SERENITY'S POV
Nakahawak sa isa kong kamay si Daddy at parang bumalik ang dating siya. Sobra sobra ang nararamdaman kong kasiyahan ngayon dahil nandito siya sa tabi ko. Nakangiti na rin siya sa akin at kasalukuyan silang nag-iinuman dito sa sala pero kahit na ganun, hindi ko pa rin makakalimutan yung mga nangyari lalo na yung mga nabitawan niyang masasakit na salita noon. Mapapatawad ko siya dahil ama ko pa rin siya at tanging kagustuhan ko lamang ay magka-ayos kami, na bumalik ang dating siya pero hinding-hindi ko pa rin makakalimutan lahat ng mga nangyari noon lalo na ang pagtatanggol niya kay Abigail.
Nabanggit na din nila sa akin kung paano nila ako nahanap dito sa Tagaytay. Kuya Killian used his connection. Mayaman din kasi itong pinsan ko kaya wala siyang pakialam kung mag-waldas man siya ng malaking pera. They even took a private investigator just to find me. Nalaman din namin ni Arawn na pinasundan pala nila sila Ate Agatha nung nagpunta sila Nanay Pat dito kanina kaya nalaman nila kung nasaan ako. Sinabi naman ni Dad sa akin na huwag daw akong mag-alala dahil nag-iingat din sila para hindi malaman ni Yuan kung saan ako tumutuloy ngayon.
Naikuwento na rin ni Dad sa amin na isang linggo na silang hindi nag-uusap ni Mom at talagang pinalayas pa si Dad sa pamamahay namin. Simula nang umalis kami ni Arawn sa party na yun ay hindi na daw pinapansin ni Mommy si Dad. Kahit sa bahay ay hindi sila nag-uusap.
Masyado din yatang dinamdam ni Mom yung nangyari at wala pa silang ideya kung nasaan na ako. Kaya ayon, nakikituloy daw muna si Daddy sa bahay nila Kuya Killian pansamantala habang pinapahanap ako. Nakatanggap pa nga daw si Dad ng sangkaterbang sermon mula kay Tito Harold which is ang nakatatandang kapatid ni Dad.
Buti na lang daw kasama ko si Arawn at nakahinga sila ng maluwag dahil alam nilang ligtas ako kapag kasama ko ang protector ko. Napapailing-iling na lang tuloy ako ng ulo dahil parang isang teenager lang sila Mom at Dad kung mag-away. Narealize ko nga na ngayon lang naging ganon ang Mommy ko. Dati kasi ay kung ano ang desisyon at gusto ni Dad ay hindi niya tinututulan o pinapakilamanan.
Tungkol naman kay Abigail at Yuan? Nasabi sa akin ni Dad na mahina daw ang kapit nung bata sa sinapupunan ni Abigail kaya kinakailangan daw niyang mag-ingat. Nagte-take din daw ito ng vitamins para maging malusog si Abigail pati yung bata. Nabalitaan ko din na nasa iisang bubong na sila naninirahan ni Yuan.
Nagsasama na sila kahit daw labag sa loob ni Yuan. Nakausap na daw ni Daddy yung parents ni Yuan tungkol sa dinadala ni Abigail at nagka-areglo naman sila. Wala naman akong nararamdamang kahit na anong selos o sakit. Parang masaya pa ako para kay Abigail. Wala akong nararamdaman na pagka-bitter. Para sa akin ay kontento na ako na nandito si Arawn sa tabi ko at masaya kaming magkasama. Kontento na ako sa kung anong meron ako ngayon.
"So, ano na palang balak ninyong dalawa? Obvious naman na may namamagitan sa inyong dalawa." tanong ni Dad kay Arawn sabay nguso sa kamay namin.
Tinignan ko naman ito at magka-holding hands pala kaming dalawa ni Arawn. This few days kasi nagiging clingy ang lalaking 'to sa akin. Laging nakayakap at nakahawak sa kamay ko na parang ayokong makawala sa kanya.
"Ang bilis namang pumorma nitong si Arawn. Sa kasalan na ba ang punta?" tanong naman ni Kuya Killian at nginisian ako. Pinandilatan ko naman siya ng mata kaya pare-parehas nila akong tinawanan.
Ininom muna ni Arawn yung natitirang alak sa baso niya at tumingin sakin. Ngumiti siya at inakbayan pa ako. Umamin na rin kami ni Arawn tungkol sa kung anong meron sa amin at pumayag naman si Dad sa relasyon naming dalawa. Sinabi pa nga niya na mas boto pa siya kay Arawn kaysa kay Yuan. Naniniwala daw si Dad na mas aalagaan at mapo-protektahan ako ni Arawn kaya kampante ang kanyang kalooban.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 3: MY ENTICING PROTECTOR [UNDER EDITING]
General FictionIDLE DESIRE 3: ARAWN MALKIEL The death of her grandfather must have been one of the most painful for her. Hindi niya lubos matanggap na wala na ito. Parang tinutusok ng maraming punyal ang dibdib niya dahil hindi siya makapaniwala na patay na ang pi...