Yumi's POV
"Anong klaseng memory?" Tanong ni Nicole hinatid na kasi ako ni Shawn pagkatapos nung pagsakit ng ulo ko para daw makapagpahinga ako.
"Naglalaro tayo sa mismong play ground na pinuntahan namin ni Shawn tapos may dumating na isa pang batang lalaki nakipaglaro siya sa akin umalis na kayo nun dahil pinauwi na kayo ni Ate Bea. Kumain din kami ng ice cream nong batang lalaki halos lumagkit na ang mukha namin kaya tawang tawa kami sa sarili namin"
Sino kaya yung batang lalaki na yun sa memory ko?
"Anong mukha nong lalaki?" Tanong ni Nathan
"Hindi ko masyadong nakita"
"Huwag kang mag-alala maaalala mo rin"
Yung mga mukha nila, bakit pakiramdam ko alam nila kung sino yung lalaki o baka nagkakamali lang ako hayst ang hirap mag over thinking.
***
Kasalukuyan akong nasa trabaho ngayon di pa rin mawala sa isip ko kung sino ba talaga yung batang lalaki anong koneksyon niya sa pagka amnesia ko.
"Ouy girl OK ka lang?"
Biglang sumulpot ang boss ko out of nowhere.
"O-opo may iniisip lang"
"Sus sino yun siya ba?" May tinuro siya sa may bandang entrance door. Doon ko nakita si Shawn na papalapit sa akin na nakangiti.
"Ang gwapo naman ng jowa mo girl bagay kayo" kinikilig na sabi ng bakla kong boss
"Hi" bungad ni Shawn sa akin
"Hi"
Di ko mapigilang di mapangiti dahil may binigay siyang flowers sa akin. Inamoy ko ito at ang bango bango.
"Pauwi ka na ba?"
"Ahh kasi di pa ako ta---"
Pinutol ng boss ko ang sasabihin ko.
"Sige na sumama ka na girl ako ng bahala dito wala naman na masyadong mga tao"
Dahil sa sinabi ng boss ko agad na akong nagbihis. Naabutan ko na lang ang boss ko na todo titig kay Shawn. Sus subukan lang niyang akitin toh malalagot siya sa akin.
"Shawn let's go"
Lumapit ako kay Shawn at kumapit sa kamay niya. Yung ulo ko sinandal ko sa balikat niya para makita ng boss ko na taken na ang sinasabihan niyang gwapo sa empleyado niyang maganda.
"I love roses" saad ko sa masayang boses
"Sabi ko na nga ba magugustuhan mo"
Nagtaka naman ako.
"Papano mo nalaman?"
"Every girls love roses"
Kaya naman pala tsk.
"So ginawa mo rin to sa mga babae mo" mataray kong sabi
"Honestly yes....."
Tsk kung itapon ko kaya tong mga roses nato. Nakakainis siya may pabigay bigay pa ng mga bulaklak yun pala nagawa niya nato sa ibang babae niya.
"Pero ikaw lang binigyan ko ng effort"
Deritso akong napatingin sa kanya. Anong pinagsasasabi niya.
"What do you mean"
"Kinuha ko pa yang mga roses na yan sa kapitbahay natin tapos nagkasugat sugat pa ako sa pagkuha"
"What?"
Tinanggal ko ang jacket na suot niya at nagulat sa nakita sa kamay niya, maraming mga galos.
BINABASA MO ANG
Once In A Jeepney (COMPLETED)
Ficção AdolescenteThis is a story about a maarte girl 🖤🖤🖤