INTRODUCTION

43.9K 960 208
                                    

Apart from the property you will inherit from your grandfather, you will need to be with Arawn Malkiel to be your protector for five years.


The death of her grandfather must have been one of the most painful for her. Hindi niya lubos matanggap na wala na ito. Parang tinutusok ng maraming punyal ang dibdib niya dahil hindi siya makapaniwala na patay na ang pinakamamahal niyang lolo.

Subalit ang hindi lubos mapaniwalaan ni Serenity Araceli ay ang iniwan na last will at testament nito sa kanya.

She became his heiress.

Para sa kanya ay hindi na niya kailangan pa ng pamana. Hindi rin niya hiniling na maging eredera nito. Ang tanging kagustuhan lang niya ay ang bumalik ang lolo niya kahit na imposible na mangyari ‘yon.

Pero ano nga ba'ng magagawa ni Serenity kung ito ang huling kahilingan ng Lolo Armagon niya sa kanya? Ang maging tagapagmana?

Ngayon na isa na siyang bilyonaryong babae, na nag-iisang eredera ng isa sa pinakamayamang negosyante ay kailangan din niya ng proteksyon.

Kaya naman ipinagkatiwala siya ng lolo niya sa isang tao na higit nitong pinagkakatiwalaan --- si Arawn Malkiel.

How will she be able to be with him for five years, if he is messing with her mind, as well as her heart and body? How can she prevent herself from falling in love with her hunky and drop-dead gorgeous Enticing Protector?

Author's Note: Don't worry po guys, maiintindihan niyo pa rin naman po ang story na 'to kahit hindi niyo po basahin ang ibang series.

IDLE DESIRE 3: MY ENTICING PROTECTOR [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon