SERENITY'S POV
Naikuwento na ni Arawn lahat sa akin. Lahat-lahat ay nalaman ko. Mula nung bata pa lamang kami hanggang sa humantong kami sa ganitong edad. Wala akong maalala pero pinaliwanag pa rin ni Arawn lahat ng nalalaman niya. Siya ang childhood bestfriend ko. Siya ang palagi kong nakakalaro noon. Kaya pala ganun na lang ang pagtataka ko kung bakit pamilyar sa akin yung lugar nung pumunta kami sa farm. Pati yung mga sinabi nila Mang Gilbert at si Manang Marie. Dahil ayon sa kwento ni Arawn ay sa farm kami madalas maglaro ng habulan at minsan ay kumakain kami ng mga pinitas na pananim ng magulang niya.
Nag-aral siya sa pinapasukan kong eskwalahan nung highschool ako pero magkaiba naman kami ng section. Pati sa New York ay sinundan niya ako na parang naging instant stalker ko na siya. Noon palang ay talagang binabantayan na ako ni Arawn. Sa simula palang ay palagi na niyang pinapanood ang bawat galaw o kilos ko. Iniisip niya ang kaligtasan ko. Kaya pala minsan ay napapansin kong parang may mga matang nakatingin sa akin. Pero hindi lang yun ang nagpapagulo sa akin.
Hawak-hawak ko ang isang legal paper na pinakita sa akin ni Arawn. Isang marriage contract na may pirma na niya pati ni Lolo Armagon na siyang magsisilbing witness namin. Nakakasiguro ako na pirma ito ni Lolo dahil alam ko ang signature niya pero pirma ko na lang ang wala sa marriage contract. Nabaling ang atensyon ko kay Arawn nang hinawakan niya ang kamay ko at dinampihan niya ito ng halik. Wagas siya kung makangiti at parang nabunutan siya ng tinik sa dibdib. Tumingin siya ng diretso sa mata ko at binigyan ako ng smack kiss sa labi.
"Hindi muna kita pipilitin na pirmahan ang marriage contract. I'll give you a few days para makapag-isip ka sa magiging desisyon mo. But God knows how much I love you, Serenity. I want to marry you and be my wife. Lahat ay alam ng Lolo Armagon mo pero wala akong lakas ng loob para aminin sayo ang totoo. Masyado akong torpe pagdating sayo kaya tuloy naunahan na ako ng gagong Yuan na yun. Alam ng lolo mo kung gaano kita gusto noon pa lang pero hindi ko magawang aminin sayo dahil pinapangunahan ako ng takot. Ano pa nga bang magagawa ko noon samantalang magkaiba tayo ng mundo? Mayaman ka, mahirap ako. But you are one of the reasons why I persevered to graduate from college para may maipagmamalaki ako sayo at sa pamilya mo. Ikaw ang dahilan kung bakit naging successful ako." mahaba niyang sabi dahilan para mapangiti ako at tumulo ang ilang butil ng luha ko.
Oo, wala akong maalala tungkol sa noong bata palang kami pero ramdam ko ang pagiging sinsero niya sa bawat salitang binabanggit niya. Ramdam na ramdam ko na totoo ang mga sinasabi niya. Noon palang alam niya na kung sino ako. Patago rin niya akong binabantayan at naroon din siya mismo sa burol ni Lolo para mabantayan niya ang kalagayan ko. Kahit busy siya at may sarili siyang pinagkakaabalahan na dapat asikasuhin ay ako pa rin ang top priority niya.
Hindi ko akalain na sa buong buhay ko, may isang lalaki na palihim akong pinoprotektahan. Na hindi lang pala siya isang estrangherong lalaki sa buhay ko. Tama ang sinabi ni Lolo sa akin. Huwag na akong magtaka at dapat ko na lang siyang pagkatiwalaan. Marahan ko namang hinaplos ang mukha niya at ngumiti ng matamis sa harapan niya.
"Kaya pala parang pakiramdam ko nagkita na tayo noon pa. Kaya pala malaki ang tiwala ni Lolo Armagon sayo." naluluha kong sambit sa kanya.
Tumawa siya ng mahina at marahang tumango sa akin habang pinupunasan niya ang mga luha ko. Kaya pala siya ang kinuha ni Lolo na maging protector ko. Sa kanya ako ipinagkatiwala dahil alam ni Lolo Armagon na hindi ako pababayaan ni Arawn. Na poprotektahan niya ako at aalagaan.
"Ngayong alam mo na ang totoo, handa na akong ipaglaban ka. Handa akong humarap sa Daddy mo para ipaglaban ang totoo kong nararamdaman para sayo. Gagawin ko ang lahat para hindi ka na makuha ni Yuan sa akin, Serenity. Mapapatay na muna niya ako bago ka niya mabawi sa akin." sabi niya kaya mas lalo akong napangiti.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 3: MY ENTICING PROTECTOR [UNDER EDITING]
General FictionIDLE DESIRE 3: ARAWN MALKIEL The death of her grandfather must have been one of the most painful for her. Hindi niya lubos matanggap na wala na ito. Parang tinutusok ng maraming punyal ang dibdib niya dahil hindi siya makapaniwala na patay na ang pi...