SERENITY'S POV
Kung patibong man ito ni Arawn ay hindi ako dapat mahulog. Hindi pwedeng mahulog ang loob ko sa kanya. Tama na ang dalawang beses na nakagawa ako ng malaking kasalanan kay Yuan at hindi ko na dapat hayaan na mangyari ulit yun. Isa akong marupok at isang malaking tukso ang tulad ni Arawn Malkiel. Baka sa isang iglap, hindi ko na namamalayan na tuluyan na akong bumigay sa kanya.
Mabilis at madali akong magpadala sa matinding tukso! Ang isang tulad ni Arawn ay delikado at hindi pwedeng lapitan. He looks like a ferocious predator ready to devour his delicious prey. At feeling ko naman ay isa ako sa mga prey niya na dapat tumakbo at tumakas bago pa niya ako mahuli.
"Alam mo senyorita, bagay kayo ni sir Arawn. Ang lakas ng chemistry niyo! Sana kayo nalang ang magkatuluyan!" bulalas ni Ate Agatha na halatang kinikilig pa dahilan para magkasalubong ang dalawa kong kilay. Anong pinagsasabi nito?
"Anong pinagsasabi mo? Kilabutan ka nga diyan sa sinasabi mo ate! May boyfriend na ako ano ka ba." naiiling kong saad at bumaba na sa hagdanan.
"Aysus! Gwapo, matangkad, maskulado, matalino, mayaman at sobrang hot kaya ni sir Arawn! Nasa kanya na ang lahat na magugustuhan ng isang babae at binabae! Total package na siya girl! Usap-usapan din na hindi pa siya nakikipagdate sa ibang babae! Never pa daw siyang nagka-girlfriend! Pero seryoso ako, kinikilig ako sa inyong dalawa ah. No offense pero bagay talaga kayong dalawa ni sir Arawn." tukso pa niya sa akin kaya napailing-iling na lang ulit ako sa pagiging abnormal niya.
Hindi ba siya kinikilabutan sa pinagsasabi niya? Bagay kami ng lalaking yun? Tsk. Palagi na lang niyang sinasabi yan na kesyo bagay kami at malakas ang chemistry namin ni Arawn. Hindi ba siya nagsasawa sa tuwing iyan ang bukambibig niya? Hindi rin ba siya napapagod sa pagiging madaldal niya? Grabe, mala-armalite ang bibig niya. Ratrat ng ratrat! Hindi ko na lang siya sinagot at pumasok na ako sa loob ng kusina para makakain na.
Pero natigilan ako sa pagpasok sa kusina nang makita ko kung sino ang nakaupo sa harapan ng hapag-kainan. He also looked at me when I caught his attention and our eyes met. Buong araw ko siyang hindi nakita ngayon. Hindi ko rin siya nakasabay kumain kanina ng almusal at tanghalian. Ang sabi lang sakin ni Nanay Pat, umalis daw siya kagabi papuntang Maynila dahil may kaibigan siyang kailangan na i-meet. Kakabalik lang niya siguro ngayon. At sa isang linggo ko siyang hindi pinapansin at kinakausap, ngayon lang ulit nagtagpo ang mga mata namin dahil nga sa iniiwasan ko siya.
"Oh s'ya tamang-tama at nandiyan ka na pala iha. Maupo ka na at para makakain na kayong dalawa ni sir Arawn." sulpot bigla ni Nanay Pat at nilapag sa lamesa yung mga niluto nilang ulam. Pasalamat na lang at nagsalita si Nanay Pat dahil paniguradong ilang minuto pa ako dito sa pwesto ko at nakatayo. Bumuga ako ng hangin at naupo sa silya na malapit lang sa kanya.
Ramdam na ramdam ko pa ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Shit! Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ako kinakabahan sa kanya? Tahimik lang akong kumakain at hindi ko man lang pinasadahan ng tingin yung katabi ko. Katulad lang na nakagawian naming pwesto nung una naming pagsasalo sa hapag-kainan. Tahimik lang din siyang kumakain at tanging mga kutsara't-tinidor lang ang naririnig ko sa buong paligid. Ni walang nagtangka saming umimik. Napapansin ko pa sa gilid ng mata ko na panakaw-nakaw siya ng tingin sakin.
Binilisan ko na lang kumain dahil feeling ko nauubusan ako ng hininga sa sobrang tahimik naming dalawa. Alam kong may kasalanan din akong nagawa sa kanya. Ayokong siya lang ang sisihin ko kung bakit kami nag-away at kung bakit ako nagpapaubaya sa kanya sa tuwing hinahalikan niya ako. Kasalanan ko din naman kasi at talagang pinagsisihan ko pa talaga ang araw na nagtalo kaming dalawa. Ako lang itong ayaw maunang humingi ng sorry. Nahihiya ako dahil pinairal ko ang pagiging brat ko.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 3: MY ENTICING PROTECTOR [UNDER EDITING]
General FictionIDLE DESIRE 3: ARAWN MALKIEL The death of her grandfather must have been one of the most painful for her. Hindi niya lubos matanggap na wala na ito. Parang tinutusok ng maraming punyal ang dibdib niya dahil hindi siya makapaniwala na patay na ang pi...