KABANATA 8

18.5K 759 112
                                    

KABANATA 8:


Serenity Araceli

          TINIGNAN ko ang paligid ko, walang katao-tao na naglalakad ngayon sa hallway kaya naman dire-diretso akong naglagkad hanggang sa makababa ako sa hagdanan. Mahigpit din ang pagkakahawak ko sa sling bag na nakasukbit sa balikat ko.

Mabuti na lang ay wala akong naabutan na Arawn sa sala kaya nakahinga ako ng maluwag. I want to breathe some fresh air right now. Gusto ko na ilibang muna ang sarili ko dahil nai-stress ako sa mga nangyayari sa akin dito sa Hacienda.

Lumabas na ako at nakita ko agad si Mang Caloy na naghihintay sa akin. Pinahanda ko sa kaniya kanina 'yung kotseng gagamitin ko ngayong gabi na hindi sinasabi kay Arawn. Gusto ko munang mag-aliw aliw ngayong gabi, gusto ko munang lumabas kahit ngayon lang.


"Senyorita, baka po magalit si Sir Arawn nito 'pag umalis pa kayo ng ganitong oras. Gabing-gabi na po eh at baka mapaano pa kayo riyan sa labas." nag-aalalang sabi ni Mang Caloy nang lapitan ko siya.

"Don't worry po, Mang Caloy. Sagot ko naman po ang buhay niyo. Kaya ko po na i-handle ang sarili ko. Uuwi rin naman po ako agad." nakangiti kong sagot sa kaniya.

Napakamot pa siya sa kaniyang ulo at wala siyang nagawa pa kundi ibigay sa 'kin ang susi ng sasakyan. Nagpasalamat lang ako sa kaniya at sumakay na ako sa kotse.

Pinagana ko agad ang makina at pinaandar na ang kotse papaalis. Nakita ko pa sa side mirror ang pagtataka sa mukha ng mga bodyguards namin habang nakatanaw sa kotseng sinasakyan ko.

Gusto ko muna na magpunta sa bar ngayon para mawala kahit papaano ang stress ko. Para sa gano'n ay mabawasan kahit kaonti ang dinadala kong problema. Kapag kasi na ganitong masama ang loob ko at hindi pa nawawala ang init ng ulo ko ay gusto kong uminom ng alak.

Ganito na ang ginagawa ko noong nasa New York pa lang ako. I use google map para hindi ako maligaw. Hindi ko pa naman alam ang pasikot-sikot dito sa lugar lalo pa't hindi ako pamilyar dito sa Cebu pero may google map naman at may bibig din naman ako na magagamit para magtanong.

Ligtas at matiwasay naman akong nakarating sa pinakamalapit na bar lang. Pinark ko lang ang kotse sa parking lot bago ako bumaba.


Nakikita ko agad ang mga taong nasa labas ng bar, ang iba sa kanila ay nagsisigarilyo at nagkukwentuhan. Nakasuot lang ako ng red dress na hanggang tuhod ko lang ang haba at naglagay ng light make-up para magmukha naman akong presentable na tignan.

Hapit na hapit din sa beywang ko ang suot ko kaya naman kitang-kita ang kurba ng aking katawan. Naka-black high heels lang din ako na may katamtaman na takong. Nginitian ko lang ng tipid 'yung bouncer na pinapasok din ako sa loob matapos niyang pasadahan ng tingin ang aking suot.

Marahil ay chineck lang niya kung nasa wastong taong gulang na ba ako. But I'm at the right age para makapasok sa mga ganitong klaseng bar.

Maingay na tugtog at nakakasilaw na iba't-ibang ilaw ang bumungad sa akin nang makapasok ako sa loob. May nagsasayawan sa dance floor at nalalanghap ko rin ang amoy alak.

Napangiti naman ako. Ito ang tinutukoy ko na gusto kong makalanghap ng sariwang hangin. I want to drink margarita or vodka. Gusto kong uminom pero hindi ibig sabihin ay magpapakalasing na ako. Babae ako at wala pa naman akong kasama kung magpapakalasing ako.

IDLE DESIRE 3: MY ENTICING PROTECTOR [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon