Chapter 54: impossible hope

3.7K 43 0
                                    

Chapter 54: impossible hope

--

Ernest's POV

Pumasok ako sa school leaving my thoughts behind. Ayokong isipin ang mga posibilidad dahil hindi ko pa kaya.

Sa ngaun kailangan ko munang ayusin at ihanda ang sarili ko dahil sa exam. Simula nang gabing yun hindi ko nadin kinausap pang muli si Chance pero sa tingin ko nagiging maayos na rin sya.

Nilakad ko ang hallway nang makita ko si Doms, Rio at Cole na mukhang may inaabangan. Nang makita nila ako agad silang lumapit sakin.

"H-hi?" Medyo awkward pako nang batiin ko sila.

"Umm Ernest... Kamusta? Okay ka lang ba?" Sabi ni Doms. Binatukan naman agad ito ni Cole.

"Ouch pare bakit mo naman ako binatukan?" Himas agad ito sa parte na nasaktan.

"Itatanong mo pa eh alam mo naman ang sagot. Tsk." Si Cole ang humarap sakin after ngumiti ni Doms nang maisip nya yung tanong nya.

'Okay nga ba ako?' Hayys syempre hindi.

"May kailangan ba kayo?"

"Umm Ernest, would you mind kung sumama ka muna samin sa tambayan? I bought some of my freshly bake goods. Gusto sana ipatikim sayo." Ngumiti si Rio sakin na sya din namang ginawa ni Cole at Doms. Tumango sila sa sakin na parang sinasabing pumayag nako.

Walang masama sa gusto nila pero kailangan ko nang pumunta nang classroom. Baka malate kami sa exam.

"Mamaya nalang after the break. Kailangan na natin magpunta sa room. Malapit na magsimula yung exam." Lalakad na sana ako nang humarang ulit sila.

"Ah.. Eh..." Cole stuttered. "Why don't we have some review sessions here. See 10 mins. pa naman before the exam turuan mo muna ako kami." He smiled mischievously.

"Ou! Tama! Ganun na nga!" Pagsangayon ni Rio.

Tumango naman tong si Doms.

"Umm. Bakit hindi nalang kay Doms?" I look at him. Medyo uneasy sya nang tingnan ko. "Tara na sa room para dun nalang tayo mag review okay." I calmly said.

"Pero..." Hinarang ni Cole ang kamay nya para hindi ako makadaan.

"Cole.." I glared at him. "May tinatago ba kayo?" I glared also at Rio and Doms.

"Wala...."

"So let me pass." Tinanggal ko ang kamay ko at tuluyang lumakad papunta nang classroom. Pero bago ko palang marating ito ay nakita ko si Luke na hawak hawak ang collar ni Chance at kinakaladkad ito sa palabas ng room at papunta sa likuran nang building.

Hindi ako nagdalawang isip na sundan sila. Naisip ko na siguro kaya pinigilan ako nang barkada kanina ay para hindi ko to makita. Pero hindi tama to. At lalong hindi ko gustong makita si Luke na nananakit nang ibang tao, lalo na kung yun ay ang taong mahal ko.

Malayo palang ako nang makarinig nako nang sigaw. Boses yun ni Luke. Nang makarating ako sa dulong pader sumilip ako sa nangyayari.

I saw Luke holding his collar, habang nakaupo ito sa lupa sa ilalim nang malaking puno. Walang tao sa paligid dahil hindi ito puntahan nang estudyante.

"Masaya ka na ba?! Nagawa mo na ang gusto mo tapos ngaun?! Akala mo ba palalagpasin ko pa yun pagkatapos mo syang ipasok sa student council?!! D*mm*t Chance!" Isang suntok ang pinakawalan ni Luke sa mukha nya.

Pinilit kong hindi sumigaw kahit alam kong hindi ko kaya na makita syang nasasaktan, in some point Luke is doing something I can't do. Pakiramdam ko nakagaan ito sa loob ko dahil nga nasaktan ako pero si Luke ang gumagawa nun para ipaghiganti ako. Ang bagay na kahit kelan hindi ko magagawa kay Chance, dahil sa pagmamahal.

My Angel in Disguise (Catch me I'm fallin')Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon