SERENITY'S POV
Pala-isipan pa rin sa akin hanggang ngayon kung bakit sumabog ang sasakyan ni Arawn. Nanginginig ang buo kong katawan dahil sa takot. Paano kung nakasakay na kaming dalawa ni Arawn doon sa kotse niya? Paniguradong nakasama rin kami sa malakas na pagsabog at malabong makaligtas pa kami.
Matapos ang nangyaring pagsabog ay agad tumawag si Arawn ng mga pulis, bumbero at ambulansya para rumesponde sa nangyari. Malaki ang pasasalamat namin na walang nadamay o nasaktan. Sobra-sobra ang pasasalamat ko sa Diyos na hindi kami napahamak ni Arawn.
Ang mga tao sa loob ng restaurant ay nagsilabasan nang marinig nilang may sumabog. Maski sila Mommy ay nagulat nang malaman nilang kotse ni Arawn yung sumabog. Buti na lang talaga ay hindi pa kami nakakasakay sa sasakyan!
Mabilis umusad ang imbestigasyon ng mga pulisya lalo pa't magbabayad ng malaki si Arawn para lamang malaman namin kung aksidente lang bang sumabog yung kotse niya o baka naman may nagtanim ng bomba sa sasakyan habang kumakain kami sa loob ng restaurant.
Natatakot na ako sa mga nangyayari sa amin. Hindi ko na alam ang dapat kong gawin. Baka sa susunod na araw ay tuluyan na kaming malagutan ng hininga. Hindi pa nga namin nalalaman kung sino ang nagpadala nung mga bouquet of flowers at nung mga patay na hayop tapos ngayon bigla na lang sumabog yung sasakyan ni Arawn!
"Here, honey. Uminom ka na muna ng tubig para kumalma ka." sambit ni Mommy at inabot sa akin ang isang basong tubig.
Nanginginig ang kamay ko nang kunin ko yun at agad ininom. Ligtas kaming nakauwi sa bahay pero wala si Arawn ngayon sa tabi ko. Umalis muna s'ya at aasikasuhin niya ang nangyaring pagsabog kanina. I could see in his handsome face that he was angry.
Mukhang hindi na niya palalagpasin ang mga nangyayari ngayon sa amin kaya nagbayad siya ng malaking pera para mapabilis ang pag-iimbestiga ng mga pulisya. Inutusan na rin niya ang magaling niyang private investigator.
Ayaw ko pa sana siyang umalis dahil natatakot ako na baka mapahamak siya at malagay sa peligro ang kanyang buhay pero kailangan daw niyang kumilos. Babalik din daw siya agad kaya huwag akong mag-alala sa kanya.
"Take a deep breath, Serenity. Your whole body is shaking." nag-aalalang turan ni Yuan sa akin.
Nandito silang dalawa ni Abigail ngayon sa bahay at sinamahan muna nila kami. May mga kasama rin naman kaming mga bodyguards na kinuha ni Dad mula nang malaman nilang may kakaibang nangyayari at gumugulo sa amin ni Arawn.
Huminga ako nang malalim pero hindi ko maiwasang mapaiyak na lang sa nangyayari. Mabilis na lumapit si Mommy sa akin at niyakap ako. Natatakot na ako. Hindi ko kakayanin kung may masamang mangyari kay Arawn. Hindi ko pa nga naaamin sa kanya na mahal ko siya eh.
"Nakapagtataka. Bigla na lang sumabog ang kotse ni Arawn. Baka naman may nakaaway ang asawa mo?" salita ni Abigail at mababakasan ko rin siya ng pagtataka sa kanyang mukha.
Pinunasan ko ang mga luha ko at tumigil na rin ako sa pag-iyak. Sumagi bigla sa isipan ko ang mga paalala sa akin ni Arawn nitong nakaraang araw. Sinabi niya sa akin na huwag akong basta-basta magtitiwala sa kahit sinuman.
Baka nasa tabi ko na lang bigla ang kaaway ko. Hindi ko tuloy maiwasang paghinalaan si Yuan at Abigail. May kinalaman kaya sila sa pagsabog ng kotse ni Arawn? Nawala ang mga naglalarong katanungan sa isip ko nang lumapit sa amin si manang.
"Ma'am Serenity, may naghahanap po sa inyo sa labas." aniya na ipinagtaka ko.
"Naghahanap? Sino daw po?" taka kong tanong.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 3: MY ENTICING PROTECTOR [UNDER EDITING]
General FictionIDLE DESIRE 3: ARAWN MALKIEL The death of her grandfather must have been one of the most painful for her. Hindi niya lubos matanggap na wala na ito. Parang tinutusok ng maraming punyal ang dibdib niya dahil hindi siya makapaniwala na patay na ang pi...