SERENITY'S POV
Maaga kaming umalis kinabukasan sa rest house ni Arawn para hindi kami maipit sa traffic. May hang-over pa si Dad at Kuya Killian. Napadami siguro yung nainom nilang alak kagabi kaya mismong si Arawn na lang ang nagda-drive ng kotse papunta sa bahay namin.
Bumiyahe kami ng ilang oras hanggang sa makarating kami sa bahay. Wala pa ring pinagbago dito. Ilang araw lang akong nawala pero namiss ko na ang bahay namin. Magaganda pa rin yung mga pananin na bulaklak ni Mommy sa bakuran niya at ang iba mas lalo pang lumago.
Huminga ako nang malalim at saglit na tumingin kay Arawn. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko. Alam ko na nararamdaman niya na kinakabahan ako. Natatakot ako na baka biglang malaman ni Yuan na nandito ako sa bahay at puntahan niya ako.
Nababahala ako na baka magkagulo. Ayokong isa sa pamilya ko ang mapahamak. Ayokong pati si Arawn ay masaktan. Pinarada lang ni Arawn yung sasakyan sa garahe bago kami nagsibabaan. Naunang pumasok sa loob si Dad at Kuya Killian kaya sumunod na kami sa kanila.
"Jusko, kayo po pala sir at senyorita!" bulalas ng isang katulong namin nang makapasok kami sa loob ng bahay.
Nagulat pa nga ang ibang mga katulong na kasalukuyang naglilinis sa sala nang makita ako at bakas sa mga mukha nila ang kagalakan na makita nila ulit ako. Nagtataka pa nga ang iba sa kanila kung sino ang kasama namin which is si Arawn.
Lahat sila ay nakatingin sa lalaking 'to at mukhang pati sila ay na-starstruck sa angking kagwapuhan ni Arawn. Kulang na lang ay magningning ang mga mata nila at maglaway. Napaka-priceless ng reaksyon nila samantalang si Arawn ay parang wala lang pakialam.
"Ahm manang, nandito po ba si Mommy? Pakisabi naman po sa kanya na nandito kami." pakiusap ko kay manang. Siya ang mayordoma namin dito sa bahay.
"Nasa kwarto niya si Madam. Ay teka saglit lang at tatawagin ko!" excited na sagot ni manang at mabilis na nabitawan ang hawak-hawak niyang walis.
Dali-dali naman siyang umakyat sa hagdanan at nagtungo sa kwarto ni Mommy kaya natawa naman ako ng mahina. Naupo naman kami sa sofa habang hinihintay na bumaba si Mom dito sa sala. Si Arawn naman ay nagsisimula na namang maging clingy. Pinulupot pa niya ang braso niya sa beywang ko habang paulit-ulit niyang kinakantilan ng halik ang likod ng palad ko.
Malaki ang pagkakangiti niya sa akin. Syempre ngiting wagi ang isang 'to. Halos hindi nga niya ako tinigilan kagabi! Sabi niya round two lang pero inabot na kami ng alas-tres bago matulog. Grabe, napakalakas talaga ng energy niya samantalang ako ay halos para na akong gulay na nalantay.
"Ah, senyorita? Boyfriend niyo po ba siya?" kinikilig na tanong ng isa naming katulong at literal pa nilang tinuro si Arawn. Ngumiti naman ako at sasagot na sana nang unahan ako bigla ni Arawn.
"Fiancé niya po ako." sagot niya at parang kiti-kiti namang kinikilig ang mga katulong namin. Si Dad at Kuya Killian naman na prenteng nakaupo sa kabilang sofa ay natatawa na lang sa mga katulong namin.
"Wow! Napakagwapo naman po ng fiancé niyo senyorita! Ang lakas po ng chemistry niyo!" turan naman nung isang katulong kaya natawa kaming dalawa ni Arawn.
"Kaya dapat kilalanin niyo na agad si Arawn nang mabuti dahil sa susunod ay magiging amo niyo na rin siya. Magiging asawa na siya ng senyorita Serenity niyo." sabat naman ni Dad. Gumuhit lalo ang matamis kong ngiti. Talagang tanggap ni Dad si Arawn.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 3: MY ENTICING PROTECTOR [UNDER EDITING]
General FictionIDLE DESIRE 3: ARAWN MALKIEL The death of her grandfather must have been one of the most painful for her. Hindi niya lubos matanggap na wala na ito. Parang tinutusok ng maraming punyal ang dibdib niya dahil hindi siya makapaniwala na patay na ang pi...