SERENITY'S POV
Sa wakas nakarating na din kami sa tinutukoy ni Samael na private mansion niya na pansamantala naming tutuluyan ni Arawn. Ilang oras din ang tinagal ng biyahe namin pero nakayanan kong huwag matulog kahit na alas-onse na nang gabi kami nakarating dito.
Napalunok pa ako nang makita ko sa labas ng bintana ang mga bodyguards na pare-parehas na nakasuot ng mga black suit. Pero hindi lang yun ang napansin ko. Kapwa sila may mga nakasuksok o nakasabit na mga kalibreng baril sa iba't-ibang bahagi ng kanilang katawan.
Sabay-sabay pa silang napa-bow sa sinasakyan naming kotse na animo'y mayroon silang ginagalang dito. Si Samael kaya 'yon? Sabagay siya ang nagmamay-ari ng mansion na 'to kaya paniguradong kilala siya ng mga bodyguards na nakakalat sa buong mansion. Pati doon sa itaas ng bubong nung mansion ay may tatlong nakabantay rin doon. Siguro sila ang nagsisilbing look out o sniper or whatever. Bumaba din kami agad nang huminto na ang sasakyan.
"Let's go, nakahanda na ang gagamitin niyo ni Arawn na kwarto." saad ni Samael at naunang naglakad. Sumunod naman sa kanya si Palermo at si Thorn naman ay iginiya ako papasok sa loob ng mansion.
"Ganito ba talaga dapat? Yung may mga baril?" bulong ko kay Thorn. Mahina niya akong tinawanan at saglit pa niyang pinasadahan ng tingin yung mga bodyguards na may mga baril.
"Or course. Tauhan sila ni Samael at Palermo. Ganyan ang nagagawa ng isang mafia boss." sagot ni Thorn sa akin sa mahinang boses.
Hindi na ako nagtangkang magtanong pa. Ibig sabihin talaga ngang mafia boss ang magpinsan na 'yun! Pagpasok namin sa loob ay sinalubong naman kami ng tatlong katulong. Pati sila ay sabay-sabay na nag-bow sa harapan ni Samael at Palermo. Inikot ko naman ang tingin ko sa buong paligid ko. May nakasabit pang malaking chandelier sa kisame at may pa-red carpet pa sa hagdanan. Wow, ganito pala ka-sosyal dito!
"Manang, ito si Serenity Araceli. Pakidala na lang siya sa magiging kwarto niya." utos ni Samael doon sa isang matandang katulong.
"Sige po sir." magalang na sagot nung matanda. Bumaling naman sa akin si Samael at bumuntong-hininga.
"Parating na din maya-maya si Arawn dito kaya matulog ka na nang mahimbing. Mag-usap usap na lang tayo bukas." sambit niya sa akin at tinanguan ko na lang siya.
Niyaya naman ako agad nung matandang katulong kaya sumunod na ako sa kanya. Umakyat kami sa hagdanan hanggang sa dinala niya ako sa isang kwarto na may queen size bed pa.
Nagpasalamat naman ako sa katulong bago siya lumabas at iniwan ako dito sa kwarto. Huminga ako nang malalim at naupo sa kama. Feeling ko hindi ako makakatulog nito agad. Gusto kong hintayin yung pagdating ni Arawn para makapag-usap kaming dalawa ng masinsinan.
Tumayo ako at naglakad papasok sa walking closet. Isa-isa kong pinasadahan ng tingin yung mga damit na talagang kasyang-kasya sa akin. Marahil nagpautos agad si Samael na maglagay ng mga damit ko dito at isa pa ay halata namang mayaman ang isang 'yon. Ang ibang damit naman ay puro pang-lalaki at sa tingin ko ay para kay Arawn ang mga 'to.
Hindi na kasi ako pinag-impake ng damit ni Samael pero buti na lang nabitbit ko ang sling bag ko kaya nandito ang cellphone ko para naman kahit papaano ay may komunikasyon pa rin kami ng magulang ko. Sana nasa maayos lang din sila ng kalagayan. Tama lang siguro ang ginawa ni Arawn na dito muna kami tumuloy para hindi madamay sila Mommy.
Nahinto ako sa pagtitingin nung mga damit nang marinig kong nagbukas-sarado ang pintuan sa labas. Dali-dali akong lumabas sa walking closet at nakahinga naman ako ng maluwag nang makita ko si Arawn na nandito na. Nginitian niya ako kaya nagmamadali ko siyang sinunggaban ng yakap. Isang mahigpit na yakap.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 3: MY ENTICING PROTECTOR [UNDER EDITING]
General FictionIDLE DESIRE 3: ARAWN MALKIEL The death of her grandfather must have been one of the most painful for her. Hindi niya lubos matanggap na wala na ito. Parang tinutusok ng maraming punyal ang dibdib niya dahil hindi siya makapaniwala na patay na ang pi...