Chapter 26

11 5 0
                                    

"Saan ka nga pala pumunta kanina? Di ka na pumasok the whole afternoon class ah" malungkot kong sabi kay Shawn

Gabi na at nasa jeep nga pala kami ngayon ni Mang Andoy. Nasa walang tao na lugar ito pinarada ni Mang Andoy kaya naisipan naming dito na magkita.

"Ahh pinatawag ako ng principal we are preparing for the upcoming Math quiz again pero this time mga mayayamang schools na ang makakalaban namin"

Kaya naman pala.

"Ganun? Kailan ba yun" tanong ko

"Sa Thursday na"

"Ayy minsan na naman tayo magkikita niyan" sabi ko sabay yakap sa kanya.

Di ko kayang di ko siya makita ng kahit isang araw noh.

"Don't worry magkikita naman tayo every night, the whole night pa nga kung gusto mo ehh"

"Hahahah kung ako ang masusunod I'd love to pero may pasok pa huwag ka nga" pinalo ko siya ng slight haha

"Ito seryoso nato Yumi dadalawin kita sa inyo every night"

Every night? Sa amin? Gosh andami kayang chismosa.

"That's totally a bad idea" sabi ko sabay irap

"Ganito na lang text me every hour or call me OK" nakangiti niyang sabi

At sino naman ako para tumanggi tumango ako sa kanya and hug him. Huwag na kayong manira ng moment talagang gusto ko lang ma hug siya.

KINABUKASAN

Maaga akong bumangon dahil ginising ako nang bruhang si Nicole. Ewan ko ba dito ginising na lang ako tapos ayun naudlot ang maganda kong tulog.

"Gosh Nicole ano na namang pumasok sa isip mo at ginising gising mo ako ng ganito kaaga" reklamo ko

"Makakalimutin ka na talaga eh noh ehh kailangan mo pang magluto schedule mo kaya ngayon"

Hayst oo nga pala nakalimutan ko. Nagstart na lang akong magluto. Ouy huwag kayo ahh marunong na akong magluto kaya chillax lang kayo dyan.

Hmm may naisip ako hehehe pero secret na muna malalaman niyo rin mamaya.

Pagkatapos kong magluto pinatikman ni Nicole sabi niya OK naman daw kaya happy ako hahaha. Dali dali na akong nag-ayos saka sumabay na kina Nathan at Nicole.

Pagdating sa school sabay naman na kaming pumasok. Wala sa upuan niya si Shawn inexpect ko na yun kasi nga may review sila para sa math quiz.

Di naman nagtagal pumasok na ang English teacher namin kaya nakatuon na sa kanya ang atensyon ko.

"Class open your book to page 122"

Ginawa ko naman yung sinabi ni ma'am nabigla na lang ako nang biglang nagvibrate ang phone ko.

May text.....

Napangiti na lang ako ng si Shawn pala.

From: Shawn

Good morning my beautiful girlfriend how's your sleep? I hope you enjoy dreaming of me..... I know nagsastart na yung class niyo right now but I can't help it namimiss na kita. No need to reply just fucos on listening to the teacher..... I love you

Ayy pwede bang di ako magreply syempre di ko sasayangin ang load ko noh duh.

To: Shawn

I miss you too Shawn anong ginagawa mo pala ngayon? I thought nagrereview kayo?"

I send it then I quickly receive a message from him.

From: Shawn

Wala pa si Ma'am Erita.....

Once In A Jeepney (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon