Dorothy Kei
"Inaway mo naman si manong doon na nagkukuwento," sabi ni Merlin Hules, bestfriend ko.
"E, totoo naman sinasabi ko, ah."
"Malaki ka na, ilang taon ka na ba, huh?"
"17, duh."
"17 tapos naninira ka ng fairytale o legend sa mga bata. Ano ba 'yan," reklamo ni Merlin at inayos ang salamin niya.
"E, mas maganda kung totoong kuwento ang kinukuwento niya. Katulad ng educational stories para may matutunan ang mga bata."
"Educational ka diyan."
"What? May point ako, duh!"
"Ay, ewan ko sa'yo, Dorothy."
Pabalik na kami sa paaralan, malapit na kasi ang afternoon period namin. Ayaw naman namin malate dahil sobrang strikto ni Sir Julius, hihilingin niyo nalang na sana bumalik ang oras kung malalate kayo sa subject niya.
Pagkatapos ng klase namin ay sabay kami ni Merlin na naglakad pauwi. Magduduty ako sa kainan nila. Sobrang sarap ng luto ng mama ni Merlin si Tita Melly. Their eatery is known at the whole district, no, sa buong kaharian ata.
Each kingdom has five districts, usually the first and second district ay doon nakatira ang mga royals, mga high class na tao. Sa third and fourth district ay mga average na tao, like, sila Merlin. They have their own business o kaya ay nagtratrabaho sila at malaki ang suweldo. Sa fifth district, ano, people below average class. Hindi naman talaga kawawa o mahirap ang nasa fifth district. People who live at the fifth district are usually the farmers and people who raised animals.
At... Kabilang ako doon...
Duh, ano naman kung taga fifth district kami? Kung wala kami, kawawa ang buong kaharian dahil maraming maarte na tao na hindi kaya mag-alaga ng baboy o baka o mga manok. Hindi rin nila alam kung paano manghuli ng isda. People from the first and second district look down on people especially people from the fifth district.
Sarap sampalin ng isda, masyadong mga maarte.
"Tapos na ba klase niyo?" tanong ni Tita Melly pagdating namin sa kainan nila, daming customer.
"Tapos na po, Ma," sagot ni Merlin at hinalikan ang ina sa pisngi.
"Kumain na ba kayo? Nagugutom ka ba, Dorothy?"
"Aysus, ayos lang po ako, may hugasin po ba?" tanong ko habang tinanggal ang polo ko, nakatshirt naman ako sa ilalim.
"Nandoon sa lababo. Hindi ba kayo magsnack?"
"Pass ako, Tita Melly. Si Merlin nalang, masyadong masipag 'yan sa school. Kulang nalang palitan niya si Sir Antonio sa pagturo," pang-aasar ko.
"Baliw!" natatawang saway ni Merlin sa akin.
I work as a part-timer at their eatery. Umuuwi naman ako sa isla every last Saturday and Sunday of the month!
Yes, isla.
Sa buong kaharian ng Henlenka, no, wait, wrong. Sa lahat ng kaharian, ang Henlenka lang ang tanging may nasasakupan na isla! Diba? Incredible! Doon nakatira ang mga fishermen at anak ng mga fishermen na katulad ko.
Pero, nandito ako sa fourth district dahil nag-aaral ako. Nag-uupa lang ako ng kwarto dito. Walang highschool sa fifth district, tanging elementary lang ang meron doon. Magkaibigan naman si Tita Melly at Mama kaya panatag ang kalooban niya na dito ako magtrabaho sakanila Tita Melly.
Tsaka, yung kwarto na inuupahan ko ay malapit lang din sa eatery nila Tita Melly. Yung bahay nila Merlin ay nandoon pa sa kabilang kanto pero malapit lang. Yung sweldo ko dito ay iniipon ko para pag-uwi ko sa isla ay may pampibili ako ng pasalubong kina Papa, 20 silver coins per day. Malaki na 'yon, makabili na ako ng ilang gamit kung maipon ko.
BINABASA MO ANG
Cat Prince
FantasyLegend says that there was a fairy named Solana, a fairy who is love by the sun. She has twin a sister named Selene, a fairy who is love by the moon and stars. The two of them love and took care of each other. But, one day, because of insecurities...