SERENITY'S POV
Inaantok pa akong napadilat ng mata at bumungad agad sa akin ang puting kisame. Rumehistro sa akin ang pagtataka dahil hindi sa akin pamilyar ang kwartong kinaroroonan ko.. Nasaan ako? Anong lugar ito? Anong nangyari sa akin?
"Buti naman at gising ka na." isang bruskong boses ang narinig ko sa aking gilid kaya napalingon ako agad sa kanya.
Nakita ko naman si Arawn na bakas sa gwapo niyang mukha ang labis na pag-aalala. Doon ko napansin na nasa hospital kami dahil puti ang dingding pati ang tiles. Nakahiga rin ako sa hospital bed. Bumangon ako at inalalayan naman niya akong makaupo. Naupo naman siya sa gilid ng hospital bed at masuyong kinantilan ng halik ang likod ng palad ko.
"Pinag-alala mo ako. Akala ko kung ano nang nangyari sayo." sambit niya sa akin.
"Ano palang nangyari? Bakit ako nakahiga dito sa hospital bed?" nagtataka kong katanungan sa kanya. Maingat naman niyang sinuklay ang mahaba kong buhok at bahagyang pinisil ang kamay ko.
"Nawalan ka ng malay kanina dahil sa kakaiyak. Okay na ba ang pakiramdam mo? Wala naman bang masakit sayo?" aniya at doon ko naman naalala ang lahat ng nangyari kanina.
Bigla na lang akong nahilo at parang umiikot ang paningin ko hanggang sa dumilim na lang bigla yung paningin ko. Nanumbalik rin sa alaala ko ang nangyari kay Abigail. Nakunan siya at wala na ang baby niya sa kanyang sinapupunna. Nalulungkot ako para sa kanya.
"Ayos lang ako. Medyo nahihilo lang ako ng kaonti." sagot ko at nginitian siya ng tipid.
Nginitian din niya ako at mahina akong napabungisngis nang paulanan niya ng halik ang buo kong mukha. Sabay kaming napatingin sa pinto nang marinig naming bumakas ito. Pumasok si Dad at Kuya Killian. Kasunod naman nila ang isang Doktor na babae at pati si Yuan kaya umiwas na lang ako ng tingin sa kanya. Ano bang ginagawa niya dito? Dapat naroon siya kay Abigail at binabantayan siya.
"Ms. Araceli?" tawag ng doktor sa akin kaya tumingin ako sa kanya. Nakangiti siya sa akin ng malawak na animo'y may good news na dumating.
"She's Mrs. Malkiel now, doc." paglilinaw ni Arawn. Tinawanan ko naman siya at mahinang kinurot ang kanyang pisngi. He's cute. Mrs. Malkiel na nga ba ako? Oo nga pala, pinirmahan ko na ang marriage contract naming dalawa.
"Okay, sir. I'm sorry. Mrs. Malkiel?" pag-ulit ni Doc na natatawa sa tinuran nitong si Arawn.
"May problema ba sa asawa ko? May sakit ba siya? Hindi ba maganda ang kinalabasan ng result?" sunod-sunod na katanungan ni Arawn kay Doc.
"Don't worry Mr. Malkiel, walang sakit ang asawa mo. I have good news for you, Mrs. Malkiel. Congratulations iha, you are one week pregnant!" masiglang sabi ni Doc na nagpatigil sa buong pagkatao ko.
Pati yung mga kasama namin ay natahimik. Hindi agad nag-digest sa utak ko yung sinabi ni Doc. One week pregnant na ako? Wait! Buntis ako? Tama ba yung narinig ko? Parang nag-loading pa yun sa isipan ko bago ako napatingin kay Arawn na unti-unting gumuguhit ang matamis na ngiti sa kanyang labi.
"Really, doc? She's pregnant? My wife is pregnant?!" nakangiting tanong ni Arawn at kitang-kita ko ang kasiyahan sa kanyang mukha. Kumikislap pa ang dalawang mata niyang kulay gray at malapad ang kanyang pagkakangiti. Nakangiti namang tumango si Doc sa kanya bilang sagot.
"You heard that, darling? Ang sabi niya buntis ka! Magiging ganap na Daddy na ako!" masayang anas ni Arawn at nagpahalakhak naman ako sa reaksyon niya.
"Totoo po ba yan, doc? Hindi niyo ba kami binibiro lang?" paniniguro ko sa babaeng doctor.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 3: MY ENTICING PROTECTOR [UNDER EDITING]
General FictionIDLE DESIRE 3: ARAWN MALKIEL The death of her grandfather must have been one of the most painful for her. Hindi niya lubos matanggap na wala na ito. Parang tinutusok ng maraming punyal ang dibdib niya dahil hindi siya makapaniwala na patay na ang pi...