Dorothy Kei
Iminulat ko ang mata ko. Sumalubong sa akin ang maliwanag na buwan at mga nagniningning na mga bituin sa kalangitan. Naririnig ko ang paghampas ng alon.
Alon?
Napabangon ako, nakita ko ang dagat sa aking harapan. Nakikita ko ang paghahampas ng alon sa dalampasigan.
"Hala, shooting star!"
Napalingon ako sa nagsalita. Nanlaki mata ko dahil sa nakita ko. Napatakip ako sa bibig ko.
P-Patay na ba ako?
After life na ba 'to?
Hindi man lang ako nakagraduate ng high school!
I saw my younger self looking at the night sky.
"Bahala sila Ate, ako nalang hihiling. Ako lang naman nandito."
Nakita ko kung paano pumikit ang bata at ipinagdikit ang dalawang kamay. May binulong siya pero alam ko kung ano 'yon.
"Shooting star, hinihiling ko na sana kapag malaki na ako ay makakatulong ako sa ibang tao. Sana may malaki akong papel ako sa buhay. Sana maging matalino ako katulad ni Ate. Sana rin maging masipag din ako katulad ni Kuya."
As the youngest child in our family, minsan ikinokumpara rin ako ni Mama sa mga kapatid ko pero not in a bad way. Yung way na ginagawa ko silang inspiration. Nakita kong bumagsak yung tinatawag ko na shooting star sa gubat.
"Hoy!" I yelled at my younger self.
Hindi ko maalala na tumakbo ako patungo sa kagubatan. Agad akong tumakbo para sundan ang sarili ko. Natigilan ako dahil yung shooting star ay lumulutang sa isang bahagi sa kagubatan. Nanlaki mata ko dahil nakita kong itinaas ko ang kanang kamay ko para abutin ang bola ng liwanag.
Bakit ko ba 'to nakikita? Teka... Ito yung... Noong birthday ko...
Napatili ako dahil nakita kong bumagsak yung tinatayuan ko. Yung bata kong sarili! Agad akong tumakbo doon. I saw my younger self at the ground. Ang lalim ng binagsakan ng sarili ko. Hindi ko alam pero may luhang nahuhulog mula sa mga mata ko.
Baka patay ako simula pa noong una?
Pero, hindi naman—
Isa ba akong naliligaw na kaluluwa?!
Ngayon lang ba ako natauhan?!
Natigil ako sa pag-iyak dahil yung bola ng liwanag na inaabot ko kanina ay biglang nagbago ng anyo. Naging tao ito, may pakpak din na hugis buwan—fairy! Naging fairy yung liwanag! Fairy na nagliliwanag ang buong katawan niya! Pero, hindi nakakasilaw ang liwanag.
Lumipad siya patungo sa bata kong sarili na walang malay. Agad akong naghanap ng daan patungo sa baba. Napaluhod ako ng makita ko ang bata kong sarili na naliligo ng sarili kong dugo. Tumama ang ulo ko sa bato!
"T--T-Tulong," rinig kong sabi ng bata.
"Ano ang pangalan mo, hija?"
"D-Doroth-y K-Kei, po."
Nakita kong hinawakan niya ang magkabilang gilid ng ulo ko.
"Sana tulungan mo rin ako, hija."
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Kahit a-ano po, t-tulungan niyo po ako. Ayaw kong i-wan sila Mama."
"Hindi mo man ako maalala sa susunod na mga araw o taon pero kapag oras na maalala mo ako," nakita kong nagliwanag ang magkabilang kamay niya.
BINABASA MO ANG
Cat Prince
FantasyLegend says that there was a fairy named Solana, a fairy who is love by the sun. She has twin a sister named Selene, a fairy who is love by the moon and stars. The two of them love and took care of each other. But, one day, because of insecurities...