'm not because you're not.' Kahit ata anong isagot ko masasaktan ko sya.

"I'm okay Luke, ikaw kamusta kana?"

He smirk. "What do you think?"

"You're not."

"Exactly."

"Luke please..."

"Please what?"

"Bumalik kana sa barkada."

"I can't Ernest at alam mo kung bakit."

"Bakit hindi mo nalang tanggapin?"

"I tried Ernest pero dahil sa nakikita ko ngaun? Tss. I will never go back." Tumaas ang boses nya pero kumalma din sa huli.

"Galit ka parin ba sakin?"

"Hindi ako galit dahil hindi ko kayang magalit sayo."

I look at him, he's facing down.

"Luke i'm sorry."

"Don't be kasi para mo naring sinabi na isang malaking kalokohan lang ang pagmamahal ko sayo."

I saw his face now. Tumingin sya sakin na puno nang kalungkutan. Kitang kita ko sa mata nya yung sakit. Hindi ko alam na may kaya pang magmahal sakin nang ganito.

"Bakit ako pa? Bakit hindi nalang iba ang minahal mo, bakit ako pa?"

"Bakit hindi?" He lifted his head up in the sky. "Since that day you entered in our car, hindi kana naalis sa isip ko. Akala ko normal lang yun, akala ko gusto lang kita bilang kapatid pero lahat yun akala lang. I found you now at may kung anong nagbago sa pagtingin ko sayo. You did not just invade that car, you invaded my heart too." Tumingin sya sakin at muling nag salita. "I love you Ernest so live with it."

"Pero alam mong si Chance ang mahal ko."

"Yeah alam ko. You even lied."

"Luke naman, can't you just be happy for us?"

"I can't just watch you loving him, when the feeling isn't mutual at the first place."

"What do you mean?" Feeling isn't mutual???

"Mahal mo sya pero... Mahal ka ba nya?" Nabigla ako sa tanong nya. I closes my fist hindi dahil gusto ko syang saktan kundi dahil sa kaba na naramdaman ko.

'Mahal nga ba ako ni Chance?'

Paulit na tanong ko sa isipan ko. Did he say he loves me. Did he utters those words and replies to me whenever I said I love him?

No Ernest! You can't doubt him. Hindi.

"He loves me." Buong tapang kong sagot.

"You sure?" He smirk. Tumayo sya pero nagsalita ulit sya. "If he really loves you, he'll accept you no matter what. Hindi ka nya kailangang baguhin para mahalin ka nya." Then he left me there.

'Hindi ka nya kailangang baguhin para mahalin ka nya.'

'Hindi ka nya kailangang baguhin para mahalin ka nya.'

'Hindi ka nya kailangang baguhin para mahalin ka nya.'

Hanggang sa paguwi ko sa bahay yan ang nasa isip ko. Ano nga ba talaga ang pagmamahal?

Pano ba magmahal? Pano ba masusukat yun? Mahal ba nya ako? Mahal nga ba talaga nya ako? Pero bakit kailangan baguhin nya ako? Tama ba si Luke? Ano bang gaawin ko!!!!!

"Arggggh!" Napatungo ako sa desk ko dito sa kwarto. Wala na akong maintindihan, bakit ganun? Bakit kailangan sabihin pa sakin ni Luke yun?

"Princess..." Napaangat ako nang ulo nang makita ko si Chance sa pinto.

'Mahal mo nga ba talaga ako?'

Tanong ko sa isip ko habang papalapit sya sakin. Hindi ko alam pero isa lang ang alam ko.

Mahal na mahal ko sya.

"May problema ba?"

"Wala naman." Mapait na ngiti nalang ang binigay ko sakanya.

"You left after the dinner san ka nagpunta?" Mahinahon nyang tanong tsaka umupo sa kama ko, na katabi nang desk ko.

Pero hindi ko pinansin yung tanong nya. Ayokong maguluhan, ayokong umasa sa wala, pero ayokong masaktan ngaun. Kailangan kong malaman yung totoo.

"Mahal mo ba ko?"

He remained silent habang nakatingin parin ako sakanya. Para bang hindi nya alam ang sasabihin nya. Na parang naghahanap pa sya nang tamang sagot na ibabato sa tanong ko.

Anong mahirap sa tanong ko? Sasagutin lang naman nya ito nang 'oo' o 'hindi' pero bakit hindi sya makasagot.

Pero kahit gaano kadali ang tanong mahirap parin tanggapin ang sagot. Ang hirap isipin na pag lumabas sa bibig nya ang sagot sa tanong ko pwedeng masasaktan ako o mabubuhay ako nang masaya. Fudge! Bakit ko pa tinanong kung hindi naman pala ako handa? Ang tanga ko!

Tumayo ako at ngumiti sa kanya na sya nya ring ipinagtaka.

"You don't need to answer." I just smiled. Tumalikod ako sakanya dahil anytime babagsak na yung luha ko. D*mn i'm so soft and pathetic!

Until he hugs me from behind. No words can explain how much I wish that his hug can ease the pain in my heart. But then hindi ko inaasahan ang salitang sunod nyang binitawan.

"I do." 

Umatras ang luhang kanina ko pa pinipigilan. At sa pagkakataong to alam kong nawala lahat nang sakit.

I wiped my tears tsaka ako humarap sakanya.

"You do love me?" I look straight in his eyes.

"I do."

Niyakap ko sya agad nang marinig ko yun. Mahal nya ako. Tama ako. Mahal nya ako. Naguluhan lang sya kanina kaya hindi nya masabi. Nagulat lang sya.

Ang saya saya ko. Mahal din ako ni Chance, yung mga pagbabago na ginawa nya sakin I don't care as long as for him gagawin ko lahat. I will do anything for him.

"Salamat Chance, sobrang saya ko."

---

A/N: Malaki ang difference nang 'I do' sa 'I love you'. Haaayss.

First UD in the first day of the year 2013! :) 

My Angel in Disguise (Catch me I'm fallin')Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon