KABANATA 6

21.3K 744 116
                                    

KABANATA 6:


Serenity Araceli

          AGAD akong lumabas sa Hacienda dahil paniguradong kanina pa naghihintay sa akin si Arawn. Ngayon ang punta namin sa farm para makita at makilala ko raw ang mga farmers ni Lolo Armagon. Tiyak daw kasi na matutuwa ang mga farmers 'pag nakita nila ako at malaman na ako ang magiging bago nilang amo.

Paglabas ko ay nakita ko si Araw na naghihintay sa 'kin sa labas habang nakasandal naman ang kaniyang likuran sa pinto ng itim ma Urus Lamborghini. Maybe he's the owner of that car?

Ngayon lang din ako nakakita ng ganyan na klaseng sports car at saka wala namang ganitong sasakyan si lolo rito sa Hacienda niya, hindi rin naman siya mahilig sa mga sports car aya sigurado ako na pagmamay-ari ni Arawn ang sports car na kinasasandalan niya ngayon.

Hindi ko napigilan na pasadahan ng tingin si Arawn mula sa kaniyang ulo hanggang paa. He was just wearing a black leather jacket, jeans and sneakers. Magulo pa ang kaniyang buhok pero hindi naman 'yun nakakabawas sa pagiging gwapo niya.

Bagkus ay mas dumagdag at bumagay pa sa pagiging maganda niyang lalaki ang pagiging messy ng buhok niya. He looks really expensive and intimidating. It screams how dangerous he is. Nagtataasan tuloy ang mga balahibo ko sa katawan.

Pero nakapagtataka lang.

Bakit parang pamilyar siya sa akin?

Para kasing nakita ko na siya dati pa. Ngunit hindi ko lang matandaan kung saan. Subalit bigla namang sumagi sa isipan ko 'yung lalaking nakita ko no'ng araw ng libing ni lolo.


'Yung lalaking nakita ko na maskulado at basang-basa ng ulan na nakatayo malapit sa puno. Wait! Si Arawn kaya 'yun? Siya kaya 'yung lalaking nakita ko that time? I dunno.

And as always, he never failed to make me mesmerized. I admit, he's gorgeous and hot! Those gray sharp eyes that stared at me intently right now. Para talagang pati kaluluwa ko ay nakikita niya na. Hindi ko rin magawang alisin ang pagkakatingin sa kaniya. Kahit sino naman sigurong babae ay mapapatitig sa kaniya.

Ang kaniyang mga mata na malalim kung tumingin at feeling ko malalaglag ang underwear ko nito. I also can see the happiness in his eyes. 'O baka naman namamalikmata lang ako?

Iba pa siya makatitig sa akin. As if na gandang-ganda siya sa 'kin. 'O sadyang assuming lang ako? Ay ewan.

"Good luck sa romantic date niyo ni Sir Arawn, senyorita ah?" Someone whispered to me.

Nagulat ako roon. Akala ko kung sino na, si Ate Agatha lang pala na bigla na lang sumulpot sa gilid ko! Magkakaroon ako ng sakit sa puso nito dahil sa kaniya. At saka ano raw? Romantic date namin ni Arawn? Nagkunwari naman akong maduduwal. Tumawa naman si Ate Agatha sa reaksyon ko at pabiro pa akong hinampas sa braso ko.

"Ew, kilabutan ka nga sa sinasabi mo Ate." bulong ko rin sa kaniya kaya mas natawa siya lalo sa akin.

Nahuli pa ng dalawa kong mata kung paano magkasalubong ang halos perpektong kilay ni Arawn. Paglapit ko sa kaniya ay pinagbuksan niya ako agad ng pinto sa front seat kaya sumakay na ako. May pagka-gentleman naman pala ang lalaking 'to kahit papaano.

Dagdag pogi points din 'yon!

"Oh s'ya, mag-iingat kayong dalawa. Dahan-dahan lang sa pagmamaneho, hijo. Umuwi rin kayo agad ng maaga at huwag na magpaabot ng gabi sa kalsada." paalala sa amin ni Nanay Pat dahil nasa labas silang dalawa ni Ate Agatha.

IDLE DESIRE 3: MY ENTICING PROTECTOR [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon