Chapter 8

28 4 0
                                    

"You two are late" Bungad sa amin ng teacher na halatang hindi mabait gosh yung kilay niya halatang maraming takot dito.

"Sorry po ma'am" Sabi ko na lang at dali daling umupo sa upuan ko sa tabi ng bintana. Sumunod naman si Shawn pero di man lang siya nagsorry sa teacher.

"So as I was saying My name is Samindita Estel Erita your Math teacher" Seryoso nitong sabi

*gulp*

Math?!! Goshh second day ko pa lang math na agad ang bumungad sa akin OMG mukha pa namang strikta tong teacher nato huhuhu I am super doomed

"Our first lesson is about Quadtratic Equations" Dagdag pa nito

Relax self ang ganda mo pa rin kahit bobo ka. . . .

Nakinig lang ako sa discussion niya pero bakit ganun walang pumapasok sa isip ko ni isa sa sinabi niya. Wahh wala akong naintindihan!!!

"Sino makapagsabi kung ano ang naintindihan nila?"

*gulp* Di naman siguro ako mapipili right?

Nagpalinga linga siya sa bawat isa sa amin kaya ako todo yuko hoping na di matawag. Gosh math is making me stress and this teacher makes me stress even more.

"Ms. Park"

Di lang naman ako yung Park dito diba? Napaangat ako ng tingin pero halos silang lahat nakatingin sa akin naghihintay ng sagot. So that means ako? Oh my wala pa naman akong naintindihan. Hindi naman siguro masama kung magsasabi ako ng totoo diba? Yeah yeah yun na lang. Grabe ang galing ko talaga kahit bobo.

"Ms. Park stand up and answer my question"

Dahan dahan akong tumayo with confidence sabay sabing

"Sorry ma'am but I don't actually understand what you are discussing right now"

"WHAT!!!" Hala katakot siya ahh

Lahat kami halos mapatalon sa aming mga upuan dahil sa sigaw niya

"Sa lahat ng sinabi ko at diniscuss wala ka man lang naintindihan ni isa!"

*gulp* mali ako masama pa lang magsabi ng totoo

"Sit on the air" Galit niyang sabi

Anong ibig niyang sabihin doon? Uupo sa hangin? Duh as if pwede itong maupuan tsk

Pero dahil di ko ginawa ang imposible namang mangyari nagalit siya lalo

"I SAID SIT ON THE AIR!!"

"Heto na nga po super excited ka naman" Bulong ko sa sarili ko

Umupo ako sa hangin tulad ng sinabi niya at ang kamay ko nasa unahan goshh nakakapagod. Mas nangalay pa ako ng lagyan niya ng mga libro ang dalawa kong kamay, dalawa sa kanan dalawa din sa kaliwa.

"Hanggang matapos ang klase dyan ka lang"

WHAT THE HECK!!!

Huhuhuhu somebody help me guys.

Sina Nathan at Nicole napatingin sa akin kung minsan pero di man lang nila ako tinulungan huhuhu. Si Shawn naman duhh di na ako nag-eexpect na tulungan niya ako.

Ang sakit na nang paa, tuhod at kamay ko. Kawawa na namang ang sexy body ko first nitong maka experience ng ganito ka grabeng punishment sa school huhuhu.

Nagtiis ako hanggang natapos ang klase. Halos 4 hours akong nasa ganung posisyon. May times na nakatayo ako kapag di siya nakatingin sa akin pero mas lamang pa rin ang hirap huhuhu.

"Ano ba yan Nicole why didn't you even help me"

"Edi kami naman ang mapapahamak" Sabi ni Nicole

Once In A Jeepney (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon