SERENITY'S POV
Ayaw pa ni Mommy na pabalikin kami sa Tagaytay kaya dito na muna kami ni Arawn sa bahay magpapalipas ng gabi. Madami rin kaming napag-kuwentuhan ni Mom tungkol kay Yuan at Abigail. Nalaman nilang buntis ang babaeng 'yon nang bigla na lang siyang mawalan ng malay sa kalagitnaan ng klase.
Graduating student si Abigail sa college at naalala ko naman yung araw na pupunta daw sila Mom sa ospital dahil sinugod daw si Abigail doon. Hindi naman ako sumama that time dahil naiinis ako sa bruhang 'yon. Nalaman nila sa doctor na may dinadalang bata si Abigail sa sinapupunan niya. At sinabi naman nung babaeng yun na si Yuan ang ama ng baby niya.
"Sigurado ka ba na okay ka na? Tanggap mo na bang wala na kayo ni Yuan?" rinig kong tanong ni Mommy sa akin. Nahinto naman ako sa paghiwa sa gulay. Tinutulungan ko si mom sa pagluto ng hapunan namin pero natigilan naman ako bigla sa tinanong niya.
"Syempre naman po. Kailangan siya ng mag-ina niya lalo pa't maselan pala ang pagbubuntis ni Abigail. Buti na nga lang pumayag ang magulang ni Yuan na panagutan si Abigail." sagot ko at mahinang tumawa.
Pinagpatuloy ko ang ginagawa kong paghihiwa sa gulay. Wala si Arawn ngayon at may importante lang daw siyang aasikasuhin sa kompanya niya.
"Napauwi nga sila dito bigla sa bansa nang kausapin sila ng Daddy mo. Akala nila ikaw ang nabuntis ni Yuan kaya tuwang-tuwa sila nang malaman nilang magkakaroon na sila ng apo pero hindi nila alam na si Abigail pala ang nabuntisan ng anak nila. Hinahanap ka pa nga nila eh. Pero sinabi ng Daddy mo na hiwalay na kayo ni Yuan." mahabang turan ni Mommy kaya napangiti na lang ako.
Tanggap ko na ang katotohanan na hindi na kami pwedeng magkabalikan pa ni Yuan. Halos three years din kaming mag-boyfriend girlfriend pero siya ang unang sumayang sa relasyon namin. Ginago nila ako at gumawa sila ng katarantaduhan habang nakatalikod ako. Worst ay gumawa sila ng kababalaghan nung nakaburol pa si Lolo Armagon!
Huminga ako nang malalim at pinakalma ko ang aking sarili. Wala na akong pakialam sa kanila. Bahala na siya sa buhay niya. Ang mahalaga sa akin ay masaya ako at kasama ko si Arawn. Magpapakasal na kami kahit na isang linggo ko palang siyang nakikilala. Masyadong mabilis ang pangyayari pero totoo ang nararamdaman ko para kay Arawn.
Siya ang dahilan kung bakit masaya ako. Siya ang nagpapabilis ng tibok ng puso ko. I can feel butterflies flying in my stomach every time he kisses and touches me. Si Arawn ang dahilan kung bakit nakalaya ako sa pagkakakulong. Para akong isang ibon na malaya nang nakakalipad. At ramdam kong totoo rin ang mga pinapakita ni Arawn sa akin. Ramdam ng puso ko na mahal niya talaga ako.
Ika nga ng mga kaibigan ko sa New York, hindi pinapatagal ang panliligaw. Relasyon dapat ang pinapatagal.
"I'm happy for you, anak. Nakikita ko na talagang mahal ka ni Arawn. The way he holds you, he kisses and hugs you as well as the way he looks at you. Kitang-kita ko kung paano mangislap ang mga mata niya habang nakatingin siya sayo na hindi mo napapansin. Nakikita ko rin na masaya siya. Sobrang saya niya. Tignan mo nga kanina, sangkaterbang paalala ang sinabi niya sayo samantalang may aasikasuhin lang siya saglit sa company niya. Kesyo na huwag kang lumabas hangga't hindi pa siya nakakabalik at mag-iingat ka pa sa paglalakad baka madapa ka!" muling salita ni Mommy at nahihimigan ko sa kanyang boses ang pagkakilig.
Natigil ulit ako sa ginagawa ko at malawak akong ngumiti. Tama si mommy, sangkaterbang paalala ang sinabi ni Arawn sa akin kanina bago siya umalis. Sandali lang naman daw siya sa Malkiel Company at uuwi din agad siya dito.
"Senyorita, may nagpapabigay po sa inyo nito." sulpot bigla ng isa naming katulong at inabot sa akin ang isang bouquet of flowers. Sumaklob sa akin ang matinding kaba nang mapansin kong pamilyar sakin yung bulaklak.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 3: MY ENTICING PROTECTOR [UNDER EDITING]
General FictionIDLE DESIRE 3: ARAWN MALKIEL The death of her grandfather must have been one of the most painful for her. Hindi niya lubos matanggap na wala na ito. Parang tinutusok ng maraming punyal ang dibdib niya dahil hindi siya makapaniwala na patay na ang pi...