SERENITY'S POV
Nananakit na ang ulo ko sa dami ng iniisip. Hindi pa rin ako maka-move on sa nangyari kanina sa nagpadala sa akin ng mga patay na hayop tapos malalaman ko pa na half-sister ko si Abigail? Na hindi ko lang siya basta pinsan! Totoong half sister ko ang babaeng yun! Sinabi na sa akin ng magulang ko ang katotohanan kanina. Nagkaroon ng ibang babae si Dad at nabuntisan niya 'to kaya si Abigail ang naging bunga.
Inamin ni Dad sa akin na isa lamang yun na pagkakamali. Nagkayayaan sila ng mga kumpare niya at nalasing siya kaya nabuntisan niya yung kapatid nung isa sa mga kumpare niya. Nagalit si Mom nang may pumunta daw sa bahay na babae at sinasabi nitong panagutan siya ni Dad.
Buhay pa si Lolo Armagon that time at isa kaming Araceli kaya nagawan nila ng paraan yun para itago sa publiko ang tungkol kay Abigail. Pina-DNA test nila yung bata at talagang si Daddy nga ang ama. Doon naman umamin yung nabuntisan ni Dad na sinadya niyang magpabuntis sa Daddy ko at may nilagay siyang droga sa alak na ininom ni Daddy.
Matagal na palang may gusto ang babaeng yun sa ama ko kaya galit na galit si Dad nang malaman niya ang ginawa nung babaeng yun sa kanya. Nagsisisi naman daw si Dad sa nangyari at humingi siya ng kapatawaran. Si Mommy ang tunay niyang mahal at dahil may kalambutan ang puso ni Mom ay napatawad din niya agad si Dad.
Pero bakit kinailangan pa nilang ilihim sa akin 'to? Dapat noon palang ay sinabi na nila sa akin na half sister ko si Abigail. Kaya ganun na lang ang galit nung babaeng 'yon sa akin dahil malaki ang pagkaka-inggit niya sa akin. Pinakita na rin ni Arawn ang mga ebidensya na mayroon siya at meron siyang litrato ni Abigail na nakikipaghalikan sa lalaki kahit na nasa loob sila ng classroom.
Galit na galit si Dad at nagsisisi din siya na nagawa niya akong pagbuhatan ng kamay noon dahil pinaniwalaan niya ang mga kasinungalingan nung bruhang Abigail na yun. Panay ang hingi niya ng sorry sa akin at hindi daw niya sana ako pinadala sa New York.
Labag sa akin noon na umalis ng bansa pero may ipinagpapasalamat pa rin naman ako kay Dad kahit papaano. Dahil kung hindi niya ako pinadala sa New York para doon mag-aral ng college, hindi magiging maganda ang takbo ng buhay ko doon. Baka nga magkaroon pa ako ng buhay impyerno kapag nanatili ako sa bahay kasama ang demonyitang Abigail na 'yon!
I took a heavily sighed. Isa pa sa bumabagabag sa akin ay yung sinabi ni Arawn sa akin kanina. Ang pamilya ni Yuan ay isa sa pinaka-kakumpitensya ni Lolo Armagon pagdating sa business. Sabi sa akin ni Arawn ay nakaaway ni Lolo ang pamilyang Sanchez dahil laging nalalamangan ni Lolo ang mga Sanchez sa pagpapatakbo ng malalaking kompanya.
At mas pinapaboran pa daw ng ilang mga negosyante si Lolo kaysa sa mga Sanchez lalo na kapag tungkol sa investment. Sumasakit lang ang ulo ko dahil wala naman akong alam sa mga ganitong bagay lalo kapag sa business pero sabi sa akin ni Arawn na siya na ang bahala sa lahat. Pagkatiwalaan ko na lang daw siya.
"Don't stress yourself, darling. Nakakunot na naman tuloy yung noo mo." malambing na salita ng bruskong boses sa kaliwang tenga ko at may brasong yumakap sa beywang ko mula sa aking likod.
Hinalikan niya pa ang balikat ko at marahan pa niyang hinahaplos ang aking tiyan. Ang kanyang halik na nasa balikat ko ay umakyat sa gilid ng aking leeg kaya nararamdaman ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa balat ko. Inaamoy-amoy niya ang buhok at batok ko kaya nakikiliti ako ngunit hinawakan ko lang ang kamay niyang na nakahawak sa beywang ko.
"Ngayon ko lang kasi naisip kung bakit sa akin pa ipinamana ni Lolo Armagon lahat ng mga ari-arian niya. Wala naman akong alam sa pagpapatakbo sa business niya. Nandiyan naman si Kuya Killian na may experience na sa pag-handle ng company." malungkot kong turan at muli akong bumuntong-hininga nang malalim.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 3: MY ENTICING PROTECTOR [UNDER EDITING]
General FictionIDLE DESIRE 3: ARAWN MALKIEL The death of her grandfather must have been one of the most painful for her. Hindi niya lubos matanggap na wala na ito. Parang tinutusok ng maraming punyal ang dibdib niya dahil hindi siya makapaniwala na patay na ang pi...