Our Yumi👆
***
Kasalukuyan na kaming naglalakad pauwi. Tahimik na tahimik ang atmosphere namin yung walang nagsasalita ni isa.
Kasalanan ko to ehh gosh sana di ko na lang to niyakap para di ako nahihiya ng ganito.
"Shawn tungkol sa pagyakap ko sayo kahapon at sa maling akala sorry ahh"
Nilakasan ko talaga ang loob ko.
"Don't mind it OK lang yun"
Pew akala ko pagagalitan ako nito.
"Wait curious na talaga ako doon sa heart thingy mo na yun ah ano ba talaga yun"
Tumigil siya sa paglakad at inilapit ang mukha sa akin saka ngumiti. Shocks ngumiti ang isang Shawn na masungit first time toh!!!
"Malalaman mo rin yun sa tamang panahon" sabi niya sabay pitik sa noo ko
Kung sabihin na kaya ngayon no tsk may patamang panahon pa tong nalalaman ehh at yung pagpitik niya sa noo ko gosh ang sakit ahh parang gusto kong pinitikin din siya yung tipong mas malakas pa sa pagpitik niya sa akin tsk.
Lumipas ang paglalakad namin at nakarating na rin ako sa wakas sa bahay. Binuksan ko na ang gate at isinara ito. Tatalikod na sana ako ng bigla akong tinawag ni Shawn.
"Yumi"
"Bakit?"
"Bukas na pala yung math contest namin"
At ano namang konek ko sa contest na yan.
"So gusto mo ng good luck approach or something ganuon?" Taas kilay kong sabi sa kanya
"Just saying baka kasi mamiss mo ako"
"WHAT!!! As if mangyayari yun" inirapan ko siya at tinalikuran na
Anong sabi niya nababaliw na ba siya. Papaano mangyayaring mamimiss ko tong mabansot nato tsk over my dead and gorgeous, sexy, pretty body.
"Tama di mangyayari yun"
"Hoy sinong kausap mo"
Nagulat ako sa biglaang paglitaw ni Nicole na puno ng sabon ang mukha.
"Gosh ginulat mo naman ako ano bang nakain mo at nagsasabon ka ng ganitong oras"
"Nagpapaganda syempre" nakangiti niyang sabi
Dahil sa crush siguro nito.
"Teka sino pa lang kausap mo? Wala ka namang kasama" sabi niya sabay tingin sa likod ko
"Self talking kausap ko ang sarili ko"
"Alam mo para kang baliw sa ginagawa mo itigil mo na yang self talking na yan sige ka baka iwasan ka ni Aldrich"
BINABASA MO ANG
Once In A Jeepney (COMPLETED)
Novela JuvenilThis is a story about a maarte girl 🖤🖤🖤