Chapter 42: she's in danger

3.9K 50 2
                                    

Chapter 42: she's in danger

--

Ernest's POV

"Mama. Papa. Ano po bang dapat kong gawin?"

Humiga ako sa gitna nang puntod nila. I sighed.

"Ganito pala magmahal, kaya ba pinili mo papa na iwan ang lahat para kay mama? Dahil sa pagmamahal? Haaays. Sana papa, mama andito kayo. Hindi ko na po kasi alam ang gagawin ko. May mahal akong lalaki pero natatakot ako."

Pinikit ko ang mata ko at huminga nang malalim.

Tinigil ko na ang pagsasalita, baka sagutin pa nila ako eh. >•<

At least nakakaluwag sa pakiramdam ang pagdalaw ko sa kanila. Namimiss ko na sila. Haays.

Dumiretso ako sa dati kong bahay dahil minabuti kong dito muna tumuloy medyo malayo pa kasi kung uuwi pako sa mansion.

Maya maya pa may tumawag ulit sakin.

"Zed?"

"Ernest, gusto ni boss the lumaban ka bukas." Nagaalala nitong sabi.

"Pero hindi pa pwede Zed."

Narinig kong may umagaw nang phone nito kaya medyo kinabahan ako.

"Wag mo kong subukan bata. Malaki ang pusta ko sayo. Lalaban ka sa ayaw at sa gusto mo."

Kinabahan naman ako sa pagkakataong yun. Ngaun lang nagalit si boss nang ganito pero hindi ko talaga kaya.

"Sorry boss pero hindi nako babalik pa." Binaba ko agad yung tawag.

Una sa lahat ayoko na ding lumaban pa. Ayokong mabuhay sa ganoong paraan na ilegal, gusto ko nang matinong buhay.

Gusto ko nang ibalik ang buhay ko.

Gaya nang sabi ni Clyde. Panahon na para bumalik nako sa dating ako.

Ayokong layuan nang tao, na kinatatakutan ako, gusto kong matanggap ako nang lahat. Gusto kong maging maayos sa harap nang ibang tao. Baguhin muli ang sarili ko..

Dahil gusto kong matanggap nya rin ako. <3

*

Chance's POV

Hindi umuwi si Ernest ngaun. I wonder why?

Siguro kasama nya yung boyfriend nya. Tss.

Hanggang ngaun hindi ko padin maimagine na pwede syang magkagusto sa iba. Kala ko nga lalaki yun eh. Tss. Haays.

Kahit naman iniiwasan ko sya nagaalala parin ako. Kainis kasi, lalo akong naguguluhan eh. >___<

Sya ang savior ko. Sya ang bestfriend ko. Tapos sya pala yung nahalikan ko that time pero bakit ganun? Parang wala lang ako sakanya, kahit palagi naman nya akong nililigtas? Tapos yung halik nya... Uhh! Tama na nga.

>____<

Kinabukasan napansin ko namang bukas na ang pinto nang kwarto nya. Andito na siguro sya. Sunday din kasi ngaun.

Bumaba nako para kumain. Wala nanamn si Ali at ang parents ko dahil sa business events. Tsk. Mukhang iniwanan din ata ako ng pamilya ko eh. Haays

Bumaba si Ernest at sumabay sakin kumain. Para naman kaming ewan nagpapakiramdaman. =_=

"Eto oh." Inabutan ko sya ng ulam.

Tumingin sya sakin na medyo hesitated. Napansin kong nakaayos ang buhok nya ngaun hindi tulad nang dati na nakapony lang. Ngaun kasi naka one sided lang.

My Angel in Disguise (Catch me I'm fallin')Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon