Chapter 28: Princess Ernest :>

4.1K 47 1
                                    

Chapter 28: Princess Ernest :>

--

Habang pinapatulog ni Ernest ang mga bata lumabas muna ako sa flatform nitong bahay. Parang terrace na hindi pero relaxing naman, kita kasi yung city sa baba.

Umupo ako sa kahoy na upuan malapit sa may pinto at pinagmasdan lang yung paligid.

"Kuya bakit ka nandito?"

Si Sed.

"Bakit hindi ka pa natutulog?" Tumabi naman sya sakin.

"Hindi po ako makatulog eh. Ikaw kuya bakit ka andito?"

"Hinihintay ko lang si Ernest bago kami umalis."

"Ah ganun po ba. Haaay." Nalungkot naman sya.

"Oh bakit naman ganyan itsura mo?"

"Wala lang po kasi aalis na ulit sya, mamimiss ulit namin sya. Si ate cess na nag alaga samin simula ng iwan kami ng mga magulang namin eh. Sya na tumayong magulang samin kaya yung kapatid kong si Mimi ang tawag nya kay ate cess ay Mama cess."

"Pwede ko bang tanungin kung bakit ate cess ang tawag nyo sakanya?"

"Hah? Ah. Eh. Kasi ano eh.."

Bigla naman syang hindi mapakali. May mali ba sa tanong ko??

"Huy. Ok ka lang?"

"Oo kuya. Kaso kasi hindi ko pwede sabihin sayo kung bakit eh baka magalit sakin si ate cess."

"C'mon okay lang yan ako na bahala sayo."

"Hindi po talaga pwede eh."

Ang hirap naman pilitin nitong batang to. >___<

"Okay. Hmm. Marunong ka bang mag basketball??"

"Hah? Hindi po eh pero pangarap ko pong matuto nun."

"Tuturuan kita magbasketball."

Napangiti naman sya sakin ng sabihin ko yun.

"Talaga po?"

"Oo naman. Pero sa isang kondisyon." Napakamot naman sya sa ulo.

"Sige ano yun kuya?"

"Sasabihin mo sakin kung bakit ate Cess ang tawag nyo sakanya."

Napaisip sya pero bumigay din. Binulong nya sakin pero ako naman tong nagulat at the same time napangiti.

Ayoko sana maniwala pero yun daw talaga yung totoo.

Kaya pala. >:)

"Please kuya wag mo sasabihin na ako nagsabi ah."

"Ou naman ako pa. :)"

"Basta kuya tuturuan mo ko magbasketball ah."

"Oo promise."

"Sed?"

Parehas kaming napalingon sa may gawing pintuan.

Si Ernest pala.

"Ate cess." Tumayo si Sed at lumapit kay Ernest.

"Bakit hindi ka pa natutulog?"

"Hindi pa po kasi ako inaantok kanina. Sige po matutulog na po ako. Hehe. Goodnight ate cess. Kuya Chance goodnight din po! Ingat kayo sa paguwi."

Agad naman syang pumasok pagkatapos nyang mag goodnight samin.

Si Ernest naman nakatingin sakin ng masama.

Tsk. Narinig kaya nya. O.o

"Bakit naman ganyan ka makatingin?"

Umiwas sya agad ng tingin tsaka umupo sa may upuan sa kabilang dulo.

"Mauna ka nang umuwi."

"Hah?"

Loko to mauna daw ako. Tss. Hindi ko naman sya pwedeng iwan dito noh.

"Hindi ko sila pwedeng iwan ngaun, dito nako matutulog."

"Okay. Let's sleep here."

Napatingin naman sya sakin.

"May pasok ka bukas kaya umuwi kana."

"Edi absent."

"Bahala ka."

Tumayo na sya at pumasok sa loob pero lumabas ulit sya at tiningnan ako..

"Wala ka bang balak matulog?"

Anu bayan balik dating Ernest nanaman. -___-

Pumasok nadin ako sa loob. Nag latag sya ng karton at tela tska sya naglagay ng unan.

"You mean dyan mo ko patutulugin?"

"If you don't want just go home."

-_____-" she's unbelievable.

Humiga na sya at tumagilid tsaka nagkumot. Ako naman nakatayo padin sa harap nya. Tiningnan ko yung mga bata tulog na dun sa kama.

Pinagmasdan ko sila saglit pati ang buong bahay.

Lumang higaan. Maliit na banyo. Walang division ang bahay nila dahil kita mo din ang kusina at pintuan sa labas.

Napaisip tuloy ako bigla.

Naghahanap ako ng bagay na wala sila ni hindi ko naisip na sila nga masaya sa ganito lang eh ako pa kaya.

I should respect their ways to the fact that this is their house.

Sa sobrang spoiled ko nakalimutan ko na yung mga bagay na wala ako.

Hindi dapat ako nagiinarte ngayon. Dapat matuto din ako makisama. Tama!

Humiga nadin ako sa tabi ni Ernest. Eh san pa ba?? Malaki naman yung space between us kaya okay lang. Inunan ko yung kamay ko at tinitigan yung ceiling.

Hayy. Ano kaya kung ganito maging buhay ko? Kaya ko kaya??

Malaking adjustment din siguro to para kay Ernest nang umalis sya sa poder nila Clyde para mabuhay kasama ng mama nya. She's really brave.

Tiningnan ko sya na kasalukuyang nakatalikod sakin.

Hindi ko pa sya nakakausap about dun sa pagiging fighter nya pero mukhang alam ko na kung san to napupunta. Haaay, napapahanga talaga ako sa babaeng to.

"Goodnight, Princess Ernest Emperial." I whispered.

Then I went to sleep.

------

A/N: that's her true name! Haha! UD again. Masaya talaga pag sembreak! Hoho!

My Angel in Disguise (Catch me I'm fallin')Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon