Serenity Araceli's
Lahat kami ay nakatingin kay dad.
Nakikita ko ang galit sa kanyang mukha at kapansin-pansin ang pandidilim niyang mga mata. Parang gusto kong tumakbo at magtago sa kwarto ko para hindi ko makita kung gaano siya galit na galit ngayon.
And I know it's because of me.
"This is a bullshit! Paano nangyari iyon? Bakit halos lahat ng mga ari-arian ni papa ay kay Serenity ipinamana? Bakit wala man lang siyang ibinigay para kay Abigail?" galit na tanong ni dad.
Umalingawngaw pa sa buong bahay ang kanyang malaki at nakangingilabot na boses. Malaki ang takot ko kay dad. Minsan ko na siyang nakitang magalit at ayoko na makita ulit 'yon.
“Dad, okay lang po sa akin 'yon. At least naman po na mayroong binigay na shares si Lolo Armagon sa akin,” sambit ni Abigail. Pinalungkot niya pa ang kanyang boses para siguro mas maawa lalo si dad sa kanya.
Halata naman na umaarte lang siya. Sigurado na pati siya ay nagngingitngit na sa sobrang inggit at galit dahil hindi na nadagdagan pa ang ipinamana ni lolo sa kanya. At hindi na rin ako magtaka kung kainggitan na naman niya ako.
Kung ano'ng meron ako ay gusto niya ay meron din siya. Kaya nga malaki ang inis at galit ko sa babaeng ito. Bitch at story maker na nga, inggiterang palaka pa. Gano'n siya ka-all in one. Hakot award talaga ang Abigail na 'to. Kaya nga noong bata pa lang kami ay halos lahat ng mga laruan ko ay napupunta sa kanya. Lahat ng mayroon ako ay gusto niyang maangkin.
"No, sweetheart. Hindi 'yon okay!" Umiiling-iling na asik ni Dad. "Dapat may iniwan man lang si papa sa 'yo kahit na 'yong restaurant man lang niya sa Cebu!"
Halata kong frustrated na siya. Yumuko lang si Abigail at nagkunwari pa siyang malungkot kaya lihim akong napairap. Ang galing talaga niyang umarte. Bagay na bagay siyang maging artista. Artistang maraming bashers!
"Pwede bang hinaan mo ang boses mo, Henry? Nasa harapan ka pa naman din ng anak mo. Respetuhin na lang natin kung ano ang desisyon ni papa," galit na salita ni Tito Harold.
Pati si tito ay halatang hindi niya nagustuhan ang inakto ng bunso niyang kapatid. Hindi naman ganito si daddy dati. Hindi siya ganito at malaki ang pinagbago niya mula nang dumating si Abigail sa buhay namin.
Masakit dahil pakiramdam ko ay hindi na siya ang daddy ko. Si dad na mahal ako, na bini-baby ako at hindi hinahayaan na masaktan ako. Ang sakit dahil ang daming nagbago sa kanya.
"Calm down, honey," sabat ni mommy. "Baka naman malaki ang tiwala ni papa sa anak natin," dagdag niya.
Saglit akong tiningnan ni Dad bago siya bumaling kay Attorney Ferrer.
"Sigurado ka ba sa nakasulat na last will and testament ni papa? Lahat ng kayamanan niya ay ipagkakatiwala niya kay Serenity?" paniniguro niya.
Napabuntong hininga ni Attorney, "Yes, Mr. Henry. This is what is written on his last will and testament. At kailangan nating tanggapin at respetuhin 'yon. Kahit na bigyan pa kita ng original copy para makasiguro ka lang na totoo ang mga nakasulat dito sa papel at walang halong pangdaraya.”
"Wala na rin tayong magagawa pa kung kay Serenity niya ipinamana ang lahat ng ari-arian niya. At isa pa, bago mamatay si Don Armagon ay napag-usapan na rin naming dalawa ang tungkol dito,” dugtong ni Attorney.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 3: MY ENTICING PROTECTOR [UNDER EDITING]
General FictionIDLE DESIRE 3: ARAWN MALKIEL The death of her grandfather must have been one of the most painful for her. Hindi niya lubos matanggap na wala na ito. Parang tinutusok ng maraming punyal ang dibdib niya dahil hindi siya makapaniwala na patay na ang pi...