"Ate please help me" Pagmamakaawa ko kay ate
Well I have no choice anyway. Siya lang kasi ang pwedeng makapagbabago ng desisyon nina daddy kasi supportive yan sa akin ehh and she is my only sister anyway.
"Pasensya na sis ehhh sinubukan ko talaga kanina kaso di na talaga magbabago yung decision nila ehh"
OMG so matutuloy na ang pasestay ko sa mabahong lugar na yun?! EWWW!!! It can't be!!!
"HUHUHU Ayoko na talaga sis gusto ko nang mamatay"
Umacting ako na parang nahimatay sa kama
"Tigilan mo yan sis just face there challenge na lang"
WHAT!!!!
Napabangon ako
"NO WAY!!! ayokong tumira dun"
Naiimagine ko pa lang na titira ako sa probinsya parang masusuka na ako ehhh. My gosh gusto ko na talagang umiyak huhuhu.
"Ok lang yan sis hayaan mo gagawa ako ng paraan para di ka magtatagal doon"
WHAT!!! but it also mean na makakatira pa rin ako doon huhuhu
"Pero sis makakastay pa rin ako doon paano na ang makinis kong skin baka mapano to YUCK I can't even imagine"
"Ahh basta sis just face it lalampas din yan agad kapag nagtino kana"
"Matino naman ako ahh duhh I'm not crazy kaya"
"Hahaha ikaw talaga, ahmm sige punta na ako sa kwarto ko ahh may tatapusin lang ako"
"Ok"
Nagbeso kami bago siya lumabas
OMG matutuloy na talaga ang pagstay ko doon huhuhu goodbye our big mansion, goodbye pretty skin, goodbye beautiful hair, goodbye makinis face, goodbye beautiful and perfect me huhuhu.
But anyways magpapakilala muna ako my name is Yumi Celestine Park, 15 years old. Hmm I am beautiful, sexy, matangkad, having a perfect smile, soft and flawless skin, blonde long hair and almost perfect na. Pangatlo ako sa aming magkakapatid. Sabi nila maarte daw ako pero duhh masama bang mag care sa kalinisan ko. I studied in a University but this school year magtatransfer na ako dahil sa mga magulang ko ang harsh diba. My mom is a business women and yeah also dad. Kung itatanong niyo kung may lahi ba akong korean, hmm yeah yung dad ko kasi half korean so ayun nga may lahi nga kami.....
I have 1 sister and 2 brothers. Yung kaninang kasama ko sa kwarto ko? She is Ate Yasmine Claire Park, pangalawa siya sa aming magkakapatid. Well maganda siya, matalino, mabait and she is my supportive sister. 1st year college na siya ngayon. Sa lahat ng bagay nagkakasundo kami. She is like my bff, hindi ko bff yung mga barkada ko sa school noh tsk they are like fake friends and they are just using me para sumikat din sila sa school but anyways wala akong pakialam nakiride lang ako sa kanila hahaha fake people is everywhere kaya go with the flow lang hahaha.
***
Okay now kilala niyo ako so back to the story na
Hmmm bat di kaya kay kuya na lang ako magpatulong hehehe.
Lumabas na ako ng kwarto ko at pumunta sa kwarto ni kuya
*tok* *tok* *tok* *tok*
Ayst ang tagal naman buksan baka mapagod na tong long and sexy legs ko sa kakatayo hayst
"Bakit"
Ayan binuksan na niya
Si Kuya Yunn Cedrick Park he is the oldest and 3rd year college na siya ngayon. Gwapo, he is cold yet cool hmm he is also smart. Pinagkakaguluhan to ng mga babae pero ni isa wala siyang nagustuhan hahaha. Minsan makulit to pero sa mga close lang and it includes us na family niya.