Chapter 13

28 6 2
                                    

"HA.HA.HA you can laugh now"

Kasalukuyan na kaming naglalakad pauwi.

"Hahahah"

Sabi ko na nga ba tatawa rin tsk pinipigilan pa.

Madali lang natapos ang tawa niya at tumahimik na naman ang paligid so naisipan kong gumawa ng topic.

"May work ka bukas?" Tanong ko

"Yup why? Interested?"

"Of course not ang kapal mo rin nagtatanong lang ehh"

Isang katahimikan na naman ang namuo.

"Ahh paano mo pala nagagawa yun"

"Ang alin"

"Yung halos lahat alam mo"

"Tiyaga"

Tiyaga.....Ganuon ba ang gusto ng mga magulang ko para sa akin? Ang magkaroon ako ng tiyaga.

KINABUKASAN

Nagising na naman ako dahil sa ingay ng aso ng kapitbahay.

"Hmm" kinusot kusot ko ang dalawa Kong mata.

"Good morning beautiful me" nakangiti kong sabi at bumaba na dala ang towel ko.

Pagkababa ko agad kong nakasalubong si Nicole na pangiti ngiti habang kumakain.

"Hala hala hala anong meron" umupo ako sa tabi niya.

"Wa-wala ano bang meron" nauutal niyang sabi

"Anong meron sa ngiti mo crush mo noh"

"Hindi ano ka ba"

"Ehh ano nga sabihin mo na" I hug her

"Hoy ang baho mo huwag mo nga akong yakapin maligo ka muna hahaha"

Lumayo na lang ako sa kanya at padabog na naglakad papuntang CR.

"NICOLE SABIHIN MO PAGKATAPOS KONG MALIGO HA!!!!" Sigaw ko mula sa loob.

Ano kaya yun tungkol. About sa love life niya? Hhmm sino kaya ang guy.

Pagkatapos kong maligo lumabas na akong nakatowel.

"Ahh ate Bea asan si Nicole?"

"Umalis na papuntang trabaho niya"

"WHAT?"

Gosh niloko niya ako.

Umakyat na lang ako at nagbihis na nang uniform pang work. Kunting make up, perfume, lotion and done. Bumaba na ako at kumain.

"Ate Bea bakit mukhang ang saya ngayon ni Nicole"

"Palagi naman siyang masaya ah"

"No what I mean is iba yung saya niya ngayon ano bang meron"

"Napansin mo pa yun.... Birthday nilang dalawang Nathan bukas kaya yun masaya"

Bakit di ko man lang to alam gosh wala tuloy akong regalo para sa kanila.

Lumabas akong malalim ang iniisip. Hmm ano kayang ireregalo ko.

"Pstt"

Lumingon ako sa tumawag.

"Ouy Shawn bakit?"

Lumapit siya sa akin at sumabayng maglakad.

"May regalo ka na ba?" Tanong niya

"Wala pa ehh ngayon ko lang nalaman kaya di ako prepared ikaw?"

"Mamaya pa ako bibili"

Ows oo nga noh Mamaya na lang ako bibili din.

Once In A Jeepney (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon