Epilogue

27.3K 962 174
                                    


SERENITY'S POV

Humahampas at tumatama sa aking katawan ang sariwang simoy ng hangin. Rinig na rinig ko rin ang mga huni ng ibon na malayang nakakalipad sa himpapawid. Tinatangay rin ang mahaba kong buhok dahil sa malakas na pagtama ng hangin sa akin. Tinignan ko naman ang nasa harapan ko bago ko inilapag ang mga bulaklak na pinitas ko pa mismo sa garden ni Mommy kaninang umaga.

I heard that red rose and sunflower are her favorite flowers. Nabanggit iyon ni Daddy sa akin kaya naman ay iyon ang mga pinitas ko sa hardin ni Mom kaninang umaga bago ako magtungo dito. Maingat akong nag-indian sit sa damuhan at pinagkatitigan ko pa ng mabuti ang nasa harapan ko ngayon.

"Kamusta ka na? Masaya ka na ba diyan?" pauna kong katanungan sa kanya.

Masuyo ko namang hinaplos ang lapidang nasa harapan ko at tinanggal ang ilang mga duming dumidikit roon. Mapait akong ngumiti at hinaplos rin ang nakaukit na pangalan niya sa lapidang iyon. Napayuko ako ng ulo at huminga ng malalim. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa alaala ko ang mga nangyari sa nakaraan namin. Naninikip ang puso ko sa sakit dahil sa sinapit ng kanyang buhay.

Hindi niya deserve na mawala sa mundong ito sa murang edad. Alam ko na marami pa siyang pangarap sa buhay. Marami pa siyang gustong gawin na dapat niyang marating. Mabilis kong pinunasan ang masagana kong luha na bumagsak na naman sa aking mata. Hindi ko siya makakalimutan kahit kailan.

"Anim na taon na pala ang nakakalipas. Anibersaryo na naman ng kamatayan mo ngayon. Sabi ko naman sayo palagi na huwag kang magdalawang isip na dalawin ako sa panaginip eh." sambit ko pa at mahina akong natawa. Grabe, hindi ko man lang namamalayan ang mabilis na paglipas ng taon. Parang kailan lang ay kasama pa namin siya.

"Miss na kita," dugtong ko pa.

Sa katunayan nga niyan ay namimiss ko nang makipag-bardagulan kay Abigail. Nakakamiss din pala ang mga araw na palagi kaming nagtatagisan ng masamang tingin at nagsasagutan. Nakakamiss din pala siya.

Sinuklay ko ang mahaba kong buhok na humaharang sa aking mukha at muli na naman akong bumuntong-hininga nang malalim. Anim na taon na ang nakakalipas mula nang iwan niya kami. Sigurado naman ako na nagsisisi siya sa mga ginawa niya sa akin noon. At hindi naman ako madamot kaya pinatawad ko rin siya. Alam ko at nararamdaman ko na may mabuti pa rin siyang puso sa kabila ng mga kasalanan na nagawa niya sa akin noon pa lang.

"Siguraduhin mo lang na masaya ka diyan ah? Wag kang makikipag-away diyan sa langit. Sana bantayan at gabayan mo kami ng asawa't anak ko." saad ko at ngumiti ng matamis.

"Aalis na ako okay? Magpakabait ka diyan ah para hindi magalit si Daddy sayo. Hindi ko alam kung kailan ulit ako makakabalik dito sa puntod mo pero sinisiguro ko sayo na dadalawin kita ulit, Abigail," sabi ko pa at matamis na nginitian ang puntod ng halfsister ko.

Hinawakan ko muna ang kanyang lapida bago ako tumayo, "Paalam, Abigail. Hanggang sa muli nating pagkikita," halos pabulong ko na lang na sinabi iyon kasabay ang pagtama ng malamig na hangin sa aking katawan.

Pakiramdam ko ay parang may yumayakap sa akin at nagtataasan pa ang mga balahibo ko sa katawan. Tumalikod na ako at agad naglakad palayo. Maraming nagbago, marami na naman ang nangyari at marami ring dumating sa buhay namin sa paglipas ng anim na taon. Hindi kinaya ni Abigail ang natamo niyang bala sa dibdib nang barilin siya ni Yuan kaya binawian siya ng buhay. Sobra ang pagdadalamhati namin lalong-lalo na si Dad. Nalaman ko na talagang halfsister ko siya.

Kinailangan niya kasi ng dugo sa kalagitnaan ng kanyang operasyon at si Daddy lang ang nag-match sa kanyang dugo pero hindi naman nakayanan ni Abigail ang pakikipaglaban sa kamatayan hanggang sa humatong sa pagkawala niya sa mundong ito. Doon ko rin nalaman ang buong katotohanan. Nagkaroon lang naman ng anak sa ibang babae si Dad at dahil lang iyon sa pagkakamali.

IDLE DESIRE 3: MY ENTICING PROTECTOR [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon