SERENITY'S POV
Yumapos ako kay Arawn at sinubsob ang aking mukha sa matipuno niyang dibdib. Gabi na naman pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Dapat matulog na ako dahil masama sa buntis ang nagpupuyat pero kahit anong gawin kong pikit ay hindi pa rin ako makatulog.
"Darling?" malambing kong tawag kay Arawn. Katabi ko siya dito sa hospital bed at buti na lang nagkasya kaming dalawa kahit na may kalakihan ang pangangatawan ni Arawn.
"Bakit gising ka pa?" tanong niya sa akin. Umangat ang ulo ko para matignan ko siya ng maayos. Bumuntong-hininga muna ako at umayos sa pagkakahiga.
"Hindi ako makatulog." parang bata kong sabi at ngumuso pa. Humalakhak siya at tumagilid ng higa. Ang ulo ko naman ay nasa matigas na niyang braso.
"May gusto ka bang kainin? Diba ganun naman ang nangyayari sa mga buntis? Naglilihi sila?" aniya na nakangiti.
"Hindi naman ako nagugutom eh." sambit ko. Ayoko namang sabihin sa kanya na iniisip ko pa rin hanggang ngayon yung sinabi ni Yuan kanina. Harap-harapan niya na kaming binantaan na papatayin kaya syempre natatakot ako. Paano kung maulit na naman yung pananambang at worst dito pa mangyari yun sa ospital?
"Don't think too much, darling." ani Arawn at masuyong hinaplos ang mahaba kong buhok. Ngumiti naman ako at mas niyapos ko siya nang mahigpit.
"Mahal kita." malambing kong turan sa kanya.
Pansin ko naman ang biglang paglawak ng ngiti niya. Ang kamay niyang nasa buhok ko ay napunta na sa aking kaliwang pisngi. Napakasuyo ng bawat haplos niya sa aking balat habang mariin siyang nakatitig sa akin.
Lakas loob ko namang sinalubong yung tingin niyang animo'y matutunaw ako anytime. Napakagwapo talaga niya. Ang swerte ko sa lalaking 'to. Hindi ko man siya nakatagpo agad noon, siya naman ang makakatuluyan ko ngayon at sisiguraduhin kong mangyayari iyon.
"Mas mahal kita. Gagawin ko ang lahat para maprotektahan ka pati na rin ang magiging anak natin." sagot niya sa akin sa malambing rin na boses. Mas napangiti din ako lalo dahil sa kilig at pinaulanan ng halik ang buo niyang mukha. Humaplos sa tiyan ko ang kamay niya at tinapat ang kanyang tenga doon.
"Baby ko? Naririnig mo ba si Daddy Arawn? Ako ang pinakagwapong asawa ng Mommy mo." Arawn na wagas kung makangiti.
Mahina akong napahagikgik nang kausapin niya ang baby namin na nasa sinapupunan ko. Bakit ba ang cute niyang tignan? Sinuklay ko naman ang malambot niyang buhok habang pinapanood ko ang kanyang ginagawa.
"Poprotektahan ko kayo ng Mommy mo kahit na anong mangyari. Kahit na maging kapalit man 'to ng buhay ko." sambit niya sa seryosong boses. Matamis naman akong ngumiti at kinantilan ng halik ang kanyang labi.
"You're my enticing protector." nakangiti kong bulong sa kanya. Siya naman ngayon ang kumantil ng halik sa aking labi.
"And you are my wife." sagot naman niya at syempre kinilig na naman ako ng bongga. Inayos niya ang kumot naming dalawa na nakapatong sa katawan namin bago siya humalik sa aking noo.
"Now, sleep darling. Ayokong may masamang mangyari sa inyo ng baby natin." aniya at tinanguan ko naman siya. Baby namin? Ang sarap naman pakinggan sa tenga yung sinabi niya.
• • •
Inasikaso agad ni Arawn yung babayaran naming hospital bills kinabukasan nang magising kaming dalawa. Kasalukuyan akong nasa restroom para maghilamos ng mukha. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Hanggang ngayon napakalakas pa din ng pintig ng puso ko na parang kinakabahan na ewan. Bumabagabag pa rin sa akin yung sinabi ni Yuan kahapon. Tila isang sirang plaka na paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang salitang binitawan niya.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 3: MY ENTICING PROTECTOR [UNDER EDITING]
General FictionIDLE DESIRE 3: ARAWN MALKIEL The death of her grandfather must have been one of the most painful for her. Hindi niya lubos matanggap na wala na ito. Parang tinutusok ng maraming punyal ang dibdib niya dahil hindi siya makapaniwala na patay na ang pi...