KABANATA 4:
Third Person's POV
IT was past eleven o'clock in the evening when he arrived at Araceli Hacienda. Arawn was tired but he still had a lot to take care of before going straight to the Hacienda.
Kinulit pa kasi siya ng mga kaibigan niya at hindi siya tinitigilan lalo na si Thorn para mag-inuman lang sa Idle Desire. He was always a busy man, kaya naman hindi na niya iniisip pa na tumambay sa mga bar para magpakalunod sa alak.
Hindi naman niya akalain na narito rin sa Cebu ang ilan sa mga kaibigan niya para sa mga business din ng mga ito, kaya pinagbigyan niya muna ang mga kaibigan niya na makipagkita sa kanila at maka-bonding bago siya dumiretso sa Araceli Hacienda.
Pagpasok pa lang niya sa loob ng Hacienda ay sinalubong na siya agad ng isang matandang babae. Sa pagkakatanda niya ay ito ang mayordoma sa Hacienda ni Don Armagon kung saan ay kasalukuyan na siyang maninirahan kasama ang apo nito na kaniyang aalagaan, babantayan, tutulungan at po-problemahin.
'Yon kasi ang nakasulat at pinagkasunduan nilang dalawa ni Don Armagon bago namayapa ang matanda. He will protect Don Armagon's granddaughter and help her manage their businesses. And besides, she is the heiress and multi-billionaire. Limang taon lang naman ang itatagal niya rito.
"Good evening po, sir. Nagugutom po ba kayo? Gusto niyo po ba na ipaghanda ko kayo ng makakain niyo?" magalang na tanong sa kaniya ng matandang babae.
Tipid lang niya itong nginitian at napailing-iling. Kilala na siya nito pati ang ilan sa mga katulong at tauhan ng Araceli Hacienda.
"Salamat na lang po, Nanay Pat. Nakakain naman na ako ng dinner sa labas." magalang niyang sagot sa matanda.
"Si Serenity po pala?"
Oo, kilala niya ang kaisa-isang tagapag-mana ni Don Armagon. Kilala niya ang pinakamamahal at paborito nitong apong babae. Matagal na niyang kilala si Serenity Araceli at masaya siya na sa kaniya ipinagkatiwala ni Don Armagon ang kaligtasan ng dalaga.
In the first place, he wanted to protect her. Kahit buhay man niya ang kapalit ay gagawin niya. Ano ba'ng magagawa niya? Sumusunod lang siya sa kung ano ang dinidikta ng kaniyang puso. Iyon din ang kagustuhan niya. Ang protektahan siya at ilayo ang dalaga mula sa mga masasama at magdadala sa kaniya sa panganib.
"Ay si senyorita po ba? Nasa kwarto na po siya, sir. Mukhang nagpapahinga na. Ni hindi man nga lang siya nakakain ng dinner marahil ay sa matinding pagod sa biyahe." sagot ng matanda.
Tumango-tango lang siya ng ulo at nagpaalam na papanhik na sa itaas. He was tired and wanted to rest his body on the soft bed. Gustong-gusto na niyang mahiga at matulog.
Sumasakit na rin ang kaniyang ulo dahil marami siyang tinapos na trabaho sa office niya. He signed a lot of paperwork and he needed to finish it right away. Siya ang tipo ng lalaki na gugustuhin na tapusin ang lahat ng trabaho bago umuwi para wala na siyang iisipin kinabukasan.
Hindi rin biro ang pagiging business tycoon niya lalo pa't malaking kompanya ang hinahawakan niya. Ayaw rin naman niya na mawala na parang bula lahat ng mga pinaghirapan niya.
Pag-akyat niya sa second floor ay napansin niya ang isang kuwarto na nakabukas ang pinto. Siguro ay nakalimutan ng kasambahay na isarado ang pintuan kaya naman nilapitan ito ni Arawn.
He was about to close the door when a beautiful woman lying on the bed caught his attention. She was sound asleep and he knew immediately who it was. Imbes na isara niya ang pinto ay parang may sariling pag-iisip naman ang dalawa niyang paa at kusa itong humakbang palapit sa dalaga.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 3: MY ENTICING PROTECTOR [UNDER EDITING]
General FictionIDLE DESIRE 3: ARAWN MALKIEL The death of her grandfather must have been one of the most painful for her. Hindi niya lubos matanggap na wala na ito. Parang tinutusok ng maraming punyal ang dibdib niya dahil hindi siya makapaniwala na patay na ang pi...