KABANATA 13

19.4K 719 116
                                    

SERENITY'S POV

Tuloy-tuloy pa rin ang pagbuhos ng masagana kong luha at hinahayaan ko lang itong lumandas sa magkabila kong pisngi. Mapait akong natawa sa isipan ko at tulalang napatitig sa mga bituin na nagniningning sa madilim na kalangitan. Hindi pa rin ako makapaniwala na magagawa ni Yuan sa akin yun. Hanggang ngayon ay ayaw pa rin mag-sink in sa buong sistema ko na mabubuntis niya ang mortal enemy ko na si Abigail. Alam niya na ang babaeng yun ang pinakasinusumpa ko pero nagawa pa rin niya akong pagtaksilan!

Pagak akong tumawa at sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri ko sa kamay. Muling nanumbalik sa akin ang mga mapapait kong alaala noong bata palang ako hanggang sa pinadala ako ni Dad sa New York para doon mag-aral ng college.

Nasa kalagitnaan kami ng paglalaro ni Kuya Killian ng habol-habulan sa bahay namin nang kapwa kami parehong natigilan. Tumingin kami sa direksyon ni Daddy na bagong dating.


"Daddy!" galak kong sigaw at agad tumakbo palapit sa gawi niya. Nakita ko ang pag-ngiti ni Dad sa akin at walang kahirap-hirap niya akong binuhat. Tumawa naman ako nang paulanan niya ng halik ang buo kong mukha. Pati kili-kili ko ay hindi niya pinalagpas.

"How's your day, my little princess?" tanong niya sa akin. I gave him a peck of kiss in his left cheek before I answer him.

"Okay lang naman po. Madaya si Kuya Killian. Palagi na lang po ako ang taya!" sumbong ko sa kanya na ikinatawa niya.

"Eh kasi naman po tito ang dali-dali niyang makita eh!" mabilis na sagot ni Kuya Killian na nakalapit na pala sa amin at nagbelat pa sa gawi ko.

"Anyway, may ipapakilala pala ako sa inyo. Kasama siya ng Mommy mo, my little princess." Daddy na agad akong ibinaba at kahit nagtataka ako ay sinundan ko lang siya ng tingin nang maglakad siya palabas.

"Ano kaya yun?" tanong sa akin ni Kuya Kian. Napashrugged na lang ako ng balikat dahil kahit maski ako ay hindi ko alam. Sino kaya ang ipapakilala ni Daddy samin? Maya-maya bumalik na si Dad kasama si Mom. Pero lubos ang pagtataka ko nang makitang may buhat-buhat si Daddy na isang batang babae.

"Mukha siyang pangit" mahinang bulong ni Kuya Killian sa akin pero sinenyasan ko lang siya na huwag maingay.

"Makapangit ka naman. Ikaw nga mukha kang tsanak." pang-aasar ko at sinamaan lang niya ako ng tingin. Mapanglait talaga 'tong pinsan ko pero syempre nahawaan din niya ako kaya marunong din akong manglait pero siya lang ang nilalait ko.

"My princess, she's Abigail. Pinsan niyong dalawa ni Killian. From now on, ituturing mo na parang isang nakababatang kapatid si Abigail understand?" Daddy at bakas sa mukha niya ang saya. Dahil wala akong kamuang-muang at sampung taon palang ako ay nagawa kong ngumiti sa batang babae na walang alinlangan.

IDLE DESIRE 3: MY ENTICING PROTECTOR [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon