Green
Naabutan kami ng Mama ni Dorothy sa labas at niyaya niya kami sa loob. Sinermonan niya ang nga apo niya dahil sa mga sagot nito kanina. Akala ko talaga wala na si Dorothy.
"Pasensya ka na, hijo, ito lang ang maialok ko sa'yo," sabi ng Mama niya at inilapag ang isang tasa ng tsaa sa harapan ko.
"Ay, ayos lang po, sana hindi ka na nag-abala," nahihiya kong sabi.
"Masarap ang tsaa na gawa ni Tita Demi," sabi ni Merlin.
Demi? Demi pangalan ng mama nila Dorothy?
"Oh, akala ko nakaalis na kayo, Merlin?" tanong ng mama ni Dorothy.
"Nakita kasi namin si Green kaya bumalik kami dito, Tita," sabay tingin sa akin.
"Green?" naguguluhan na tanong ng mama ni Dorothy at tiningnan ako.
Naramdaman ko ang paglakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.
"Merlin," sambit ko at tiningnan nila ako. "They don't know about it."
"Alam nila ang tungkol doon, Green—este, Do--D-Dominique."
"Ikaw yung tao na isinumpa noon, hijo?" tanong ng mama ni Dorothy at umupo sa harapan ko.
Nakaupo ako sa isa sa mga upuan sa kainan nila. Habang sila Merlin at Ariesa ay nakaupo sa upuan na gawa sa kawayan nila dito. Yung kapatid ni Dorothy ay naghuhugas ng pinggan, panay sulyap sa akin. Napalunok ako dahil sa kaba, tinitigan kasi ako ng mama ni Dorothy. They both have the same eyes.
"O--O-Opo, ako po 'yon."
Hindi siya umimik at tinitigan lang ako. Napakurap lang ako at gusto kong magtago sa likod ni Merlin dahil natatakot ako ngayon, baka bigla akong hampasin ng mama ni Dorothy. Pero, ayos lang, tatanggapin ko ng buo ang mga hampas at salita na bibitawan niya. Napataas ang dalawang kong kilay dahil bigla siyang ngumiti sa akin.
"Teka, pamilyar talaga ang mukha mo, e," komento ng kuya ni Dorothy at umupo sa tabi ng mama nila. "Nagkakilala na ba tayo?"
"Opo, noon sa Opaline, kasama ko noon si Dorothy noong magkakilala tayo," paliwanag ko.
"Ikaw yung mahaba ang buhok?!" tumango ako bilang sagot at namangha siya, bumalik siya sa pagtratrabaho at napailing.
"Kamusta ka na, Green?" naoatingin ako sa mama ni Dorothy. "Uh, Green ba pangalan mo, hijo?"
"H-Hindi po, Dominique po ang pangalan ko. Dominique Krism."
"Krism?!" napalingon kami sa kuya ni Dorothy na kakatapos lang maghugas ng pinggan.
Tumang ulit ako bilang sagot. Nanlaki mata ko dahil niyaya niyang tumayo ang mama nila para magbigay ng respeto sa akin. Agad akong napatayo upang pigilan sila dahil nakakahiya.
"Patawarin mo kami, mahal na prinsipe at hindi namin alam—"
"Naku, po, ayos lang, please, wag na," nahihiya kong sabi.
Umupo na sila sa mga upuan nila, umupo na rin ako.
"Isang prinsipe pala ang tinulungan ng kapatid mo, Dexter," sabi ng mama nila.
Hindi umimik ang kapatid ni Dorothy, ilang saglit ay nagpaalam muna siya na titingnan ang mga anak at lumabas. Naiwan kaming apat dito. I took a sip of the tea that Dorothy's mother made. Masarap nga.
"Naalala ko pa noon na hindi mo gusto kapag hinahalo ang ulam mo sa kanin noong nandito kayo ni Dorothy, hijo, noong pusa ka pa."
"P-Pasensya na po kayo," sabi ko at yumuko.

BINABASA MO ANG
Cat Prince
FantasyLegend says that there was a fairy named Solana, a fairy who is love by the sun. She has twin a sister named Selene, a fairy who is love by the moon and stars. The two of them love and took care of each other. But, one day, because of insecurities...