KABANATA 3

23.7K 826 155
                                    

KABANATA 3:

Serenity Araceli

          "HUWAG ka mahihiyang tumawag agad 'pag nagka-problema ka sa Cebu anak ah? Kapag may nangyari sa 'yo roon ay pupuntahan kita agad.." pagpapaalala ni Mommy sa akin at mabilis niya pa akong niyakap ng mahigpit.

Napangiti naman ako ng matamis at ginantihan ko rin siya ng mahigpit na yakap habang hinahagod ko ang kaniyang likuran bago ako kumalas ng yakap sa kaniya.

"Don't worry po, Mom. I can handle myself naman na. Kayang-kaya ko na po ang sarili ko, 'no! At saka matanda na po ako at kaya ko na po alagaan ang sarili ko, kaya wala po kayong dapat ikabahala." nakangiti kong turan sa kaniya.

Malalim naman siyang nagpakawala ng buntong-hininga at hinawakan ang aking dalawang kamay.

"Alam mo naman na ayokong may masamang mangyari sa nag-iisa kong anak. Ayoko na may mangyari sa 'yo na hindi maganda katulad sa Lolo Armagon mo lalo na ngayon, bilyonarya ka na kaya mag-iingat ka roon," aniya sa labis na nag-aalalang boses.

Huminga naman ako ng malalim.

Hindi ko naman siya masisisi kung mag-alala siya sa akin ng ganiyan. Masaya pa nga ako dahil nakikita ko na concern si Mommy sa akin at natatakot siya para sa kaligtasan ko. Na baka magaya ako kay lolo.

Lalo na ngayon, isa na akong bilyonaryang babae dahil ako ang pinamanahan ni Lolo Armagon --- na ako ang eredera niya at nakasalalay na sa 'kin lahat ng mga negosyo niya.

Sa akin nga yata niya halos ipinamana ang lahat ng ari-arian na naipundar niya at ni lola. Kaya nga hanggang ngayon ay hindi pa rin ako lubos makapaniwala ma isa na akong bilyonarya. At any time ay maaaring manganib ang buhay ko.

Pero nagdarasal pa rin naman ako na sana maging safe ako. Hindi rin naman kasi ako 'yung tipo ng babae na mabilis magtiwala. Aba syempre magdo-doble ingat pa rin naman ako.

"Huwag na po kayong mag-alala sa akin, Mommy. Hindi ba't sinabi na rin sa atin ni Attorney Ferrer na mayroong taong handang pumrotekta sa akin hangga't nasa Hacienda ako? At saka pakisabi na rin po kay Daddy na sorry." mahabang sagot ko at tipid ko siyang nginitian.

Wala naman siguro akong dapat ikabahala kapag nandoon na ako sa Hacienda. Si Attorney Ferrer na rin mismo ang nagsabi sa amin na makakasama ko si Mr. Arawn Malkiel na siyang tutulong sa akin na i-handle ang lahat ng negosyo ni lolo at siya rin ang magiging instant protector ko.

Parang bodyguard ko na rin siya kung tutuusin. Si Attorney na rin ang nagsabi na malaki ang tiwala ni lolo kay Mr. Malkiel kaya dapat lang siguro rin namin siya pagkatiwalaan.

Hindi naman siguro maglalagay ng gano'n si Lolo Armagon sa last will and testament niya kung hindi naman malaki ang tiwala niya kay Mr. Malkiel. Tiyak na kilalang-kilala ni lolo ang taong 'yon kaya ganoon na lamang kalaki ang tiwala niya.

"S'ya nga pala, pag-pasensyahan mo na rin pala ang inakto ng Daddy mo kahapon hija. Nagulat lang siguro 'yon kaya intindihin mo na lang sana ang Daddy mo." malumanay niyang saad ngunit nababakasan ko naman sa boses ni Mom ang lungkot.

Bumuntong-hininga lang ako at pinakita ko sa kanya na ayos lang sa akin ang nangyari kahapon kahit hindi naman. Sa katunayan nga niyan ay masyado kong dinamdam ang mga sinabi ni Dad kahapon at kung paano siya magalit sa 'kin.

Parang sinasabi niyang nilason ko ang utak ni Lolo Armagon para maisip niya na sa akin ipamana lahat ng ari-arian niya. Hindi ko rin naman ginusto na pamanahan, hindi ko gusto na maging eredera niya. Ang tangi ko lang naman na kagustuhan ay bumalik si lolo sa akin kahit imposibleng mangyari iyon.

IDLE DESIRE 3: MY ENTICING PROTECTOR [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon