SERENITY'S POV
"Saan ba kasi tayong dalawa pupunta?" iyon agad ang una kong tinanong kay Arawn para basagin ang katahimikan dito sa loob ng kotse at mahina ko pa siyang tinawanan.
Mas lalo pa siyang naging gwapo sa paningin ko nang sumilay ang matamis niyang ngiti at kinuha ang kamay ko para halikan ang likod ng palad ko. Kanina pa kasi kami bumabiyahe pero hindi man lang niya sinasabi sa akin kung saan ba kami pupunta ngayon.
"Basta. I just want to show you something." nakangiti niyang sagot at kinindatan pa ako.
Tinawanan ko na lang ulit siya at hindi na nagtanong pa. Hindi na naulit pa ang nangyaring insidente tulad kahapon. Pinagsabihan na ni Arawn ang mga katulong sa bahay na huwag na silang tatanggap na kahit na anong binibigay na delivery sa bahay namin. Nagdoble-ingat na ang lahat at baka daw mamaya ay bomba na ang matanggap namin sa bahay.
Hanggang ngayon ay wala pa ring nangyayari sa imbestiga ng mga pulisya. Nakausap na rin nila sila Yuan at Abigail. Ang sabi nila, out of town kahapon si Yuan samantalang magdamag daw na hindi lumabas sa bahay nila si Abigail.
Hindi namin alam kung sino ang nagsasabi sa kanila ng totoo o kung sino ang nagsisunungaling. Pati si Arawn ay gumagawa na nang hakbang para mahuli ang taong nagpadala sa akin ng mga ganung klaseng bagay. Kung sinuman siya, wala siyang puso't kaluluwa! Pinatay niya ang mga pusa at ahas para ipadala sa akin at takutin lang ako!
"Nandito na tayo." rinig kong salita ni Arawn kaya tila nabalik naman ako bigla sa reyalidad.
Napansin kong huminto kami sa isang building na may limang palapag. Hindi ko alam kung nasaan kami. Ngayon lang naman ako nakarating dito. Pagka-park ni Arawn sa kotse niya ay agad din kaming bumaba sa sasakyan. Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob at binati lang kami nung babaeng staff. Namangha naman ako nang bumungad sa akin kung ano ang nasa loob.
"This is my photography gallery. Sinimulan kong ipatayo itong gallery na 'to five months ago." nakangiti niyang sabi sa akin.
"Ikaw ba ang kumuha ng mga litratong 'to?" namamangha kong katanungan at alam kong nakapaskil sa labi ko ang matamis na ngiti. Ngumiti si Arawn at tinanguan ako ng ulo.
"Wow! May talent ka! Ang gaganda nitong mga kuha mo lalo na itong mga landscape photography!" masigla kong anas at bakas sa boses ko ang pagkamangha.
Tumawa lang siya at hinapit ako palapit sa kanyang katawan. Hindi ko akalain na isa pala itong photography gallery at pagmamay-ari pa ni Arawn! I mean, hindi ko ine-expect na mahilig pala siyang kumuha ng mga litrato. Bawat madadaanan naming mga picture frame na nakasabit sa mga dingding ay puro magaganda. May mga tao ring nandito na tinitignan ang mga picture. Pati sila ay namamangha sa ganda nung mga kuhang litrato.
"Let's go. Ipapakita ko sayo yung pinaka-paborito kong litrato na nakuha ko." nakangiti niyang aya kaya sumunod na lang ako sa kanya.
Naglakad kami sa kabilang pasilyo at sumakay sa elevator. Nakarating kami sa third floor at halos matigilan ako kung ano ang mga nakikita ko. Uwang ang aking bibig sa mga litratong mga nakasabit sa bawat dingding. Hinatak ako ni Arawn palabas sa elevator at inikot ko naman ang aking tingin sa buong paligid ko.
Hindi ako makapaniwala na mukha ko ang mga nasa bawat litratong nakasabit sa mga dingding. Iba't-ibang emosyon ang mga nasa litrato, may stolen shot, may mga nakangiti, nakasimangot, nakatawa at meron pang umiiyak. Ang iba sa mga litrato ay nakatagilid ako, ang iba naman ay nasa school ako at nasa New York! Ang mga taong naririto din sa third floor ay bigla na lang napapatingin sa akin at mukhang narealize nilang ako yung mga nasa litrato.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 3: MY ENTICING PROTECTOR [UNDER EDITING]
General FictionIDLE DESIRE 3: ARAWN MALKIEL The death of her grandfather must have been one of the most painful for her. Hindi niya lubos matanggap na wala na ito. Parang tinutusok ng maraming punyal ang dibdib niya dahil hindi siya makapaniwala na patay na ang pi...