SERENITY'S POV
Pansin ko sa gilid ng aking mata na panay ang tingin ni Arawn sa aking gawi. Wala akong imik mula nang umalis kami sa photography gallery niya. Kasalukuyan na kaming papunta ngayon sa restaurant. Nagngingitngit pa rin ako sa sobrang inis dahil sa Vivian na yun.
Grabe siya makahawak at makadikit kay Arawn! At itong lalaking 'to, parang nagugustuhan pa niya ang ginagawa nung babaeng yun! Malalim akong bumuntong-hininga at tumingin na lang sa labas ng bintana.
"May problema ba?" dinig kong basag ni Arawn sa katahimikan.
"Wala." tipid kong sagot sa kanya. Siya naman ngayon ang bumuntong-hininga.
"Walang namamagitan sa amin ni Vivian. Kaya ko naging ex business partner ang magulang niya ay dahil nagnakaw sila ng ten million sa company ko kaya pinatalsik ko sila at pinakulong." aniya na nagpataas sa isa kong kilay.
Bakit naman niya sinasabi sa akin yan? At saka nagnakaw ang magulang ni Vivian ng ten million sa company ni Arawn? Ganung kalaking pera ang ninakaw nila?! Ang lalakas naman ng loob nila. Binalingan ko siya ng tingin pero seryoso lang siyang nagmamaneho.
"Tinatanong ko ba?" masungit kong tanong sa kanya. Bigla naman siyang natawa at saglit lang akong tiningnan bago niya binalik ang kanyang atensyon sa pagmamaneho ng kotse.
"Feeling ko lang na dapat akong magpaliwanag. Hindi na kasi maipinta ang maganda mong mukha dahil sa selos." nakangisi niyang sabi. Halos mabilaukan ako sa sarili kong laway dahil sa sinabi niya. Pagak akong tumawa at tinuro ko pa ang sarili ko.
"Ako? Nagseselos? No way!" mabilis kong sagot at siya naman ngayon ang tumawa ng malakas. Hindi ba pwedeng naiinis lang ako sa babaeng 'yon? Obvious naman na may gusto siya kay Arawn 'e! Kung paano siya yumakap at humawak sa lalaking 'to na may kasama pang papisil-pisil.
"Okay, sabi mo eh." Arawn at nagkibit-balikat pero tumatawa pa rin siya.
Naiinis ako sa tawa niya! Bakit ang sexy niyang panoorin kapag tumatawa? Mas lalo pa tuloy siyang gumagwapo. At saka nagseselos nga ba ako? Malamang may karapatan din akong magselos! Mahal ko siya at soon ay magiging asawa ko na rin siya. Literal naman akong magseselos kung may seksing babae ang lumalapit sa kanya at yumayapos pa! Partida may pahawak-hawak pa sa biceps niya na may kasama pang pisil!
Nakarating kami sa restaurant kaya pinarada lang niya ang sasakyan sa parking lot. Bumaba din kami agad at dahil sa inis ko ay nauna na akong naglakad papasok sa restaurant. Narinig ko pa na pumito si Arawn pero hindi ko na siya pinansin. Binati kami ng isang waiter at huminto muna ako para hanapin kung saan naka-table sila Mommy. Agad ko naman silang nakita ni Daddy kaya lumapit na ako sa kanila.
"Mabuti naman at dumating kayong dalawa." nakangiting turan ni Mom. Humalik lang ako sa pisngi niya at ganon lang din ang ginawa ko kay Dad. Magkatabi kaming naupo ni Arawn sa bakanteng silya.
"Nakapag-order na po ba kayo?" tanong ni Arawn sa magulang ko.
"Hindi pa. Sandali lang at meron pa tayong hihintayin." sagot ni Dad na nagpakunot sa noo ko.
"May iba pa po ba kayong inimbitahan?" tanong ko at tinignan ko silang dalawa. Nagkatinginan naman ang magulang ko at naiilang silang ngumiti sa akin.
"Yes, anak. Darating din dito sila Abigail." malumanay na sagot ni Mom at natigilan akong saglit.
Kinabahan ako agad na ewan. Kung darating din dito sa Abigail, hindi malabong kasama niya si Yuan. Tumingin ako kay Arawn at hinawakan naman niya nang mahigpit ang kamay kong nakapatong sa aking hita. Hindi s'ya nagsalita pero nakikita ko sa mata niya na sinasabi niya sakin na huwag akong kabahan. Huminga ako ng malalim at peke lang akong ngumiti sa magulang ko. Hindi ako dapat kabahan. Nandito si Arawn at alam kong hindi niya ako pababayaan.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 3: MY ENTICING PROTECTOR [UNDER EDITING]
General FictionIDLE DESIRE 3: ARAWN MALKIEL The death of her grandfather must have been one of the most painful for her. Hindi niya lubos matanggap na wala na ito. Parang tinutusok ng maraming punyal ang dibdib niya dahil hindi siya makapaniwala na patay na ang pi...