Chapter 55: the day he said goodbye

4.3K 54 0
                                    

Read the author's note at the end of this chapter! Thanks!

Chapter 55: the day he said goodbye

--

Clyde's POV

"Hindi parin ba sya nagigising??" Ali ask on the other line.

"Not a single sign of waking up." I sighed.

"It's okay Clyde, maybe she felt she's not ready enough."

Tama si Ali baka nga hindi pa sya handang gumising dahil alam nyang mas malaki ang naghihintay sa kanya pag gising nito.

Pinagmasdan ko ang tulog na si Ernest. Napakaamo talaga nang mukha nya pag tulog. I wonder why she has to suffer from these things she doesn't deserve to have. Maaring naging tact ang pagkatao nya noon pero hindi parin naalis sa kanya ang pagiging matulungin. When she got trouble on her 'so called job' I was shock how my little bubbly cute sister turns into strong fearless fighter.

The magic of her presence gives comfort to everyone she's with. Those smiles makes someone melt.

But now she's lying on that bed without any expression on her face but it was so angelic still.

I really hope I can see her smile soon as possible. Because I really miss her, my sister.

Lumabas muna ako para bumili nang makakain nang makita ko sya nang hindi inaasahan. Galit parin ako sakanya pero kailangan kong maging kuya sa kapatid ko at irespeto ang taong mahal nito.

Hindi nya ako napansin dahil nakayuko lang ito at nakaupo sa dulong bahagi nang upuan sa labas nang room ni Ernest. Tila ba walang buhay pero alam mong humihinga pa. I took a deep breath bago ako  tumabi sakanya.

"Come to see her?" Pacool kong tanong kahit deep in side ayoko parin syang kausapin.

Tumingin ito sakin. Sa lalim nang mata nya halata mong hindi pa sya nakakatulog nang maayos.

"I'm not yet ready." Tsaka ito bumalik sa pagtungo.

"Kung ganun bakit ka nandito?" Anlabo naman nito. Tsk.

"Nahihiya ako sakanya." Pabulong nitong sabi.

Ngaun mo pa nasabi yan? Tsk.

"You should. Buti naman meron ka pa nyan pagkatapos nang lahat." Sumandal ako sa upuan at tumingin nang diretso, kita sa gilid nang mata ko na sumulyap ito sakin pero yumuko ulit.

"Patawad Clyde."

"I don't need that." Tumingin ako sakanya na sya ring nakatingin sakin. "Pero kung gusto mo talagang patawarin kita, ask her forgiveness first. Pag napatawad kana nya, ok nako dun." Tumayo ako at inayos ang damit ko.

"I'm going out for lunch would you mind if you'll stay here?"

Nagulat naman sya sa sinabi ko. Pero nanatili parin syang nakatingin sakin na parang hindi alam ang gagawin.

"If you really want to see her it's your time, so get up and walk inside bago pa magbago isip ko."

Agad naman syang tumayo at dahan dahang naglakad papunta sa pinto pero bago sya pumasok ay tumingin muna ito sakin.

"Salamat Clyde."

Umalis nako pagtapos nun. Likewise galit parin ako sa kanya pero somehow naisip ko...

Baka sya lang ang kailangan nang kapatid ko, baka si Chance lang ang hinhintay nya para magising muli.

*

My Angel in Disguise (Catch me I'm fallin')Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon