KABANATA 7

18.3K 749 125
                                    

Serenity Araceli's

K

anina pa siya walang imik, ni hindi man lang niya ako kinakausap. Nagtataka kong binalingan ng tingin ang katabi ko, seryoso lang na nagmamaneho si Arawn habang mahigpit ang hawak niya sa manibela kaya naman napabuntong-hininga na lang ako at tumingin sa unahan ng sasakyan.


Ano kaya'ng nangyari sa kanya?

Simula kasi nang sabihin ko sa kanya na balak na namin magpakasal ni Yuan ay naging seryoso na siya. Halos hindi na nga maipinta ang gwapo niyang mukha, kulang na lang ay magdikit na ang dalawang halos perpekto niyang kilay.

Paminsan-minsan naman ay umiigting pa ang kanyang panga. Para bang galit na galit siya at napakainit ng kanyang ulo ngayon. Hindi ko naman alam kung bakit at sa ano'ng dahilan. I just sighed again.  Ang tahimik niya, para ba akong mabibingi.

"Please, stop sighing." He finally broke the silence. Naging dahilan 'yon para kunot-noo akong tumingin sa kanya.

Nandidilim ang kanyang mukha at napakatalim ng kanyang tingin sa kalsada. Parang handa na siyang pumatay ng tao at kinikilabutan ako roon. Ano ba kasi ang nangyayari sa kanya?

At saka ano raw? Stop sighing?

Ako ba ang kausap niya? Syempre oo. Alangan naman na kausapin niya ang kanyang sarili samantalang ako lang naman ang kasama niya rito sa loob ng kotse at ako lang din naman ang bumubuntong-hininga na animo'y pasan ko na yata ang sandamakmak na problema sa daigdig.

Halata ko rin na naiirita siya base sa tono ng kanyang boses. What the hell is wrong with him? Kanina'y okay lang naman kaming dalawa at masaya pa kami na nagkukwentuhan pero ngayon ay halos ang tahimik niya. At ang init pa yata ng ulo niya.

Hindi na rin niya ako nginingitian. Dinaig niya pa ako na isang babae na may buwanang dalaw dahil grabe siya kung magsungit! Baka naman menopause na siya?

Pauwi na rin kami ngayon sa Hacienda at inabot na kami ng gabi sa kalsada. Anong oras na rin kasi kaming natapos sa pakikipagkwentuhan sa mga tauhan ni lolo sa farm.

Ang dadaldal din ng mga asawa nila lalong-lalo na si Manang Marie na maraming baon na kuwento kaya ayun, napasarap ang kwentuhan namin sa kubo dahil nakakatuwa silang kasama at kakwentuhan.

Kagagaling lang din naming dalawa ni Arawn sa meeting kay Mr. Reagan kasama ang asawa nito na si Mrs. Reagan.

Napag-alamanan ko rin kanina na matalik na kaibigan pala ni Arawn 'yung ka-meeting namin kanina. Napahaba-haba rin ang kuwentuhan nilang dalawa kaya ginabi na kami ng uwi.

Pero ngayon? Mas mukha pa na mayroong buwanan ng dalaw si Arawn dahil parang ang init ng ulo ng lalaking 'to sa 'kin. Palagi rin niyang pinupuna 'yung mga pagkakamali ko kanina. At hindi ko alam kung bakit siya ganyan!

Akala mo naman ay mayroon akong nagawang malaking kasalanan sa kanya kaya lagi na lang niya akong tinatapunan ng masamang tingin. Wala naman akong nagawang mali sa kanya. Sinusunod ko naman 'yung mga sinasabi niya.

"What's wrong? May problema ba? Pwede mo namang sabihin sa 'kin," I said.

Hindi na kasi talaga ako makatiis pa kaya nagtanong na ako. Nakakunot pa ang noo ko sabay taas ng isa kong kilay habang nakatingin sa kanya ng diretso --- naghihintay sa isasagot niya.

"Nothing," tipid niyang sagot kaya napairap na lang ako sa hangin.

Wala naman pala siyang problema pero bakit ang init yata ng ulo niya? Halos magdikit na nga 'yong dalawa niyang kilay eh.

IDLE DESIRE 3: MY ENTICING PROTECTOR [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon