KABANATA 27

19.9K 744 166
                                    


SERENITY'S POV

Malaki ang pagkakangiti naming dalawa ni Arawn nang magising kami kinaumagahan. Good mood kaming pareho dahil sa nangyari kagabi. Nandito kami sa veranda ng mansion ni Samael at naisipan nilang dito na lang kami kumain ng almusal. Pinasadahan ko naman ng tingin si Arawn mula ulo hanggang paa niya. Bakit ba ang sexy niyang tignan? Nakagat ko ang hinlalaki kong daliri habang tinititigan ang lalaking bumihag sa puso ko.

Nakasuot siya ng black pants at puting formal long sleeve na tinupi lang hanggang siko niya. Bumabakat ang laki ng kanyang katawan at halos pumutok na rin ang suot niyang damit dahil sa biceps niya.

Maskulado kasi ang isang 'to pero mas sexy siya kung hapit sa katawan niya yung sinusuot niyang damit. Meron pang nakasabit na itim na underarm holster sa katawan niya kaya kitang-kita ko ang dalawang baril na nakasuksok doon.

Ni hindi man lang niya napapansin na kanina ko pa siya tinitignan. Abala kasi siya sa pakikipag-usap kay Samael. Hindi ko alam kung tungkol saan ang pinag-uusapan nila pero mukhang importante yun. Parehas kasi silang seryoso.

"Alam mo kung ice cream lang si Arawn baka kanina pa yan natunaw." dinig kong bulong ni Perseus sa akin.

"Sorry pero mas masarap pa siya kaysa sa ice cream." wala sa sarili kong sagot.

Narinig ko naman na may nabulunan at nasamid kaya napunta ang atensyon ko sa mga kasama ko dito sa lamesa. Nakita ko si Zeev na nabulunan sa kinakain niyang bacon sandwich kaya mabilis siyang napainom ng tubig habang si Thorn naman ay nabuga ang iniinom niyang kape.

Mahina ko naman silang tinawanan at napailing-iling ng ulo. Pati si Conan ay natawa na lang sa mga kaibigan niya. Hindi ko nga alam kung anong ginagawa ng mga 'to dito sa mansion ni Samael. Basta pagbaba namin ni Arawn kanina ay nakatambay na sila dito sa veranda. Wala ang iba pa nilang barkada at iilan lang silang nandito ngayon.

"Masarap pala kaysa sa ice cream huh?" natatawang tanong ni Nyx sa akin.

"Well, I'm just stating the truth." walang kahiya-hiya kong sagot at nagkibit-balikat pa.

Ngumisi lang siya sakin kaya humigop na lang ako ng kapeng tinimpla ni Arawn para sa akin. Mula dito sa pwesto namin ay kitang-kita ko ang mga bodyguards na nagbabantay pa rin dito sa mansion. Kung sinuman ang makakita sa kanila ay paniguradong tatakbo sila sa takot. May mga nakasabit ba naman kasing baril sa balikat nila eh. Ang iba naman ay nakasiksik pa sa tagiliran nila.

"Anong pinag-uusapan niyo?" sulpot bigla ni Arawn at naupo sa tabi ko. Kinuha niya ang hawak kong tasa ng kape at sumimsim din siya doon.

"Mas masarap ka daw kaysa sa ice cream sabi ni Serenity." diretsong sagot ni Wyatt. Feeling ko lahat ng dugo ko sa katawan ay bigla na lang nagsi-akyatan papunta sa mukha ko nang magsitawanan silang lahat. Pati itong si Arawn ay nakitawa rin.

"My wife is not lying." Arawn at nag-smirk sa akin.

Nabaling ang atensyon naming lahat sa mga bagong dating kaya umingay na dito sa pinapangunahan ni Perseus. Napataas ang isa kong kilay nang may mapansin ako. Teka? Bakit parang may naligaw yatang gwapong pari dito sa Mansion? Alam kong pari yun at hindi ako namamalikmata. Halata naman dahil sa suot niyang damit.

"Sino yun?" mahina kong tanong kay Arawn at nginuso yung kinaroroonan nung gwapong pari na ngayon ay kinakausap na nila Thorn.

Matangkad siya at may kalakihan rin ang kanyang katawan. Siguro marami ang umaattend sa misa para masilayan lang ang angking kagwapuhan ni Father.

"He's Herschel and yes, isa siyang pari. Malapit lang dito ang simbahan nila kaya napadalaw lang siya dito sa mansion para kamustahin kami." Arawn at napatango-tango naman ako ng ulo.

IDLE DESIRE 3: MY ENTICING PROTECTOR [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon