KABANATA 28

19.2K 700 125
                                    


SERENITY'S POV

Nang mabalitaan nila Dad ang nangyari sa amin dito ay agad silang napasugod ni Kuya Killian para matignan nila ang kalagayan namin ni Arawn dito sa mansyon. Dumating na rin kanina si Conan at sa tulong niya ay nagawa na niyang matanggal yung bala sa braso ni Arawn kaya makakahinga na ako nang maluwag. Pero nandito pa rin sa katawan ko yung panginginig sa takot. Paano kung may dumating na naman na mga tauhan nung mga Sanchez para patayin kami?

"Hey, stop crying darling."

Tumingin naman ako kay Arawn nang magsalita siya. Nakaupo ako sa gilid ng kama at may benda na rin ang kaliwang braso niya. Nagpapahinga siya ngayon kaya binabantayan ko rin ang kalagayan niya. Baka kasi bigla na lang magdugo yung tahi niya sa braso sabi ni Conan sakin kanina. Sila Daddy at Kuya Killian naman ay nasa ibaba at kinakausap sila Samael. Marami sa mga tauhan nilang magpinsan ang namatay kasama na doon yung isang katulong na nabaril din.

Kahit papaano ay binigyan naman ni Samael ng proper grave yung mga namatay. He used his connection and wealth as a mafia boss para hindi kumalat sa publiko ang nangyaring pananambang dito sa mansyon niya. Pinunasan ko naman ang mga luha ko at huminga ng malalim.

"Sa susunod mag-iingat ka na. Paano kung mawala ka sa akin?" tila bata kong sabi sa kanya. Ngumiti naman siya at hinawakan ang kamay ko. Kinantilan niya ng maliliit na halik ang likod ng palad ko.

"Sorry kung pinag-alala kita. Mabaril na ako huwag lang ikaw." sambit niya. Inayos ko naman ang buhok niyang nagulo bago ako yumapos sa kanya.

Napapikit ako nang halikan niya ang noo ko at masuyong hinagod ang aking likod. Sobra akong natakot kanina nang makita kong may tama siya ng bala. Ang sabi niya hindi naman masakit yung tama nung bala sa braso niya at pansin ko naman kanina na nagagalaw naman niya yung braso niya. Pero paano kung mawala siya sa akin? Paano na ako? Buti na lang talaga dumating agad si Conan nang tawagan siya ni Palermo na kailangan siya dito.

"I'll take you to Washington. Ikaw ang hinahabol ng mga Sanchez." ani Arawn habang sinusuklay niya ang mahaba kong buhok. Tumingala ako para matignan ko siya. Dadalhin niya ako sa Washington?

"Doon na tayo titira?" tanong ko. Nginitian naman niya ako at dumampi naman sa aking labi ang malambot niyang labi.

"Pansamantala muna tayo sa Washington hangga't hindi pa nabubulok sa kulungan ang mga Sanchez. Tutulungan na rin tayo nila Alessandro pati ang Hellion Triplets para mapabagsak ang pamilya ni Yuan. We are doing everything we can to oust their accomplices from authority." Arawn.

Matinik nga talagang kalaban ang mga Sanchez. Kahit si Arawn na mayaman at may kakayahan na pabagsakin ang isang tao ay hindi kayang kalabanin ang pamilya ni Yuan. Because they are dirty opponents and they even have an ally in authority! Tulad nga ng sabi ni Palermo, may lahing psycho at kriminal ang magulang ni Yuan.

Sakim sila at gagawin ang lahat para makuha ang kagustuhan nila mula sa akin. Dumako ang atensyon namin ni Arawn sa pintuan nang bumukas ito. Niluwa nun sila Dad na mukhang kakatapos lang nilang mag-usap usap. Nandito rin ang ilan sa mga kaibigan ni Arawn lalo na si Alessandro at yung Hellion Triplets.

"We have already obtained evidence against Yuan's family. May mga witness na rin tayong nakuha kaya pwedeng-pwede niyo nang sampahan ng kaso ang mga hayop na yun." ani Alessandro. Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Arawn kaya bumangon ako at ganon din siya.

"How about Yuan? Nakakasiguro naman ako na may kinalaman din ang gagong yun sa kawalangyahan na ginagawa ng magulang niya." seryoso at may diing turan ni Arawn.

"Sa tingin namin nagawang makalusot ang mga Sanchez para hindi madamay si Yuan sa kaso. Walang warrant of arrest para kay Yuan dahil wala daw na sapat na ebidensya na magpapatunay na may kinalaman din ang lalaking yon sa nangyayari sa inyong dalawa ni Serenity." saad naman ni Lorcan sa malamig na boses.

IDLE DESIRE 3: MY ENTICING PROTECTOR [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon