Halos buong ginagawa namin ngayon nag-eenjoy ako. Nag snorkling kami at pinag-aralan din namin ang about sa turtles. Nilibot namin ang buong isla at maraming turista rin ang naliligo. May zoo din sa gubat at ayun nag-enjoy talaga ako sa mga animals pati sa animal na katabi ko ngayon hahaha walang iba kundi si Shawn pero gwapong animal naman toh."What's with the smile"
Di ko namalayang nakangiti na pala ako ngayon. Gosh para akong tanga. Napakamot nalang ako sa batok ko.
"You enjoy the day huh" natatawang sabi niya
"Obvious ba masyado?"
"Hahaha yeah kitang kita sa smile mo"
Nakatingin ito sa akin ng nakangiti rin....
"May gusto akong ipakita sayo mag-eenjoy ka dito" hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa tabing dagat.
"Anong ginagawa natin dito baka hanapin tayo nina teacher"
"Basta magugustuhan mo talaga to at habang naghihintay tayo pwede bang umupo ka muna dyan"
Ano kaya yun??? Umupo na lang din ako sa buhangin sa tabi niya.
Naghintay na lang din ako tulad niya na di ko naman alam kung ano ang hinihintay. Gosh nabobored na talaga ako.
Nabigla na lang ako ng naging parang pula ang paligid.
OK what's happening???
Yung araw pala ang naging pula. Ang ganda nitong tignan. Nakakamangha ngayon lang ako nakakita ng sunset na halos mapula na ang paligid.
"Ang ganda nohh" sabi niya na nakatingin na rin sa araw na papalubog na
"Ang ganda Shawn super"
"Yan ang gusto kong ipakita sayo at kaya rin tinawag na Red Island ang islang toh dahil dyan"
Para na akong maluluha sa sobrang ganda na nakikita ko ngayon.
Sa sobrang pagkamangha ko di ko na napigilan ang sarili kong mapayakap kay Shawn.
"Yumi....." Klaro sa Boses niya na nabigla siya sa pagyakap ko sa kanya.
"Sorry pero pwede bang mayakap lang kita kahit ngayon lang?"
Pumayag naman si Shawn wala naman si Candy para eepal. Marami rin ang nag-aabang sa sunset karamihan mga mag jowa.
We watch the sunset habang yung ulo ko nasa balikat niya at nakaakbay siya sa akin.
What a great scenery right? I wish we could be like this forever sana ako na lang kasi Shawn.
Papalubog na ang araw hanggang sa tuluyan na itong gumabi pero ganun pa rin ang posisyon namin.
"Thank you for showing me that"
"I just want you to enjoy here and I guess nagawa ko yun"
"Nagawa mo nga hahaha"
Thankful talaga ako sayo Shawn kung ako lang sana masusunod kanina pa kita hinalikan dahil sa sobrang kasiyahang binigay mo sa akin ngayong hapon nato.
*Ahemm*
Napatingin kaming dalawa ni Shawn sa umubo sa may likuran namin. Nagulat kami nang ang mga kasamahan pala namin ito kaya napatayo kami ng wala sa oras.
"Nandito lang pala ma'am ang dalawang hinahanap natin" sabi nong di ko kilalang lalaki siguro taga ibang section toh.
"Kayo ahh nag momoments lang pala kayo dyan mga love birds pero sa ngayon tama na muna yan ha at uuwi na tayo ng resort" sabi ng teacher namin
BINABASA MO ANG
Once In A Jeepney (COMPLETED)
Novela JuvenilThis is a story about a maarte girl 🖤🖤🖤