Chapter 27

11 6 1
                                    

Kasalukuyan akong nagmumokmok sa aking upuan. Walang katabi at walang makakausap. Paano ehh absent ehh absent yung dalawa dahil may trabaho sila. Hayst wala na nga si Shawn pati ba naman yung dalawang magkakapatid na yon.

"OK class you may take your lunch"

Malungkot akong lumabas ng classroom namin at naglunch mag-isa. May nagyayaya naman sa mga classmates ko kaso ayaw ko ehh.

"Oh bakit nag-iisa ka lang? Asan sina Nicole?" Biglang dumating si Kendrick at umupo sa tabi ko.

"Absent sila.....eh ikaw wala ka bang kaibigan ni isa na basta basta ka lang umupo dito?"

"Maniwala ka man o sa hindi pero loner ako sa klase namin"

Ok ngayon ko lang yun alam. Pero mabuti na rin na nandito siya nang hindi naman ako nag-iisa diba and this is a great timing para simulan ang magandang topic hahaha.

"So may babae ka bang nagugustuhan ngayon?"

Muntik na niyang maibuga ang tubig na iniinom niya dahil sa gulat. Hmm bakit siya magugulat meron kaya?

"Ano bang klaseng tanong yan may---"

"Huwag kang mag-isip ng kung ano ano di kita type OK"

"So bakit mo tinatanong yan"

"Uhh curiousity?" Pairap kong tanong sa kanya

"Sa ngayon meron naman"

Oh meron....sana si Nicole naman yan.

"Si Nicole ba yan?" Basta basta na lang itong lumabas sa bibig ko. Ayst eh sa di ko mapigilan ehh.

"Nicole? Kaibigan ko lang siya"

"Pero pwede namang maging kayo diba"

"Ano?"

"Wala sabi ko parang may gusto ka sa kanya"

"Hahaha nagpapatawa ka Yumi binibigyan mo kasi ng malisya yung pagiging close namin"

Ano ba tong ginagawa ko bakit ko pinagtutulakan si Kendrick kay Nicole. Kung sila sa isa't isa naman tadhana na ang bahala diba?

***

Hapon na pero wala pa sa isip ko ang umuwi kaya tumambay na lang ako sa school ground. Patingin tingin sa mga naglalaro na mga estudyante. Ganito pala dito kahit teenage na naglalaro pa rin? Ehh ako ganyan kaya rin ako kasaya noon nong kalaro ko pa sina Nicole?

Gusto kong maalala......

Gusto kong maalala yung mga masasayang araw ng pagkabata ko.....

Pinilit kong alalahanin pero sumakit lang ang ulo ko. Pinilit ko pa ng pinilit hanggang sa mas lalong sumakit ang ulo ko.

Sobrang sakit at dahil sa sobrang sakit napahawak na lang ako sa ulo ko.

Hayst heto na naman ang nakakamatay na sakit, naisip ko na lang.

Siguro ipapahinga ko na lang to sa bahay. Tumayo ako pero di ko kaya mas lalo pa akong nanghina.

"Ughhh!! Somebody help me" mahina na sabi ko na sapat lang para marinig ng kung sino mang nasa tabi ko.

"Yumi are you okay?" Napaangat ako ng tingin sa taong nasa likuran ko. Akala ko si Shawn na pero si Aldrich lang pala.

"Aldrich help" mahina kong sabi

Wala na akong lakas......

Di ko na nalaman ang sumunod na nangyari dahil dumilim ang paligid kasabay nang pagkawala ng malay ko.

Once In A Jeepney (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon