Chapter 29: Daddy Chan/Mama Cess
--
Ernest's POV
"Goodnight, Princess Ernest Emperial."
Napamulat naman ako sa sinabi nyang yun.
Hindi pa ko tulog noh! •__•
Tch! Pano naman nya nalaman yun?? >o<
Aish bahala na nga!
Matutulog nako sana lang makatulog ako kahit may katabi akong bipolar dito. >___<
[Next day]
"Ku-ya Chance gi-sing na." Kanina pa sya niyuyugyog ni Mimi.
Grabe talaga matulog tong lalaking to, parang mantika.
"Mimi, sige na kumain kana dun ako na gigising sa kanya."
Pumunta si Mimi sa table. Ako naman lumapit na sa lokong to.
"Chance." Kinuha ko yun unan at binato ko sakanya.
Abat! Wa epek?! Tsk!
Sipa.
Tulak.
Sipa.
Tulak.
Si---
O.O
"Masakit na. Tama na." Nagsalita sya habang hawak yung paa ko na ginamit ko pansipa sa kanya.
Tsk. Husky voice pa talaga. >.<
Masakit na yun? Eh mahina lang naman yung sipa ko eh.
Tumayo na sya at dumiretso ng c.r. Ako naman niligpit ko nalang yung higaan.
Kumain muna kami at si Inha naman nag ayos na para pumasok.
Tama kayo pumapasok sila kaso etong si Sed may pagka matigas ang ulo. Wala kasing nagbabantay kay Mimi kaya ayaw nyang pumasok. Si Inha lang ang masipag pumasok.
"Ate Cess, ayoko nga kasing pumasok."
"Papasok ka Sed. Ako muna bahala dito kay Mimi. Maliwanag?"
"Pero ate hin----"
"Walang pero sakin Sed. Sige na."
Pero hindi sya natinag. Nakaupo padin sya na parang walang narinig.
"Sed!" Sigaw ko. Naiinis na din kasi ako eh. Tss.
"Papasok ako tapos ano ate? Bukas hindi nanaman! Ngaun mababantayan mo si Mimi pero bukas wala na kayo dito kaya ano pang silbi nun! Ayoko naman syang iwan sa mga matapobre naming kamag anak habang ako nagaaral. Tska isa pa ayokong mag aral dahil wala naman akong alam."
Nilapitan ko sya. Dahil sobrang nagdilim paningin ko muntik ko na syang masaktan pero napigilan ako ni Chance.
"Ernest. Bata lang sya." Pagpigil nya.
Tama si Chance. Binaba ko ang kamay ko at tumingin kay Sed.
"Alam mo ba Sed kung bakit ako nagsisikap ngayon dahil ayokong maliitin ng tao. Pinipilit kong gawin lahat dahil gusto ko kayong makatapos kasi alam mo kung bakit?! Dahil ayokong maranasan nyo ang mga nararanasan ko! Kung hindi pa sapat sayo ang pagtulong ko sige! Sana maipagmalaki ka ng mga kapatid mo balang araw!"
Lumabas ako agad at pumunta sa may hagdan.
Hindi ko nadin napigilan yung luha ko. Good thing dito na lumabas toh.
BINABASA MO ANG
My Angel in Disguise (Catch me I'm fallin')
Ficção AdolescenteShe's broken, He's broken. He's in pain, She's in pain. Who will be the REAL Angel in Disguise?? (Book 1) (Editing)