KABANATA 14

19.8K 746 112
                                    

SERENITY'S POV

Tulala akong nakatanaw sa kawalan. Tila naman bigla na lang akong nakabalik sa reyalidad mula sa pagbabalik-tanaw ng aking isipan sa mga nangyari sa akin noon. I heavily sighed and immediately sipped the remaining wine in the champagne glass. Hindi ko pa rin makalimutan yung mga nangyari kagabi. Sariwa pa rin sa alaala ko ang mga nalaman ko at hindi ko matanggap na magagawa akong lokohin ni Yuan. Naiinis at nagagalit ako sa kanya.

Hindi ko alam kung mapapatawad ko pa siya pero tama lang siguro ang desisyon ko na makipag-break sa kanya at hayaan na lang siya kay Abigail. Kailangan niyang panagutan at panindigan ang ginawa niya sa babaeng 'yon! Matapos din ang araw na yun kagabi ay hindi na ako nakakuha pa ng kung anong impormasyon tungkol kay Yuan maski kanila Daddy. Tinanggal ko ang koneksyon kung saan maaari nila akong mahanap. Pati cellphone ko ay in-off ko para hindi lang nila ma-trace ang location ko o ma-contact.

Gamit ang chopper ay madali lang kaming nakaalis ni Arawn sa cruise ship. Walang pagdadalawang-isip akong sumama sa protector ko dahil alam ko at nararamdaman kong safe ako sa mga kamay ni Arawn. Malaki ang pasasalamat ko na hindi niya ako pinabayaan at iniwan kagabi. He's really doing his job.

"Serenity? Why are you still awake?" isang bruskong boses ang narinig kong nagsalita mula sa aking likuran. I turned around and I saw Arawn. He's obviously woke up because his hair was still a little messy but he still looks handsome. Kahit naman siguro saang anggulo ang gwapo pa ding tignan ang lalaking 'to.

Kahit pa pagsuotin ko siya ng basahan ay gwapo pa din siya sa paningin ko. Medyo nalukot pa ang suot niyang damit at mapungay ang dalawa niyang mata. Nakita ko pa ang pagkunot ng noo niya habang nakatingin sa hawak-hawak kong champagne glass hanggang sa dumako ang tingin niya sa bote ng wine na nakapatong sa lamesa. Naglakad siya palapit sa gawi ko at tumabi sa akin. Tinungkod pa niya ang dalawa niyang siko sa railings para mas masilip niya ang ganda ng lugar na nasa ibaba kahit pasado alas-dose na rin ng gabi. Malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.

"May balak ka bang magpakalasing? It's already past eleven o'clock at night but you're still awake." aniya at tinaasan pa niya ako ng isa niyang kilay. Mahina akong natawa bago ako naglagay ng wine sa champagne glass ko.

"I can't sleep. Na-home sick yata ako kaya naisipan ko na lang na uminom ng wine. Pasensya na kung kinuha ko ito sa ref mo na hindi nagpapaalam sayo." sagot ko sa kanya sabay angat ng bote ng wine.

"Ikaw? Bakit nagising ka?" tanong ko at binalingan ko siya. Sumimsim muna ako ng alak at tinignan siya ng maigi.

"I dreamed about you. Iniwan mo daw ako kahit nagmamakaawa ako sayo na huwag mo akong iwanan." diretso niyang sagot na nagpatigil sa akin. Napanagipan niya ako?

"Palagi mo kasi akong iniisip kaya pati sa panaginip mo naroon ako." natatawa kong biro sa kanya.

"Yeah. Palagi nga kitang iniisip. You are always on my mind na animo'y pati sa panaginip ko ay naroon ka din." ani Arawn at hindi ako agad nakasagot. Mariin siyang nakatingin sa akin kaya mahina akong tumikhim at binaling na lang sa iba ang atensyon ko.

Kakarating lang naming dalawa kaninang umaga sa nabili niyang rest house dito sa Tagaytay. Sumama ako sa kanya at dito niya ako dinala. Gusto ko kasing magpakalayo-layo muna. Gusto ko munang makapag-isip isip ng maayos. Time out na muna sa mga problemang dumarating sa akin. Gusto kong magpunta sa tahimik na lugar na hindi ako agad basta-basta mahahanap nila Mommy lalong-lalo na si Yuan. Mayaman din si Yuan kaya hindi malabong ipahanap niya ako sa mga pwede niyang utusan. Pero sa tingin ko hindi rin naman siguro basta-basta mahahanap ang rest house ni Arawn.

Ang rest house na ito ay halos sumasakop na sa gubat at nasa bandang itaas pa ito. Pa-bundok itong lugar at aabutin ka pa ng bente minutos para makarating sa bayan na nasa ibaba lang. Buti na nga lang at may dala kaming sasakyan ni Arawn kaya hindi rin hassle sa pag-akyat o pagbaba sa rest house niya. Tahimik at payapa dito. Sariwa ang hangin at medyo malamig pa.

IDLE DESIRE 3: MY ENTICING PROTECTOR [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon