KABANATA 12

20K 792 148
                                    

SERENITY'S POV

Bakit ganun? Bakit parang may something sa kanilang dalawa na hindi ko naman mawari kung ano 'yon? Masyado akong binabagabag na ewan. Nung una parang nakita ko si Yuan kagabi sa restaurant na pinuntahan namin ni Arawn. Nawaglit din agad ang pag-iisip ko nang marinig kong may nagsalita na sa stage at umecho pa ang boses niya sa buong paligid dahil sa mikroponong gamit niya. Si Conan lang pala ang naroon.

"Good evening, ladies and gentlemen. I'm Conan Alastair, your handsome emcee for tonight." salita ni Conan at ngumiti. Kaya pala siya inimbitahan ni Arawn dahil emcee pala siya dito sa party. Ang sexy din ng accent niya sa pag-english dahilan para marinig ko ang ilang pagtili ng ibang mga babae. Bakas sa mukha nila ang pagkamangha at talagang nagpapa-cute pa sila. Ang gwapo ba naman kasi talaga ni Conan. Matangkad at makisig pa.

May ilan pa siyang sinabi. Nagpasalamat siya sa mga dumalo sa party na 'to at may mga binanggit pa s'yang pangalan ng mga mayayaman na negosyante. Matiwasay na umusad ang party, may ilan pang nagpakilala sa stage at hindi rin mawawala sa 'twing sinasabi nila kung ano ang estado nila sa buhay. Nagpapalamangan, nagpapagalingan. Nagulat pa nga ako dahil nandito ang gwapo at batang alkalde ng Maynila.

"And now, let's meet our special guest and the heiress of Don Armagon Araceli. Let's give around of applause, Ms. Serenity Araceli!" sambit ni Conan.

Nahugot ko ang aking hininga nang banggitin niya na ang pangalan ko. Napuno ng palakpakan ang buong paligid at hindi rin maiwasang magbulungan ang iba. Nagtataka at nagtatanong kung sino ang tagapagmana ni Lolo Armagon.

"You can do it, my daughter!" pangpapalakas ng loob sakin ni Mom na nakangiti kaya nagkaroon ako ng lakas ng loob. Tumayo na ako at nagulat pa ng bahagya dahil tumayo din si Arawn.

"I'm your escort and protector, remember?" nakangiti niyang sabi kaya napangiti din ako. Nilahad niya ang kanyang kamay sa harapan ko kaya maagap ko din itong hinawakan. Nakatutok pa sa amin ang spotlight kaya lahat ng mga tao ay sa amin na nakatingin. Ang kanilang buong atensyon ay nasa amin.

Inalalayan ako ni Arawn papunta sa stage na tila isa akong mamahaling bagay na dapat ingatan para hindi mabasag. Ngumiti pa ako sa kinauupuan ni Mr. Jaeger Reagan kasama ang asawa nito nang nginitian nila kaming dalawa ni Arawn. Sila ang mag-asawa na dinaluhan namin ni Arawn na meeting bago kami mag-away. Tulad nila Lorcan at Aeliana, parehas ding bagay sa isa't-isa ang mag-asawa. Nakakatuwa lang dahil parang itinadhana sila.

I was the only one who went up on the stage and I just thanked Arawn before he returned to his seat. Lumapit ako kay Conan na nakangiti at humawak pa sa beywang ko para igiya palapit sa pinakagitnang stage. I took another deep breath bago ko kunin yung microphone. I even looked at his direction, Arawn and he also look at me and gave me a thumbs up. I could see in his handsome face that he was proud of me.

I flash my smile. A sweetest smile. Hindi ko alam kung papaano ko pasasalamatan si Arawn. Dahil sa tulong niya kaya nandito na ako at nasa harapan na ng mga mabibigating tao ngayon. But why I need to feel this unfamiliar feeling? My heart beats faster every time he looks at me and approaches me. A butterfly plays and flies on my stomach when he kisses me and touches and runs his hand over my skin.

Why Arawn?

• • •

"Pagod ka na ba?" Arawn asked me. Binulong lang niya 'yon sa tenga ko. I looked at him and gave him a weak smile. The two of us have been talking to the businessmen and women here for almost half of hour. After my speech earlier, all of them approached me and offered me about the business if they could be my business partner. Nahihilo pa ako sa dami nang mga tinanong nila sa akin at sinasagot ko naman. Minsan ay si Arawn ang sumasagot sa mga katanungan nila.

IDLE DESIRE 3: MY ENTICING PROTECTOR [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon