SERENITY'S POV
Sinag ng araw ang tumama sa mukha ko dahilan para magising ang natutulog kong diwa. Inikot ko ang aking tingin sa paligid ko at kumunot pa ang aking noo nang mapansin kong wala ako sa sarili kong kwarto. Panglalaki ang amoy at black and white ang interior design ng buong kwarto. Medyo magulo ang kwartong 'to dahil sa mga damit na kung saan-saan nakakalat. Napansin ko pa nga ang underwear ko na nakapatong sa coffee table. Ang mga unan naman ay nasa lapag na. Parang may dumaan na malakas na bagyo dito. Pagtingin ko naman sa wall clock ay alas-diyes na nang umaga.
Napadako ang tingin ko sa mabigat na brasong nakapulupot sa beywang ko hanggang sa sinundan ko ito ng tingin patungo sa mukha ng isang gwapong lalaking mahimbing na natutulog. Si Arawn. Parehas kaming walang saplot at tanging makapal na kumot lang ang nagtatakip sa hubad naming katawan. Mas niyakap pa niya ako at siniksik ang kanyang mukha sa aking leeg. Doon ko bigla naalala lahat ng mga nangyari kagabi. Ano bang pumasok sa utak ko at hinayaan kong may mangyari sa aming dalawa? Nakuha na niya ang pinaka-iniingatan kong bataan!
Tinitigan ko ang mukha ni Arawn, sobrang gwapo pa rin niya kahit natutulog. Saan kaya siya pinaglihi ng mama niya kaya siya ganito kagwapong nilalang? Almost perfect na siya kung tutuusin. Muling sumagi sa isip ko ang mga nangyari kagabi. Tandang-tanda ko ang buong detalye sa mainit naming ginawang digmaan. Maski kung paano niya ako hawakan at halikan. Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang init ng halik niya at sa kasulok-sulukan ng katawan ko ay alam kong narating ng kanyang labi.
Nakagat ko ang ibabang labi ko at pinipigilan na huwag mapangiti. Ang sarap ng ginawa namin ni Arawn. First time ko yun at mukhang hindi ko makakalimutan ang ginawa namin.
Biglang uminit ang magkabilang pisngi ko nang may biglang lumitaw na imahe sa isipan ko. Ang hubad na katawan ni Arawn at masasabi kong may maipagmamalaki siya dahil sa pagiging makisig niyang lalaki. Talagang pinahiyaw ako ng paglalaki niya at kung gaano siya kahayok magpaligaya pagdating sa kama.Gusto kong batukan ang sarili ko nang makaramdam ako ng hiya. Walanghiya ka talaga, Serenity! Ngayon pa talaga ako nakaramdam ng hiya kung kailan sinuko ko na sa kanya ang bataan! Huminga ako ng malalim at muli kong tiningnan si Arawn.
Mahimbing pa rin siyang natutulog at halatang napagod siya. Napagod siguro siya sa masarap naming digmaan kagabi. Infairness ang laki at ang sarap niya. Pakshit ka talaga Serenity! Nagiging manyak na rin yung utak ko!
Bumuntong-hininga ako at kinantilan ng halik ang labi ni Arawn. Paulit-ulit ko siyang binibigyan ng smack kiss bago ko tinanggal ang braso niyang nakapulupot sa akin. Agad akong bumangon sa kama at doon ko nakita ang kulay pulang mantsa sa puting bedsheet.
Isang palatandaan na isinuko ko kay Arawn ang sarili ko. Pero bakit wala akong maramdaman na kahit anong pagsisisi sa puso ko? Bakit pakiramdam ko masaya ako na sa kanya ko binigay ang sarili ko?
Pinaramdam niya sakin kagabi na babae ako. Pinakita niya sa akin na buo ako nung angkinin niya ako kagabi. Doon ko nakita na talagang iningatan ko ang sarili ko sa loob ng maraming taon at wala akong bahid na pagsisisi na ibinigay ko sa kanya ang buong sarili ko. Ngumiti ako ng matamis habang nakatitig sa gwapo niyang mukha. Hindi pa ako nakuntento at hinaplos ko pa ang pisngi niya.
Tumigil din ako agad at umalis sa kama. Masakit ang pribadong parte ng katawan ko at bahagya itong kumikirot pero nagawa ko pa ring pulutin yung mga damit ko na nagsikalat sa kung saan-saan at tahimik na lumabas sa kwarto ni Arawn. Kahit wala akong saplot ay nagawa ko pa ring magtungo sa kwarto ko kahit paika-ika akong maglakad. Nilagay ko lang sa labahan ang damit ko bago ako dumiretso sa banyo para mag-shower.
Ramdam ko ang lamig ng tubig na tumatama sa balat ko kaya napapikit ako ng mariin. Tahimik lang akong naliligo nang maramdaman ko ang mainit na brasong pumulupot sa beywang ko at ang pagyakap niya mula sa aking likod. Bahagya pa akong napatalon sa gulat at napadilat agad ako ng mata. Gamit ang malaking salamin na nasa harapan ko ay nakita ko kung sino ang nakayapos sa akin. Walang iba kundi si Arawn na walang kahit na anong suot na saplot.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 3: MY ENTICING PROTECTOR [UNDER EDITING]
General FictionIDLE DESIRE 3: ARAWN MALKIEL The death of her grandfather must have been one of the most painful for her. Hindi niya lubos matanggap na wala na ito. Parang tinutusok ng maraming punyal ang dibdib niya dahil hindi siya makapaniwala na patay na ang pi...