Buong dinner pulang pula ako dahil sa kung anong pinagsasasabi ng mommy ni Shawn. Walang kaalam alam si Shawn dahil pagkatapos makapunta sa CR may kung sino siyang kinausap. Siguro old friends or something.
But after the talk with his mother. Nag-enjoy naman ako dahil bumalik na si Shawn tapos dumating pa si Lucas pati daddy ni Shawn. We talk about their childhood memories. Si Shawn daw noong bata pa siya sobrang takot sa mga manyika sa tuwing makakita lang siya ng isang manyika nahihimatay agad pft and I found it cute though. Sumakit nang kunti yung ulo ko habang kinukwento yun ng mommy ni Shawn pero enough lang yun para matiis ko yung sakit.
Si Lucas ngayon ko lang din nalaman na natatakot ito noong magpatuli WAHAHA baka daw di siya makaihi forever HAHAHAH. Doon ako mas natawa.
Hanggang sa pauwi na kami at nasa sasakyan na, di pa rin ako maka move on sa kinwento ng mommy ni Shawn.
"HAHAHAH"
"Come on Yumi huwag mo sabihing your not done yet laughing at us"
Oo Lucas di pa talaga ako tapos hahaha nakakatawa kaya yun. Imbes na sabihin ko yun sa kanya di ko nasabi dahil tawa ako ng tawa. Walang tigil sa pagtawa habang yung dalawa hiyang hiya sa mga nangyari sa kabataan nila marami kasi yung kinwento ni Tita pero di ko na isa isahin baka di na ako tuluyang makatigil sa pagtawa HAHAHAH.
"Paano ba yan I'll go ahead Insan, Yumi"
"Sige Lucas HAHAHAH"
Narinig kong nagpakawala ng buntong hininga si Lucas.
"You can't move on huh" parang nagtatampo niyang sabi
"Ito naman si Lucas eh sa nakakatawa naman talaga"
Tumigil na lang ako sa pagtawa baka mainis nato sa akin.
"Hey Lucas be safe on driving"
Napatawa ng kunti si Lucas kay Shawn.
"Don't worry I can handle my driving nahatid ko nga kayo sarili ko pa kaya"
"Idiot"
Tumawa lang si Lucas saka pinaharurot ang kotse niya. Mabilis na mabilis ang pagpapatakbo. Halatang sinadya niya para ipakita kay Shawn na kaya nga niyang magdrive.
Di ko din masisisi si Shawn he's just worried on Lucas nakainom kasi yun kanina.
"So paano Shawn pasok na ako sa bahay sumasakit kasi ang ulo ko"
Di ko maiwasang di mapahawak sa ulo ko. Sumasakit na naman kasi ito.
"Gusto mo hatid na kita sa loob"
"No need umuwi ka na rin magpahinga ka na may pasok pa tayo bukas"
"Are you sure?" May halong pag-aalala sa boses ni Shawn kaya hinawakan ko ang kamay niya.
"I'm okey itutulog ko lang toh"
Mukha namang nakumbinsi ko siya kasi he smile lightly.
"OK just make sure na matutulog ka na pagkapasok na pagkapasok mo"
"I promise"
Ngumiti ako sa kanya. Nagkatinginan kaming dalawa at di namalayang nakadikit na pala ang mga labi niya. We both responded on the kiss at agad na naghiwalay naman ang mga labi namin.
"Good night sweet dreams and I love you"
"Ikaw din good night I love you too"
Ngumiti kami sa isa't isa bago tuluyan nang pumasok ng bahay.
Pagkapasok sa kwarto ko doon na ako napaiyak sa sobrang pagkasakit ng ulo ko. Napaupo ako sa sahig sa sobrang sakit. Pumasok sa isip ko ang gamot, di pala ako nakainom ng gamot kanina f*ck. Dahil sa pag-iisip sa mangyayari sa party ng parents ni Shawn nakalimutan kong inomin ang gamot.