SERENITY'S POV
Madami kaming napagkwentuhan ni Ate Agatha. Naikuwento niya yung nangyari sa Hacienda tungkol sa pagwawala ni Yuan at hinahanap ako. Pinaliwanag ko naman sa kanya yung totoong nangyari kaya nung nalaman niya yung buong kwento ay mukhang siya pa ang galit na galit kay Yuan. Parang handa na nga niyang patayin si Yuan kaya natatawa na lang ako sa reaksyon niya.
Hindi rin naman sila nagtagal dito sa rest house dahil may kamag-anak pa silang dadaanan para kamustahin. At isa pa baka daw kasi magpunta sila Mommy sa Hacienda at malaman na wala sila doon. Ang paalam lang daw nila dadalawin lang nila yung panganay na kapatid ni Mang Caloy dito sa Tagaytay.
"Relax darling. Hindi ka naman nila kakainin ng buhay." salita ni Arawn at tinawanan pa ako.
Huminga ako ng malalim at tipid na ngumiti sa kanya. Nasa kotse na kaming dalawa at papunta na kami sa Idle Desire na tinutukoy niyang isang restobar. Pagmamay-ari daw yun ni Jaeger at doon daw sila madalas tumatambay na magbabarkada.
"Ilan ba kayong magbabarkada?" tanong ko sa kanya.
"Hmm, hindi ko mabilang pero madami kami." sagot niya kaya nanlaki ang dalawa kong mata. Madami sila? Gaano karami? Inatake tuloy ako ng kuryosidad. Nakilala ko na ang iba sa mga kaibigan ni Arawn lalong-lalo na sila Thorn.
"Bihira na lang kasi kami magkita-kita. May sari-sarili na kasi silang pinagkakaabahalan. Ang iba sa kanila ay pamilyado na kaya ngayon lang namin naisipan na mag-reunion." sunod pa niyang sabi.
Tinignan pa niya ako saglit bago ibalik ang kanyang atensyon sa pagmamaneho. Ilang minuto ang lumipas at huminto na rin ang sinasakyan namin sa tapat ng isang restobar. May mga tao sa labas at mahahalata agad na mayayaman. Sabay kaming bumaba sa kotse nang maiparada ni Arawn ang sasakyan sa parking lot.
"Baka nandoon na sila sa loob. Let's go. Huwag kang lalayo sa akin." ani Arawn at hinawakan ako sa aking beywang.
Binati lang kami nung bouncer na nagbabantay sa labas bago kami pumasok sa loob. Bumungad sa akin ang maingay at nakakasilaw na iba't-ibang ilaw. Maraming mga tao sa loob at ang iba ay nagsasayawan pa sa dance floor.
Nangangamoy alak, pagkain at pabango. Mabuti na lang walang naninigarilyo dito. Kaliwa't-kanan rin ang mga naghahalikan at may kumakain naman ng mga inorder nilang pagkain. Napansin ko pa sa di kalayuan na may naglalaro ng billiards at darts.
Ignorante man tignan pero ganito pala ang itsura ng restobar na madalas lang kinukuwento sa akin ng mga kaklase kong babae nung nasa New York palang ako. Para lang din itong isang bar dahil may stool bar counter at barista.
Pero ang pinagkaibahan lang ay nagtitinda sila dito ng mamahaling pagkain at may mga naglalaro pa ng billiards or darts. Mukhang may pustahan pa ngang nangyayari 'e. Ito pala ang tinatawag nilang Idle Desire. Ang ganda naman nitong lugar na 'to.
"Ito na nga ba ang sinasabi ko." salita ni Arawn at kahit maingay ang tugtog mula sa malalaking speakers ay narinig ko pa rin ang sinabi niya.
Tinignan ko naman siya at nakakunot na ang kanyang noo habang nakatingin sa paligid namin. Pinasadahan ko rin ang paligid ko. Bawat madadaanan namin ay literal na napapatingin ang mga lalaki sa akin. Hindi ko alam kung pangit ba ako o may dumi ba sa mukha ko. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Arawn sa beywang ko at mas hinapit ako palapit sa katawan niya.
Umakyat kami sa second floor at kahit dito ay may nag-iinuman pa din. Pumasok kaming dalawa sa isang kwarto at nakita ko ang mga kalalakihan na nag-iinuman. May kasama din silang mga babae na kilalang-kilala ko. Ang iba sa kanila ay nakilala ko pa pero ang iba naman ay ngayon ko lang nakita. Infairness, mga gwapo at matatangkad sila. Mukhang kami na lang ang hinihintay nila at lahat sila ay napatingin sa amin.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 3: MY ENTICING PROTECTOR [UNDER EDITING]
General FictionIDLE DESIRE 3: ARAWN MALKIEL The death of her grandfather must have been one of the most painful for her. Hindi niya lubos matanggap na wala na ito. Parang tinutusok ng maraming punyal ang dibdib niya dahil hindi siya makapaniwala na patay na ang pi...